CHAPTER FIVE

411 15 0
                                    




Kinabukasan late nang nagising si Jewel dahil hating gabi narin siya nakatulog , naitanong nga niya sa sarili kung nakatolog ba siya o hindi  dahil Di niya kayang kalimutan yung halik na pinagsaluhan nila ni kuya

*Gumising kana Jewel! Halik lang yun walang ibig Sabihin yun!*

Sigaw ko sa sarili saka bumaba buti nalang Kasi may dalawang tao na siyang makakasama sa  malaking bahay na ito Ang nakakasaya pa ay Sila nalang daw Ang bahala sa pag luto ng makakain at siya naman ang bahala sa pag linis

Pag baba niya nadatnan pa niya si Zeal sa sala na tahimik na nag kakape lumapit siya dito at di niya maiwasang mapangiti

"Good morning Zeal!! " Masiglang bati ko sa binata nagulat din ito nang tumabi ako sa kanya

"Good morning "

"Hmmmm pasensya ka na kahapon ha , di ko naman Kasi talaga alam na Kapatid mo pala si Kuya hindi pa kita pinatuloy sa sarili niyong bahay "

Nahihiyang sabi ko dito pero ngumite lang ito sa akin

"Nah it's okey kasalanan ko din naman Kasi Di ko agad sinabi sayo"

"Nga pala Zeal napansin mo ba si Kuya? "

Tanong ko sa binata Di ko Kasi siya nakita ngayon 

"Actually nasa trabaho na siya di nga iyon kumain eh nag mamadali , madali pa naman yun mag kasakit , matigas Kasi ang ulo non "

Nag alala naman ako para sa kalusugan ni kuya kaya napag isipan ko na pupuntahan ko nalang iyon sa kanyang pinag tatrabahoan

"Sure ka? Pupuntahan mo si Kuya Zedd?" Di makapaniwalang tanong saakin ni Zeal 

"Oo  baka hihimatayin yun sa gutom "

Sagot ko sa binata at pumasok na sa sasakyan Kung saan ito Ang mag hahatid sa akin papunta sa pinag tatrabahoan ni kuya

"Okey , gusto ko sana samahan kita but kailangan ko pa kasing punatahan si Dad "

Ramdam ko yung panghihinayang sa tono ng kanyang boses ako rin naman ay panghihinayang din pero naiintindihan ko din naman siya

"Okey Lang Zeal , sege una na ako"

Paalam ko dito alam kung mabubusog talaga dito si Kuya ang Dami kasing niluto Nina Ara pati nga ako nakulangan sa kinanin ko kanina 


Mga ilang minuto din ang dumaan Bago kami dumating sa pinag tatrabahoan ni kuya  ang laki laki at ang taas pa ng building

Pumasok ako doon dala dala ang pagkain nakangiti pa nga ako habang inikot ko Ang aking paningin 

Lumapit ako doon sa front desk para mag Tanong sana

"Miss Kilala mo Po ba si Kuya?" 

Tanong ko sa isang babae tinaasan lang niya ako ng kilay at umismid na ikinagulat ko naman

"Miss mag tatanong Po sana ako , dito Po Kasi nag tatrabaho si Kuya  alam mo ba kung nasaan siya?" Tanong ko ulit pero gaya ng kanina di niya ako.pinansin

"Miss di pa Po Kasi kumain si Kuya ba----"

"Mukha ba akong may Pake sa kuya mo miss?? At sino kaba? Bakit ka pinapasok dito? Di ka naman empleyado ahh, at sa.itsura mo mukha ka pang katulong , at ano yang dala mo? Pag kain ng kuya mo? Bakit ilang taon na ba kuya mo? Singko ? Sais? Kinder? Elementary? O baka naman espesyal yang kuya mo para hahatidan mo pa ng baon !"

GOT PREGNANT BY THE CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon