MARUNONG DIN MAGMAHAL ANG ISANG PUTA

65 0 0
                                    

Masarap magmahal ang isang PUTA.

Marumi ang tingin sa kanila,
latak ng lipunan ika pa nga ng iba
mga babaeng kani-kanino nagpapakana
O, kaya’y iba-iba na ang nakasama

Naroon sila sa pinakamaliwanag at pinakamadilim
Nakasuot ng pipiranggot na damit, minsa’y wala pa nga
Nakapustura’ t mapang-akit ang mga tingin
Naghihintay ng lalaking darating

Sabi nila ‘y di marunong magmahal ang puta.
Dahil para sa kanila pera ang mahalaga
Gagawin ang lahat kumita lamang ng kuwarta
Kahit pa gamitin ang katawan pang-aliw ng iba

Pero isa lang ang maipagmamamalaki nila,
Hindi basta-basta nagmamahal ang katulad nila
Sa iisang lalaki lang nila binibigay ang tunay na sila
Iisang lalaki lang ang nagmamay-ari ng puso nila

Dahil alam nila kung ang lalaki, gusto lang ay saya
O, kaya’y sila ba talaga ay tunay na may halaga
Batid nila kung ano ang pampalipas oras sa hindi
Ramdam nila kung ang hangad – katawan o sila

Isa lang ang kayang ipagmalaki nila na mayroon sila
Kaya nilang magmahal nang wagas at walang kapalit
Sa taong mahal lang nila inihahalik ang kanilang labi;
ito lang ang makapagsasabi kung sino sila.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 23, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TULANG BUHAYWhere stories live. Discover now