CHAPTER 1
"FIRST DAY"
*8:05am*
"ATEEEEEEEEEE!!" Nahulog ako sa kama ko dahil sa sigaw ng kapatid ko.
"ANO BA?! NATUTULOG AKO EH!" Sigaw ko sa kanya habang patayo at humiga ulit sa kama.
"Oy! First day of School malalate ka? Ayy! Ano nga bang pinagbago dun?!" Pang aasar nya sakin habang kumuha ng unan at pinagpapalo sa binti ko.
Wala parin syang tigil sa pagpalo ng unan sa binti ko kaya napaupo ako at nag bwelo na ihampas sa kanya yung isang unan. Pero hindi sya tinamaan. Nakatakbo sya at biglang tumigil sa pintuan..
"BLEEEEEEEEEEEH! :P" At tumakbo pababa ng hagdan. Bwiset na yun! Pang asar ng umaga -________-"
Bigla ko narinig si Mama na tinatawag nako.
First Day ng School ngayon. Pero bakit ganto yung feeling? Nakakatamad na nakakaexcite na kinakabahan? Ang gulo no? :3 Pero siguro normal lang to. First Day of College eh.
My name is Hillary Mae Howard. Hillary nalang. Ayokong tinatawag na Mae. Ewan ko ba. Haha! 17 yrs old. Fresh Graduate ng High School. Yung kapatid ko naman Aaron Howard. 14 yrs old. 4th year High School Graduating. Yung Papa ko is American. Steve Howard. And my Mama is Filipina. Lorry Bautista.
Lumipat kami dito sa Quezon City. Sa isang Village. Yung Papa ko nasa America. Inaasikaso nya yung Business nila. Pero si Mama andito. Dapat silang dalawa dun sa America pero hindi kase kami sanay na hindi si mama yung nag aasikaso samin kaya nag decide sila na mag stay nalang dito samin. Kaya naman ni papa yun. Pero si papa masyadong bussy sa america. Nauwi sya dito pag Summer Vacation lang at Holidays like Christmass and New Year.
Nagbreakfast na kami at maya-maya nakapag ayos narin ako ng gamit for school. Bumaba nako para magpaalam kay mama.
"Ma! Alis nako." Habang palabas ng pintuan.
"Intayin mo yung kapatid mo. Pababa narin yun." Mahinhin na sabi sakin ni mama?
"Kasabay ko sa Ma?! Mambuburaot lang yun eh -_-" Sabi ko kay mama na narinig ko na pababa narin yung kapatid ko palabas.
"Oo naman nak. Firstday nyo eh. Don't worry next time. Pag natuto na sya mag isa sya nalang. Sorry anak nasa tito nyo yung kotse. Hindi ko kayo mahatid. Aasikasuhin ko na din yung School service. Goodluck sa Firstday ha? Ingatan mo yung kapatid mo. At ikaw Aaron. Wag pasaway okay? Text nyo ako pa andun na kayo ha? Osige ingat!" - Bilin samin ni mama. Ang sweet no? :">
Ng palabas na kami ng Village medyo naninibago pa kami kase bagong lipat lang kami dito. Medyo hindi pako nakikipag usap masyado dito. Pero si Aaron at Mama. Marami na agad kilala dito. Sila na Friendly. -_-" jk.
"Ang bagal mo naman maglakad! Malalate nako eh tsk." - Tingin nya sa sakin habang binibilisan yung lakad nya.
"Naka heels kaya ako! Gusto mo palit tayo?" - Patawa kong sabi sa kanya
Ganto kami palagi. Grabe nag sigawan. Minsan hindi nagkakaintindihan. Pero grabe din yung bonding namin. Resling, Kasama sa kalokohan. Kaya mahal na mahal ko yan kahit ganyan yan haha.
Nang andito na kami sa kanto ng Village. Nag aantay ng Jeep sa waiting shed. Maya-maya may pumara sa harapan naming jeep. Nakita ko ng may sinasabi yung Driver na kasya pa kahit apat daw. Pero nung nakita ko punong puno na. Lumingon ako sa tabi ko para sabihin kay aaron na wag na sumakay dun pero pag lingon ko. Wala na sya sa tabi ko. Pasakay na pala ng jeep. Bwiset talaga to. Ayoko sa lahat yung puno yung jeep. Hays! Ang arte ko. -__-" Haha! No choice. Kase yung bilin ni mama sakin. Saka baka malate pako. Firstday pa naman. Kaya sumakay na ko.
Ng nakaupo nako nakita kong pinipigilan ni aaron yung tawa nya. Alam nya kase na ayaw ko talaga sa masikip. Pang asar talaga to! -____-
Habang nasa byahe kami. Medyo naiirita pako sa Uniform ko. (White Blouse, Gray Vest, Tapos Medyo Dark red na palda na hanggang Tuhod, Heels at Long Black Socks.) Ang init din. Long hair kase ako. Hindi pako ng iipit. Haha!
Unang bababa si Aaron. Iba yung School nya. Sa "St. Seton Academy" isang Private School dito. Ako naman sa "EH University" (East High University) isang sikat na university dito. Yung Course ko pala is "BSBM" Bachelor of Science in Business Management. Gusto ko talaga tong Course na to. Gusto ko gumawa ng Company like my Father.
Nung pumara na si Aaron tumingin lang sya sya sakin at dinilaan ako. Kahit kelan talaga isip bata yun. Excited pumasok kase may mga kaibigan din sya na doon lumipat.
Nung malapit nako. Bumaba ako sa Gate 1. Para don pumasok. May mga nakita akong Student na hindi pa naka Uniform. Pwede naman daw. Pero ako kase bumili na nung kinuha ko yung result ng entrance exam. Pagkapasok ko. Tanaw na tanaw mo yung Field na sobrang malawak at yung Statue ng University.
Kinuha ko yung phone ko ng biglang..
"Hillarrryyyyy!!!!" - Muntik na nahulog yung phone ko sa gulat sa sigaw sa pangalan ko sa likod ko. Nakita ko si Justine patakbo papunta sakin.
"Kahit kelan agaw eksena ka eh no? -_-" Pagtataray ko sa kanya, pero sya pinipigilan lang tumawa.
"Sorry na oh. Excited lang talaga ako eh, Saka nakakamiss ka din palang babaita ka hihi *Smile* *Hug*" - Justin
"Dami mong alam friend! Tara na!" Tapik ko sa balikat nya at nagsimulang lumakad na papunta sa Lobby.
Sya nga pala si Justine Lacsamana, Ka-idaran ko. He's Gay. Sayang nga to eh Gwapo sana kaso Gwapo din ang hanap. Hays.
"Hill, Peram ako Reg. Form mo, Tignan natin kung saan tayong room. tinatamad akong kunin sa bag ko eh."
- Utos na sakin. Bwisit tong justine na to. Inutusan pako -_-" . Binigay ko yung Reg. Form ko at naglakadlakad. Maya-maya.."Room 105 tayo Friend! -sabi nya
"101.. 102.. 103.. 104.. Ayuuuun! Room 105!" - Sabi ko sabay turo ng kamay.
"Oh My Pink Gosh! Thanks lord nakita narin namin. Ang laki naman kase ng campus. Kaloka!!" - Sabay kaming tumawa at pumunta na sa room na nakalagay sa Reg. Form
BINABASA MO ANG
I'm In Love
Teen Fiction"LOVE" What is Love? "Ano yung Love?" "Kinakain ba to?" "Pagkain ba to?" #Bitter101 Haha! :3 Eh ano nga ba yung Love? "Love is Blind.." "Love is in the air.." "Love is Everything.." "Love is Let Go.." "Love is God.." "Love is Forever.." May Forever...