Simbahan

2 0 0
                                    

Simbahan, kung saan pinangako nating dalawa na sa harap ng dyos mag sumpaan. Ako'y tumuntong papasok soot-soot ang bestidang puti kasama ang aking pamilya. Tinanaw kita sa gitnang dulo habang patuloy na lumuluha ang aking mga mata. Hindi ko lubos ma isip na dadating tayo sa puntong ito.

"Sigurado ka na ba, anak?", tanong ng aking ina na nasa tabi ko lang at hawak-hawak ang aking nanginginig na kamay.

"Opo, ma. Kakayanin ko to."

At dahan-dahan na akong nag lakad papalapit sayo. Bawat hakbang ko'y napaka bigat lalo na't ang mga mata ng mga tao sa akin nakalapat. Nababasa ko sa kanilang mga tingin ang pag-aalala at awa habang palapit ng palapit ako sa kinaroroonan mo. Bakit? Dahil ba nag iba ka na, mahal? Dahil ba hindi na ikaw ang dating ikaw?

Habang iniisip ko ang mga ito'y unti-unting nawawalan ng sigla ang paglalakad ko. Hindi ko gustong tumuloy, hindi ko gustong makita ka. Ngunit huli na nung inabot ng iyong ina ang aking mga kamay, hindi ko namalayang dumating na pala ako sa dulo kung saan ka naghihintay. Tiningnan ko ang iyong ina't pilit kong ngumiti para sa kanya. Umiyak sya sa bisig ko at parang mababasag ang puso ko.

Bakit ka ba kasi naging ganyan! Bakit ka nakaratay sa kabaong na yan! Masaya sana ang pagkakataong ito, pero bakit ka sumuko? Bakit mo kami iniwan?

Lakad Sa Simbahan - Isang DagliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon