The story

50 1 0
                                    

Madi's POV

Nandito ako sa park nakaupo sa isang bench. Nagpapahangin ako saka pinasyal ko na din si kitty. Aso ko sha. Nakatawa no? Pang pusa yun pangalan HAHAHA trip ko lang.

Habang nag lilingon lingon ako may nahagip ang mata ko. Tssk. Sha na naman.

Tinutukoy ko siya! Si James. Crush ko siya mula bata di ko nga alam kung crush pa din ba ang tawag hanggang ngayon. Bussiness partner ang parents namin kaya magkakilala na kami mula bata pa lang. One time nun habang nagsusulat ako sa diary ko, nagulat ako nung may biglang humablot. At hindi lang yun, sobrang kinabahan ako kase sa lahat ng humablot, SIYA pa. Eh puro siya lang naman ang laman nung diary ko.

Pinilit kong agawin sa kanya nun pero tumakbo siya at di ko naabutan.

Pag balik niya akala ko pagtatawanan niya ko kase nalaman niyang crush ko siya pero mali ako. Mas nagulat ako nung bigla niya kong tinulak sa kanang balikat ko kaya natumba ako.
" Di ka cute!
Di kita gusto!
Naiinis ako pag nakikita kita sa harapan ko!
Umalis ka jan!
Galit ako sayo!
Magnanakaw ka! Saka hinagis sakin yung diary ko. Yun ang unang beses na broken hearted ako.

Tas nung nagschool kami hanggang ngayong high school binubully niya ko, indi naman totally bully pero sinabi niya kase sa mga kaibigan niya kaya yan tulog inaasar ako pero kahit ganon di ko pa din magawang magalit sa kanaya!

"Hoy! IKAW!" sigaw ni James, di ko alam na nakalapit na pala siya dito.

Tumingin ako sa likuran ko at wala naman akong nakitang tao.

Tinuro ko yung sarili ko "A-ako?" nauutal kong sabi. "Ay hindi! Yung aso mo ang kausap ko!" sa sagot niyang yun alam ko ng ako ang tinatawag niya. Alam kong harsh pero sanay naman na ko. "B-bakit?" tanong ko sa kanya. Nauutal talaga ako pag siya ang kausap ko. "Aish! Ewan ko sayo.adajksbshzjsnsnj" di ko na naintindihan yung huli niyang sinabi. Pumasok ka bukas kundi malalagot ka sakin" >_< absent kasi ako kanina pero ano namang care niya diba? Ah baka wala silang mapagtripan ng barkada niya kaya pinapapasok niya ko. "O-okay" sagot ko tas bigla na siyang umalis. Naupo na lang ulit ako. Pagtingin ko kay kitty nakita ko ung maliit kong note book at nung binuklat ko ito.
Di ka cute!
Di kita gusto!
Naiinis ako pag nakikita kita sa harapan ko!
Umalis ka jan!
Galit ako sayo!
Magnanakaw ka! Yan ! Ganyan na ganyan yung nabasa ko. Eh kasi palagi niyang sinasabi sakin yan kaya halos makabisa ko na at sinulat ko na lang dito. Ewan ko sa kanya. Wala naman akong sinabing cute ako at higit sa lahat wala akong matandaang may ninakaw ako sa kanya! Pssh makauwi na nga.

Kinabukasan~~

On the way na ko sa school as usual nakatulala. Tahimik lang naman kasi akong tao. Si kitty lang naman lagi kong kinakausap. "Miss Madi, nandito na po tayo" sabi ni kuya na driver namin. "Sige salamat po sa paghatid. Ingat". At umalis na siya.

Nag deep breath muna ako bago ako pumasok sa school. Nagtaka ako kase pinagtitinginan ako ng lahat ng students. Pero dire-diretso lang ako. Pag daan ko sa hallway, may nagpatid sakin kaya natumba ako. Si Rey, isa sa mga barkada ni James. Tumayo ako tas nagtawanan lahat ng nakakita sakin. Psh sanay naman na ako.

Pagpasok ko sa room Nagtawanan din sila ulit di ko na kinaya kaya lumabas ako at nakabangga ko si James. Di ko alam pero niyakap ko siya, nagkusa lang gumalaw yung katawan ko pero di ko yun sinadya. Bigla niya kong tinulak. "Ilang beses ko bang sabihin sayo na Di ka cute!
Di kita gusto!
Naiinis ako pag nakikita kita sa harapan ko!
Umalis ka jan!
Galit ako sayo!
Magnanakaw ka!
At di kita type" tas nag walk out. Napapunas na lang ako ng luha ko. Aba nadagdagan ata yung sinabi niya ah? Sabi na nga ba! Pinapasok lang ako nun kase gusto nila ko pagtripan. Nagpunta nalang ako ng toilet at dun umiyak.

his opposite reasons (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon