DMNG-10

805 17 4
                                    

Si Yumi:

Pagkagising ko, nag-unat unat muna ako.

Wala naman kasi akong pasok ngayon.

Bumaba na ako ng kama at inayos yung sheets.

Ayaw ko kasing iniiwan yung bed ko na magulo pa ito.

Naligo at nagbihis muna ako bago lumabas ng kwarto kung saan nadatnan ko si John na kumakain kaya

sinaluhan ko na siya.

“milk please.” Sabi ko dun sa maid na nagseserve sa akin.

“Yumi, pansin ko nagiging close kayo ni Cisco.”

“aaah..magkababata din naman kasi kami.”

Ano naman kayang sagot yun?

“hmm..magkasama nga kayo buong festival. Nakatambay siya lagi sa booth niyo.”

“natutuwa daw kasi siya sa paglagay ng tattoo.”

“hhmm..uulitin ko Yumi. Mahal niya si Eri. Mahirap burahin yun.”

“I know. Magkaibigan kami Joh. Okay?”

“hmmm..okay.”

Wala na ulit nagsalita sa aming dalawa.

Alam ko naman kasi na ang puso ni Cisco ay kay Eri lang.

Kahit sabihin niyang gusto niya akong kasama oh ano pa alam ko naman na substitute niya lang ako

ngayon.

Nung festival kasi, napansin kong dumidikit lalo sa akin si Cisco kapag andyan sila Eri at Uno.

Pakiramdam ko ginagamit niya ako para makalimutan yung sakit na nararamdaman niya.

Tanga ba ako?

Kasi okay lang sa akin.

Para pang gustong gusto ko na ginagamit niya ako.

Ewan ko ba.

“Alis na ako ha.”

“okay. Bye John.”

Haaay..mag-isa nanaman ako sa bahay.

Wala naman kasing pinapagawa si daddy kaya eto boring.

Ano nanaman kaya ang gagawin ko today?

========================

Dating Mr. Nice Guy O____OTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon