SIMULA

68 4 15
                                    

Short warning: This chapter contains mature words. Always be mindful that you MUST read at your own risk.

♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️

Muling umihip ang panghapong hangin. Napangiwi ako ng nakitang unti-unting kumalat ang inipon kong mga tuyong dahon mula sa pagwawalis. Handa na sana itong dakutin kung hindi lang muling kumalat. Kung sa ibang oras ito ay matutuwa pa ako, pero dahil nagwawalis ako ay naagrabyado nito ang aking trabaho.

"Napaka-epal naman talaga ng hangin na to, aa." pa reklamo kong bulong na parang may kinakausap sa ere.

Binitiwan ko muna ang dustpan at ang walis ay nilagay sa pagitan ng aking hita.
Sinikop ko ang aking buhok at pinuyod ng maayos habang nakayuko, hinahayaan na ang bawat hibla ay lumaylay sa harapan. Humahaba na ang itim kong buhok at kahit katamtaman lamang ang dami nito ay bahagya pa rin akong nabibigatan. Sa tingin ko, kailangan ko na uli magpagupit.

Bakasyon ngayon at gaya ng mga nakaraang taon ay buong araw akong nandito lamang sa aking amo. Paminsan-minsan ay nauwi ako samin kapag kinakailangan ko nang labhan ang iilan kong mga damit. Bagaman meron akong damit dito ay minabuti kong doon na lamang sa amin ang iba para na rin may pagkakataon akong makabisita sa aking pamilya.

Kapag naman may pasok, sa hapon ay dito ako dumidiresto matapos magbihis sa aming bahay at bitbit ko na ang aking ipaplantsang uniporme at iilang gamit para sa aking pag-aaral. Sa umaga naman ay uuwi ako sa amin upang doon magmula bago pumasok sa eskwelahan. Medyo kumplikado pero nalilibang naman ako sa paglalakad dahil sa tahimik ng kapaligiran sa umaga at kapag hapon ay ganoon din.

Dinakot ko ang winalis kong mga tuyong dahon ng chico at ang iba pa nga ay bunga nito. Nilagay ko ito sa planggana para isang lakaran ko na papunta sa mismong tapunan sa aming harapan.

Patakbo ang aking ginawa dahil sa kabigatan ng aking dala-dala. Tinapon ko ito sa lugar na medyo mababa para pumantay naman sa ibang mga tuyong dahon na nawalis ko noong nakaraang mga araw.

I was just about to put the basin back on its place when I heard a shrieked from the gate of this house.

"Hoy, ati!" paimpit na sigaw ng isang tao mula sa gate kaya naman napalingon ako. It was my best buddy.

Binubuksan ang gate ay napansin ko ang pagbabago sa expanse ng kanyang katawan. Kailan pa lumaki ang katawan ng kaibigan kong ito? He smirked and it showed his two defined dimples rested on both side of his cheeks. The softness and the genuine smile on his face already declared how amiable he is. Sa huli naming pagkikita ay medyo kapantay ko pa sya. But now, I noticed that he became taller.

Bago pa sya makalapit ay inambahan ko sya ng suntok.

"Ati naman, sudems ka pa rin nagbabago ang chaka mo pa rin... este... ang harsh mo pa rin. Come on, why don't you give me a welcome hug?"

I laughed at him "Where's your pasalubong for me?" pabiro kong tanong.

"Sarili ko, pwede na?" pagbibiro nya

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Hoy, charot kemerut lang... echosera ka ati wit tayelz talo, mas gusto ko mga chopopo at saka ano ipapasalubong ko sayo? usok at condom?" sambit nya at pinagkrus pa ang kanyang kamay sa dibdib.

Tinawanan ko sya at hinampas ng dala kong planggana. Nagkatinginan kami at niyakap ang isa't isa.

"Miss Universe ati." he said.

"Bro, namiss kita." sabay ko ring sabi sa kanya.

Bumitaw na ako sa yakap kaya napansin ko ang kanyang ekspresyon. Now, I can see that he's not really pleased with the way I called him. Nagpeace sign ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 16, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ONCE A VILLAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon