Chapter 2
"Daddy"
***
Nandito kami ni Celestine sa ilog malapit sa kanila, I wish katulad na lang ako ng mga isda. Palangoy-langoy lang while enjoying the river or sea tapos maghahanap ng pagkain, Tapos iyon na 'yong daily routine nila. Not like my life as a human, Araw-araw gigising, kakain, papasok sa school, uuwi, kakain, matutulog and repeat. They said that's what life is kaya all we have to do is understand.
"So, ano nga ba kasing ginagawa natin dito?" biglang nagsalita si Celestine, my gosh ha? iniistorbo ang paglanghap ko sa fresh air dahil lang sa walang kwenta niyang tanong. Nanatili akong nakatingin sa magandang tanawin, "Maghihintay na naman," wala sa sariling sagot ko at tumulo na nga ang luhang kanina pa gustong tumulo. Mas lumapit sa tabi ko si Celestine, pinunasan niya ang mga luha ko. "Hindi ka pa ba nagsasawa? Eh, matagal na nating ginagawa 'to, Dana. Hindi pa rin naman natin nakikita ang hinahanap mo," nagsalita siya habang walang pagasa ang tinig,
Ngumiti ako ng mapakla, dapat siguro hindi na nga ako maghintay, dapat hindi na ako umasa na dadating siyang muli. "Sige na, kung gusto mo naman umuwi, okay lang. Saka diyan lang naman bahay mo eh." wika ko. Ngunit nanatili siya sa pwesto niya at tila ba hindi pinakinggan ang winika ko. She's always at my side, through hopeless and tired me. Hindi niya ako iniiwan lalo na kapag alam niyang mabigat ang pakiramdam ko. I call her my best friend, my real best friend.
"Hindi naman kita p'wedeng iwan dito, Ako pa ang masisisi ng mama mo kapag may nangyaring masama sa'yo." maya-maya'y sambit niya at umakbay sa akin, kita niyo na? hindi niya ako iiwan, kaya sobrang love ko si Celestine, hindi siya nawawalan ng oras sa akin. I just nodded dahil sobrang bigat na ng nararamdam ko at anytime p'wede nang magragasa ang mga luha ko.
Curious na ba kayo? Let me tell you.
Julius Miguel Hancher, my dad. He left us 3 years ago, and before leaving, He promised me here beside the river that he'll come back and all I have to do is to wait him here. I thought after that time, I could see him immediately. But no, It's been 3 years since he left. He didn't come back, and never did his promise. Siguro nga kailangan ko nang tigilan ang bagay na 'to, kasi alam ko naman na hindi na siya babalik pa. Masaya na siya sa kung ano mang buhay ang meron siya."Celestine, gusto mo pa ba akong ihatid?" tanong ko kay Celestine na nakabasag sa pagkatahimik ng lugar. Nilingon niya ako at saka tumango, "Gusto mo bang kumain muna tayo ng kwek-kwek?" nang itanong niya iyon ay saka sumagi ang isang flashback sa aking utak.
//flashback//
"nak, gusto mo bang lumabas?" biglang tanong ni papa habang naglalaro ako ng isang mobile game, Umiling ako bilang tugon. Ngunit nagulat ako nang bigla akong hatakin ni papa palabas ng bahay, "Pa! ayaw ko pong lumabas, dito na lang ako sa bahay kasama ni ate Rochelle." reklamo ko naman pero hindi niya ako pinakinggan isinara niya ang pinto at ngayo'y nasa labas na kami ni papa. Kahit na ama ko siya ay nagawa ko pa rin siyang samaan ng tingin, "Pa naman eh, ang kulit mo po. Bakit hindi na lang si mama ang inaya mo?" inis na tanong ko habang kinakamot ang ulo.
Tumawa si papa, "Hildana! 14 years old ka na pero kahit kailan hindi mo pa naranasang lumabas ng bahay at magikot-ikot. Gusto mo bang magkasakit dahil panay cellphone na lang ang inaatupag mo? Nako, matutuwa ka sa mga gagawin natin." nakangiting sambit ni papa. Wala na akong nagawa kung hindi ang tumango dahil baka mabugbog niya pa ako kung hindi pa ako papayag sa gusto niya.
Tumungo kami sa isang stall, mayroon akong nakikitang bilog na kulay puting pagkain saka medyo mahabang kulay brown na pagkain, sabi ni papa, fishball daw at kikiam. Pinatikim niya sa akin, like omg! ang sarap pala nito! ngayon ko lang kasi 'to nalasahan eh. May binigay rin siya sa akin na bilog rin pero may nakabalot na lutong harina, mukhang itlog 'yong nasa loob. Kwek-kwek raw ang tawag ro'n sabi ni papa. Ang dami ko pa lang hindi nalalaman dito sa labas, masarap pala ang mga pagkain rito.
Sa pagnguya ko ng kwek-kwek ay biglang dumating si mama na nakapameywang, "Julius! bakit mo naman pinapakain si Dana ng ganiyan?! Ilang beses ko bang sinabi sa 'yo na sensitibo ang tiyan niya at hindi p'wedeng kumain ng kung ano-ano?" bungad ni mama kaya lumingon ako kay papa upang malaman ang kaniyang reaksyon. Walang reaksyon sa mukha ni papa, "Jusko naman, pati ba naman ito ipagbabawal mo pa? Iyang si Dana, 14 years old na pero ngayon lang nakaranas ng ganitong pagkain! Ni hindi nga makalabas, Oh sige! Ano bang gusto mong patunayan rito, Nania?!" nagsisigawan sila dito habang parami na ng parami ang mga taong nanonood. Tumulo ang luha ko dahil pati ba naman sa labas ay nagaaway pa sila. Hindi na nila inilugar ang pagaaway!
inawat ko sila, "Ma! Pa! Ano ba?! hindi ba kayo nahihiya? maraming nakakakita sa inyo ngayon! Umuwi na po tayo," hinila ko ang dalawa pero hindi sila nakinig sa akin, Naging intense ang sagutan nila hanggang sa hindi ko nakayanan, "SIGE! MAG-AWAY KAYO! diyan naman kayong dalawa magaling 'di ba?! Hindi man lang kayo nahiya, kahit para sa akin na lang!" tumakbo ako palayo sa kanila at hindi ko alam kung saan tutungo,
Iyon ang unang beses na lumayas ako at kinabukasan na bumalik, doon ko rin nakilala si Celestine, pinatulog niya ako sa bahay nila at tinaggap naman ako ng parents niya.
//
Umiling ako kay Celestine, "Ayaw ko munang kumain ng kwek-kwek ngayon, nawalan kasi ako ng gana." sambit ko at lumakad na kami papunta sa bahay,
pagkarating ro'n ay pinasok ko na ang bahay at nagpaalam na kay Celestine, Pagpasok ko ay may masamang awra na naman ang nakapasok sa bahay namin. Sigurado akong naguusok na naman sa galit si mama dahil sa bunso kong kapatid na si Rosette, habang si ate Rochelle naman ay nasa couch lang at nagdudutdut sa cellphone niya.
Sanay na ako rito..
++
《@sexecara》
errors ahead!!
BINABASA MO ANG
NBSB: No Boyfie Since Birth
Jugendliteratur@sexecara Wala siyang jowa, pero madami siyang kaibigan. Oras na ba para sumuko siya? Oras na ba para tigilan niya na ang paghihintay sa soulmate niya? Forever na ba siyang walang boyfriend? or makahanap naman kaya siya ng taong magmamahal sa kaniy...