" anong tinutunganga mo ah! " malakas at mabigat na pwersa ng hampas ang lumapat saking pisngi na kinapaling ko ng muka ko patagilid pero kahit namamanhid ang kanan kong pisngi ay wala akong reklamong binalik ang tingin diretso sa harapan ko
" bumalik kana sa ground Luna " dinig kong utos ni commander Gino na mabilis ko namang inaksyunan
siya rin ang sundalong nagpakilala sakin ng karahasam ng una akong makapasok sa dungeon kung saan pinaparusahan ang mga nagkasala at lumabag sa batas ng hari
Ilang linggo na nga ba akong nandito sa masukal na camp na ito?
lihim akong natawa dahil sa naisip, mag iisang taon na nga pala ang nakalipas dahil parating na anh kaarawan ni Inay sa susunod sa buwan, nawala ang ngiti sa labi sa di ganung kagandang alaala, kung dati ay masaya ang bawat kaarawang dumarating pero ngayon, halos wala na itong pinagkaiba sa iba pang simpleng bagay
' Sol, wag mo ng itong ituloy, walang magandang naidudulot anh paghihiganti ' napahinto ako at napatingala sa maliwanag at asul n kalangitan dahil sa mga naalalang salitang binitawan ni Luis para pigilan ako
paghihiganti?
hindi lang ito paghihiganti kung hindi ang paggawa ng tamang bagay, dahil hindi ko na hahayaan pang may makaranas pa ng naranasan ko, ang mawalan ng pamilya
ang hindi lang malinaw sakin ay bakit ang bahay namin ang isa sa mga tinarget nila
" Luna " hindi ako agad lumingon sa tumawag sakin dahil sa agad naman siyang pumunta sa harap ko
hindi kami gumagamit ng totoo naming pangalan sa camp, dahil ang mismong napili naming code name ang nagsisilbi naming pagkakakilanlan at ang mga code name ay mismong pinili ng heneral at ang mga code name ng mga namamatay ay binibigay sa mga bagong sundalo gaya ko
nung pangatlong araw ko sa kampo nila binigay sakin ang code name ko at sabi nila nagmula ito sa isang sundalong manggagamot na namatay sa ginawang ambush ng ilang rebelde sa timog kung saan pinaghihinalaang isang kampo ng mga rebelde, sa parteng gubat ng lobo, hindi iyun sakop ng hari dahil ang border na yun ng napagkasunduang hati at pribadong pagmamay ari ng ilang Royal pack ng mga lobo
hindi tulad ng ibang pack mas gusto ng ilang kinikilalang mga matagal at maharlikang lobo ang manirahan sa mga liblib na lugar at ang tanging pamilya lamang ni Rion ang nag iisang pamilya na nagmula sa mga dugong maharlika ang nagdesisyong tumira kasama ng ilan pang lobo sa lugar na sakop ng hari
" nabalitaan ko ang tagumpay na pagsalakay niyo sa ilang grupo ng mga rebelde sa silangan ah " maangas itong ngumisi at saka tinapik ang balikat ko na sinundan ko lang ng tingin
" salamat po " sagot ko at akma na kong aalis nang maramdaman ko ang pagsunod nito na naging dahilan para umattake kaagad ng pagkairita ko ulit dito
siya ang pinaka bunso sa magkakapatid, ang tatlong anak ng heneral na sumunod sa yapak ng ama at kinikilala sila ng lahat maging ng hari dahil sa ilang kabayanihang mga nagawa nila para sa bayan
si Sir Glider at Sir Gino ang ilan sa mga heneral na hinangaan ko, kahit pa ang bunso nilang kapatid na medyo kakaiba dahil sa madalas nitong pag asal bata, si Gun
" Sir, pasensya na pero mauuna na po a--- " ni hindi ko na namalayang nakaakbay na ito sakin
" Bakit ba madalas ang pag iwas mo sakin ah, tatlong beses naman akong naliligo sa isang araw, tsaka hindi mo ba gusto madinig ang tsismis na nadinig ko kaninang umaga galing sa kampo kung nasan ang mismong hari natin ngayon? " malawak ang ngiti nito na normal namang tanawin sakin, nakalabas ang dalawang biloy nito sa pisngi na madalas gustong gustong makita ng mga kababaihan at kahit pa ang ilan kong kasamahan na sundalong babae
BINABASA MO ANG
The Beast and His Crown ( COMPLETED )
Fanfictionmula mamulat ay pinilit ni Sol na maging normal, tulad ng mga gaya niyang nilalang na kung ituring ay mga mahihina at walang labang mga mortal habang tumatagal lalong nagiging komplikado at kalbaryo ang buhay na kanyang nakasanayan, sunod sunod na t...