Piece No. 1

4 0 0
                                    

"Sir, alam niyo po bang shini-ship namin kayo ni Ma'am?"

"Ha? Bakit naman?"

"Kasi ang perfect niyo po for each other. Kayo 'yung kapag nakita namin na magkasama magiging masaya din kami. Kahit wala kayong ginagawa basta magkasama kayo, mapapangiti lang kami. Gan'on po ang epekto sa'min ng chemistry niyo ni Ma'am."

"Tapos alam niyo ba Sir, napanaginipan ko kayong dalawa ni Ma'am. Na mag-jowa daw kayo. Tas everytime daw na makikita namin kayo kilig na kilig kami at very inspired sa relasyon niyo."

"Grabe ha, pati sa panaginip. Gan'on niyo ba kagustong maging kami ni Ma'am?"

"Opo Sir, sobrang gusto."

"Bakit 'di niyo po ligawan si Ma'am?"

"Bakit ko liligawan ang isang tao kung hindi ko naman siya gusto? Baka maging dahilan lang ako ng pagkasira niya. Guguluhin ko siya sa pananahimik niya tapos hindi naman pala ako handang panagutan ito. Mali iyon."

"Pero Sir, malay mo po, kapag niligawan mo na siya biglang ma-realize mo na may feelings ka pala."

"Nak, para sa'kin kasi hindi mo dapat sa panliligaw mare-realize na gusto mo ang isang tao. Dapat bago ka manligaw, sigurado ka. Sure ka na gusto mo siya, hindi iyong niligawan mo lang kasi tinutulak ka ng mga nasa paligid mo o pressured ka kasi napag-iiwanan ka na. Dapat sa panliligaw, doon mo mas pinapalalim 'yung nararamdaman mo sa kanya.
At dapat handa ka sa magiging resulta. Hindi 'yung dahil sa gusto mo siya at nililigawan mo siya ay dapat nang gustuhin ka rin niya at sagutin ka niya. Dapat handa ka sa kahihinatnan, sagutin ka man niya o hindi. Ang mahalaga doon naiparamdam mo sa kanya iyong nararamdaman mo. Kung hindi siya nag-oo siguro hindi sapat, siguro hindi ka talaga gusto, o siguro ayaw niya lang talaga. Kapag naman sinagot ka, siguro sobra siyang na-impress sa mga ginawa mo to the point na 'yung feelings towards you na dating wala ay nagkaroon na. Kung magkaganon man, edi parehas kayong masaya."

"Sirrrr! Bakit po kayo ganyan!?? Mas gusto po tuloy namin na maging kayo na talaga ni Ma'am dahil sa sinabi niyong yan."

"Kung hindi kayo mapapasa'min, ipipilit namin kayong i-ship ni Ma'am. Hahahahaha. Biro lang Sir yung mapasaamin kayo, pero 'yung pagshiship namin sa inyo ni Ma'am hindi biro. Tuloy-tuloy 'yon hanggat hindi pa married ang status niyo."

"Alam niyo mga anak, kung gusto ko 'yong tao gagawa ako ng move. Hindi ko kailangan na pilitin ako kasi alam ko na totoo 'yung nararamdaman ko. Hindi ko kailangang ipagtulakan ako kasi ako ang tatakbo papalapit sa kanya. Maghihintay ako na suklian niya 'yung atensyon na ibibigay ko.
Kaya huwag kayong mag-alala, kapag nakita ko na 'yung rason kung bakit gusto niyo siya para sa'kin, at kapag ang rason na iyon ay naging dahilan para makita ko siya bilang babaeng gusto ko, tatawirin ko 'yong linya na nasa pagitan naming dalawa para maiparamdam na gusto ko siya.
Hindi niyo ako kailangang pilitin, kapag gusto ko siya ipaparamdam ko ito sa paraang kaya ko."

"Siiiiirrr! Sana makita niyo na si Ma'am bilang babae. Sana malapit na. Sobrang excited na kami."

"Relax lang kayo. Pero maghanda. Kasi baka kapag nakita ko na siya bilang babae, hindi niyo kayanin ang kilig. Hahaha. Kayo din, baka di niyo ma-enjoy pagiging spectator sa'ming dalawa. Hahaha."

"SIIIIIR! Bakit parang may something na?"

"Imagination lang 'yan."

---

· HPM

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 24, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PIECESWhere stories live. Discover now