Kasalukuyan..
Gener's POV
Tahimik akong naglalakad palabas ng building namin ng mapansin kong bihira na lamang ang mga estudyanteng nakakasalubong ko. Tumingin ako sa labas at nakitang hindi pa naman madilim ang paligid. Napatingin ako sa wrist watch ko.
'Alas-singko pa lang naman pala.'
Kakatapos lang ng last subject ko ngayong araw. At balak kong umuwi na kaagad dahil trip kong mag-soundtrip mamaya at uminom ng kape habang nakatambay sa bubong ng bahay namin.
'sana lang huwag umulan mamaya.'
Sa kalagitnaan ng paglalakad, nakaramdam ako ng pananakit ng ulo at batok kaya naman saglit akong huminto para ipahinga saglit ang katawan ko.
At nang medyo maayos na ang pakiramdam ko ay nagpatuloy na ako sa paglalakad.
Ilang hakbang pa lang nagagawa ko ng biglang may kung sinong tumawag sa pangalan ko.
"General! Saglit!"
Napatigil ako at napalingon sa likuran ko.
At nakita kong tumatakbo palapit sa akin ang isa sa mga kaklase ko sa Philosopy class.
Mukhang siya ang tumawag sa pangalan ko.
'hmm'
Mayamaya pa ay nasa harapan ko na siya.
Humihingal siyang tumingin sa akin atsaka nag 'teka-lang-sign'
{--.--}
Nang okay na siya ay ngumiti siya sa akin at pagkatapos ay iniabot sa'kin ang isang libro. Agad ko ding kinuha ko iyon ng mapansin ko na pagmamay-ari ko ang aklat.
'Naiwan ko siguro 'to sa room kanina.'
"Sabi ni Ms. Burgos, sa'yo raw yan. Naiwan mo sa room kanina." medyo humahangos pang sabi niya.
'tama, naiwan ko nga. Imposible naman kasing ipinahiram ko ito sa iba. {-.-}'
"Salamat." payak na sagot ko. Inilagay ko ang aklat sa bag ko atsaka tumalikod na sa kaniya para umalis.
"A-ah..G- General!"
Biglang tawag niya ulit sa akin. Nilingon ko siya. Medyo malayo na siya sa'kin di gaya kanina na halos isang dipa lang ang distansiya namin sa isa't-isa.
"Pauwi kana ba?" tanong niya habang nakatayo pa din sa pwesto niya simula pa kanina.
Imbes na magsalita ay tumango na lamang ako.
"A-ah..sige. I-ingat!" bigla ay nauutal na saad niya. Napakamot pa siya sa ulo habang mabilis na kumaway bago naunang umalis sa akin. Magkaiba kami ng direksyon na pupuntahan kaya naman nagtaka ako ng dumaan pa siya sa harap ko.
{-.-}
Hindi ko na lang pinansin 'yon sa halip ay mabilis ko na lang na tinahak ang gate palabas ng University.
Ilang saglit pa ay nasa labas na ako. Nag-abang ako ng masasakyan pauwi.
Habang naghihintay ay biglang sumagi sa isip ko ang tungkol sa libro. Kinuha ko ito sa bag ko atsaka tiningnan ang kabuuan ng aklat.
Binuklat ko ito at chineck kung kumpleto ba ang lahat ng pahina nito.
'baka kasi may natanggal na isang page.'
'tsaka pamlipas oras na din habang naghihintay ako.'
"Gener!"
Isang pamilyar na boses ang nakapagpainit ng ulo ko sa isang iglap. Hindi ko na lamang pinansin ang narinig ko. Nagpatuloy lang ako sa pagbuklat ng libro.
BINABASA MO ANG
The Heartless Mission
General Fiction"Tigilan niyo na 'to. Walang magbabago kahit anong pilit pang gawin ninyo, dahil matagal nang nagbago ang lahat. At ito na ako ngayon. This is me. This is who I really am. Heartless as ever, heartless as always." ...