Unang Kabanata

11 1 1
                                    


Panibagong araw na naman ng paglaban. Sa kaaway na hindi nakikita.

Isinuot ko na ang PPE ko, mask, gloves at goggles para masimulan na ang pag-rounds sa covid ward.

Marami talagang twist ang buhay.

'Yan ang nakatatak sa isip ko pagpasok ko pa lang sa college.

Hindi naman talaga ako pumasa sa entrance exam sa BSU. Hindi raw ako umabot sa cut off, hindi kinaya ng score ko.

So tinanggap ko na lang na baka nga gamunggo lang ang utak ko, bulok pa kalahati. Kaso may twist, nag-open ng isa pang section, napasok ang ate niyo.

Heto ako ngayon, isa ng ganap na nurse. Hindi sa pagmamayabang ha, isang take lang ako sa boards, pasado agad.

"Nurse Calli"

"Yes po doc?"

"Ito 'yong chart ng patients sa lane C. Take care of it. Ikaw naman Rosey sa Lane B. Ako sa A dahil 'yon yung mga immediate care ang kailangan. Let's go girls! Fighting!"

Nakakagana talagang kasama si doktora G sa duty ang lakas maka-motivate at hindi ka niya ipe-pressure.

Smooth naman ang checking ko. May mga nag-improve ang kalagayan, meron ding walang nagbago.

Okay na sana kung hindi lang dahil dito sa isang 'to na bagong dating dito sa ward. Kahapon dumating ang result ng test niya ayon dito sa chart. Mayroon siyang mataas na lagnat, soar throat, sipon at sobrang sakit daw ng katawan.

E baka naman kasi nakipagbubugan? Charot! Wala naman sa itsura niya 'yong ganoon. Infairness pogi si koya!

"Sir wag po kayong masyadong malikot. Salamat po."

Kilos kasi nang kilos baka mamaya magkamali pa ako ng tusok.

Minsan pag may pasaway na pasyente naiirita na rin ako. Alam mo 'yon? Ang init na ng suot ko na PPE tapos gutom ka pa. Hays tao lang din naman kami napapagod.

Ay waw ngaleng, hugot yan? May jowa? Awww wala

"A-anong date ngayon? Anong taon?"

Napatingin ako dito kay sir, ano nga ulit name nito? Bakit nakalimot na siya sa date at year. Side effect kaya ng mga test?

"March 23, 2020 po sir. Kailangan niyo na pong magpahinga dahil isa po kayo sa nag-test na positive."

"Positive?" kumunot ang noo niya. Ay ang galing nalimutan atang may nakasalamuha siyang nagpositive. Naku malilintikan na ko  kay doktora pag hindi ako umalis agad.

"Positive po kayo sa pandemyang lumalaganap ngayon, pero huwag ho kayong panghihinaan ng loob. Tutulungan po namin kayo."

Nakakunot pa rin ang noo niya at para gusto na niyang dukutin ang utak ko para maunawaan ang sinasabi ko. Shet. Naawa ako sa utak kong gamunggo.

"Hindi miss, hindi dapat ako nandito ililigtas ko ang mga kasama kong manunulat. Tinotorture sila ngayon. Kailangan ko silang puntahan. Nasa ilalim tayo ng batas militar."

Luh? Bakit? Anong ginawa kong masama para magkaganyan ka koya!

Kinuha ko ang thermo scanner at tinutok sa noo niya. Nanlaki ang mata ko ng itaas niya ang dalawa niyang kamay na para bang tinutukan ko siya ng baril.

Kinagat ko ang lower lip ko lara pigilan ang tawa. Marami ring napatingin sa banda namin dahil sa inasta niya.

Tumunog ang thermo scanner at kasabay no'n ang pagtakip niya sa kaniyang tenga sabay sabi sakin ng "Hindi ako lalaban miss."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 25, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ora De Peligro: Pray For DangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon