KABANATA IV: Di ko kaya!

15 4 0
                                    

Third person's POV

~flashback~

"Huy, baka malate tayo ha?" Sabi ni mika kay nathan habang nakangiti parin

(a/n: grabe dzaii yung ngiti abot langit)

"Hindi yan, di pa nga nagri-ring ang bell." Sabi naman ni nathan kay mika habang tintutusok niya ang tinidor sa manok. "Sure ka?" Sabi ni mika.

*ring*
*ring*
*ring*
*ring*

"Ayan na, nag-ring na ang bell. nasaan na kaya si sam?" Sabi ni mika kay nathan, "huy, teka lang. di pa ako tapos kumain" sabi naman ni nathan habang nagmamadaling kainin yung pagkain niya, "ahh..ehh, sige hihintayin nalang kita" sabi ni mika

Umupo ulit si mika sa upuan at hinintay si nathan tapusin yung kinakain niya

Sam's POV

~present~

Biglang bumukas ang pinto ng biglang pumasok sila mika at nathan ng sabay. Magkasama ba sila? Bakit hindi man lang sinabi saakin ni mika

Nakita kong papalapit na si mika sa upuan niya, bakit kaya magkasama sila mika at nathan?

Baka naman nilalandi niya crush ko, "mr. Ledesma and ms. Andrada, saan kayo galing?! See me after class" sigaw ni sir paul sakanila.

(A/n: kawawa naman si nathan bagong transfer tapos papagalitan agad huhu)

~time skip~

Sam's POV

Asan na ba si kuya driver mag sisix na, baka natraffic lang. bahala na maghihintay nalang ako, sanay na naman akong maghintay

*beep*
*beep*

Sino yun? Feel ko tinatawag ako, teka parang kotse to ni kuya rhett ah. Nilapitan ko ito at binaba ng driver yung window, si kuya nga.

"Kuya anong ginagawa mo dito? May trabaho ka pa ah." Sabi ko kay kuya, "nagbreak muna ako, nakakapagod na mag-trabaho, kaya naisipan ko na ako nalang ang magsusundo sayo.

Sinabihan ko na din yung driver mo" sinabi naman ni kuya saakin, "ahh, ganun po ba kuya." Sabi ko kay kuya at binuksan ang pintuan ng kotse

"Kuya, kamusta ka po, tagal mo din po kasing hindi umuuwi sa bahay" sabi ko habang nagsecellphone.

(A/n: May apartment yung kuya ni sam kaya hindi siya nakakauwi sa bahay)

"Ok lang naman, si dad and mom kamusta?" Sabi ni kuyasaakin habang nakatingin parin sa kalsada, "ok lang po sila, ako po di mo po ba ako kakamustahin?" Sabi ko at tumingin kay kuya.

"mukang ok ka naman kaya wag na, hahaha" sabi ni kuya saakin habang tumatawa. "Kuya naman!" Sabi ko naman habang nagcrocross-arms, "bahala ka nga diyan" dagdag ko naman

~house~

"Ma, Pa, andito na po ako. Kasma ko po si kuya!" Sigaw ko, parang walang nagparamdam "ate, si mama at papa?" Tanong ko sa isa naming kasambahay, "ay ma'am sam, umalis po sila. Kanina pa"

ay nakalimutan ko na wedding anniversary pala nila mama at papa, sayang naman hindi nila nakita si kuya.

"Kuya, mukhang wala pa sila mama at papa." Sabi ko kay kuya rhett, "may next time pa naman.

Sige na pupunta na ako. See you next time riane" sabi ni kuya saakin, at mukhang may gana pang mangasar "kuya naman diba ayaw kong tinatawag ako sa second name ko." Sabi ko kay kuya, "hahaha!"

"Tawang tawa ka na niya" bulong ko naman, "ano yun?" Tanong ni kuya saakin. "Kuya diba malelate ka na?" Sabi ko kay kuya,

"Ay oo nga, sige next time nalang" sabi ni kuya saakin habang niyakapan niya ako.

At pumasok na sa kotse niya, nagbabye ako sa papalayong kotse ni kuya. Pumasok ako sa loob ng bahay at umakyat sa kwarto ko, "hayyy, magisa nanaman ako" sabi ko sa sarili ko,

"maligo nlang kaya muna ako? Then manonood ako ng movie or baka mag scroll sa news feed ko? Bahala na" Tanong ko sa sarili ko.

~time skip~

Natapos na ako maligo, inopen ko yung laptop ko and naglogin sa facebook account ko. At puro memes ang bumungad sa akin "hindi ba sila nagsasawa mag share ng memes?!" Nainis ako kaya naglogout ako at sinarado ang laptop ko,

"wala na ba talaga akong magagawa?" Aniya, "magbasa nalang kaya ako ng libro" kinuha ko yung favorite kong libro na hindi ko matapos tapos dahil marami kaming ginagawa sa school, last year ko pa to binili tapos chapter 24 palang ako, hayy bahala na.

Nagsimula na akong magbasa, "hinila ni zack sa vanessa, papuntang ka- ahhh! Kilig ako ehhh. Bakit to?! Daiiiii wag ako ha!" Sabi ko from mahina to malakas na malakas,

"nilapit nila ang kanilang mukha sa isa't isa at- Teka lang di ko na kaya!" Sigaw ko kaya clinose ko na yung libro at ibinalik sa shelf, "matulog nalang kaya ako?" Sabi ko sa sarili ko at biglang nagclose yung mga mata ko.

~~~
Sana nagustuhan niyo yung chapter 4 ng pinagtagpo pero di tinadhana, ayun nga po nalate ako hahhaah, pero ayun i will try my best magupdate bukas kung wala ako masyadong ginagawa also sana magvote kayo:)
VOTE GOAL: 10

Pinagtagpo pero di tinadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon