Chapter 1

5 0 0
                                    

"Wooooohhh! Ang galing mo talaga Maxwell! Go USTe! Go USTe! Go USTe! Go! Go! Go! Go!" Chant ng pinsan kong si Talliah.

Andito kami ngayon sa MOA Arena at kasalukuyang nanonood ng UAAP Men's Basketball, UST vs La Salle. Obviously taga UST sya. Nabibingi na nga ako sa kanya at medyo nabobored narin. Ako? Hindi ako taga UST. Sa Arellano University ako nagcollege. Grumaduate ako 2 years ago sa kursong Information Technology. Niyaya lang ako netong pinsan ko dahil wala daw siyang kasama. Ayaw magmukhang loner.

"Ate, naiihi ako, CR langs." paalam nya.

"Sige. Dalian mo ah?" tumango sya sabay lagpas saken palabas kung saan man naroon ang CR. 13 - 11 ang score in favor of UST. Malalakas pareho ang mga players pero wala parin ako sa hulog manood.

Nilabas ko nalang ang camera ko at nagsimulang magfilm. "So, Hi guyyssss! Nandito kami ngayon ng pinsan ko sa Moa Arena ayan nood nood lang ng UAAP. Si Lee nag CR lang sandale". Hinarap ko ang cam sa court. "Go Maxwell number 3! Ang galing mooo! Ayan guys, UST tayo ah?" Hinarap ko na ulit saken. "Bale update ko nalang kayo guys mamaya kung saan ba kame after neto. See you later!" Sabay off ng camera.

Alam ko na iniisip nyo. At YES! Vlogger ako! Meron na akong 976K subscribers. Pero di pa rin naman ako sikat talaga. Sakto lang ang bilang ng views. Pero nagtyatyaga talaga ako kasi gusto ko tong ginagawa ko may bonus pang kitá.

"Uhh.. excuse me, is this seat taken?" Napalingon ako sa kanan ko. May isang bakanteng upuan dun, yung huling upuan katabi ng hagdan or daanan. Sa pangalawa kasi ako nakaupo at sa kaliwa ko naman ay si Talliah nasa last row kami. Tinignan ko yung nagtatanong at OMG! Kilala ko to! Ito yung sikat na basketball player from UP! Aaarrggghhhh!

"Nope." Pa-cool kong sagot. Gwapo. Amoy mabango. Malakas ang dating. Magaling magdala ng damit. Yun lang ang masasabi ko. Hindi ko alam pero parang kinilig ako ng very very light lang naman pero chill parin ako.

"Uhm.. okay lang ba if I sit here?"

"Sure." sabi ko at inaalis agad ang tingin ko sa kanya. Tama nga. Ang bango nya bes! Amoy Lacoste White. Hahaha! Kinuha ko yung cellphone ko para ilipat yung kantang tumutugtog sa airpods ko. Hinanap ko yung Pink Skies by LANY. Medyo LSS kasi ako dito ngayon. Asan na ba yung pinsan ko?

"🎵You are my favorite everything.. Been telling girls that since I was 16.. Shut up I love you.. You're my bestfirend.. 🎵" napasabay ako sa kanta. Ang ganda kasi talaga. Akala ko mahina lang pagkakakanta ko...

"Galing" rinig kong sabi ng katabi ko kaya liningon ko sya. Si taga UP. Mukha pa kong tangang itinuturo yung sarili ko. Ang assuming ko kaines. Haha!

Tumango sya. Inalis ko yung airpods ko sa kanan. "Ay. Haha. Napalakas pala Sir. Sorry baka naingayan ka."

"No. It's okay. Ganda nga ng boses mo e." Tapos nagsmile sya ng medyo tipid. " Anong sinusupport mong school?" tanong nya.

Napatingin naman ako sa suot ko. Nakayellow akong hoodie, black ripped jeans at air force 1 NBA Amarillo Gold White Black. "Uhh.. UST?" sagot ko at binigyan ko sya ng 'hindi ba obvious? look'

Napatawa naman sya. Cute huhuhu! Bakit ang kissable ng lips neto? At bakit nakatingin ako sa lips? Huhu..

"Kilala mo ba ako?" tanong nanaman nya. Hindi ko alam ano irereact. Natatawa ako sa tanong nya.

"The famous Rans Reyes" sagot ko sabay sulyap sa kanya.

Inabot nya yung kamay nya saken "Ranscheid Reyes. Nice to meet you."

"Shin. Nice to meet you too" inabot ko yung kamay nya. Parang nahiya ako ng konti dahil medyo matigas yung palad ko pero hindi din naman masyadong malambot yung kamay nya. Siguro kasi kakabasketball.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 01, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fallen Too FarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon