Isang masayang pagbati galing sa author ng istoryang ito!!😀😀
Guysss!! Please support my first ever story na ginawa ko🤗 Sa sobrang boring ng quarantine life ko marami akong naiisip na mga scenario HAHAHA. Ang istoryang ito ay gawa gawa lamang ng imahinasyon ng nagfefeeling author.😅 So pleaseee sana magustuhan ninyo😄😄 And by the way BE AWARE po sa mga grammatical errors and lame na mga lines🙈🙈😢😢😢 Thank You in advance po sa magbabasa nito at naglaan ng time para sa pagbasa nito!! Muchas Gracias!!😇😇😇 Keep safe everyone!! 😇😇💕
READ AT YOUR OWN RISK ❗❗❗
Check out my accounts guys!! 👇👇👇
Ig📷:c_ssaaa
Twitter:c_ssanghae_________________________________________
***
ALAS SINGKO ng hapon habang papalabas ako ng gate nang matanaw ko si Lance sa school parking lot na nakasandal sa kanyang sasakyan habang humihithit ng sigarilyo at may namumulang mga mata.
Kumunot ang noo ko sa aking nakita. "Kailan pa siya natutong manigarilyo?" tanong ko sa sarili ko. Nagtataka ko syang tinitigan dahil doon.
Napatingin siya sa gawi ko at napaayos ng tayo. Hinagis niya agad ang hawak na sigarilyo at tsaka inapakan hanggang sa mamatay. Humakbang siya papunta sa direksyon ko at walang sabi- sabing kinaladkad ako papunta sa kanyang sasakyan.
"Pasok." anya sa mababang boses. Naamoy ko ang pinaghalong amoy ng alak at sigarilyo sa kanyang hininga.
"W-wait, nakainom ka ba? At kailan ka pa natutong manigarilyo?" curious na tanong ko sa kanya.
" Shut up! Just fvcking get inside the car!". Napapiksi ako sa kanyang pagsigaw.
Kahit na naguguluhan sa pangyayari, napapikit na lamang ako at dahan- dahang pumasok sa passenger seat ng kanyang kotse. Nanginginig ang mga kamay na inaayos ang seatbelt sa aking katawan.
Umikot si Lance sa harap at agad na binuksan ang pinto ng driver seat at tsaka binuhay ang makina at mabilis na pinaharurot ang sasakyan. Napakapit ako ng mahigpit sa car handle sa sobrang kaba.
"L-Lance, dahan-dahan naman sa pagmamaneho." sabi ko sa kinakabahang boses.
Parang wala syang narinig sa sinabi ko at patuloy lang na tinatahak ang daan na hindi ko alam kung saan patungo. Napabuntong hininga na lamang ako at tahimik na nagdarasal sa aking isipan.
Magkasintahan kami ni Lance dati, isang taon na ang nakalipas ng kami'y naghiwalay. Bumalik sa aking ala-ala ang mga masasayang sandali ng aming pagsasamahan. Hindi ko lubos maisip na sa isang iglap lang mawawala ang lahat ng iyon.
Nasa 1st year College kami nang kami'y nagkakilala ni Lance. First impression ko talaga sa kanya is masungit, famous, at hindi pala salita na tao, at hindi ko naman ipagkakaila na may itsura sya. When I say may itsura yung as in sobrang gwapo nya sa paningin ko nong una ko syang makita.
May makakapal na kilay at pilik mata, have a hepnotizing eyes that will make you tremble in your shoes, pointed nose, and a very delicious lips that are worth to be kissed. At mas dumagdag sa looks nya ang buhok nya na parang pinadaanan lang ng kamay at may nalalaglag na hibla sa kanyang nuo.
Hindi ko enexpect na magugustuhan ako ng isang Lance Jave Valdez ng mga panahong yon. Sino ba naman ang mag aakala na ang isang famous at Captain ng basketball ay magkakagusto sa akin. Isang simpleng babae na may pangarap sa buhay at mahiyain pa. Nagustuhan ko rin sya nong time na yon. Yun' siguro yung tinatawag nila na "Like at first sight".

BINABASA MO ANG
Last Moment
General FictionONE SHOT STORY COMPLETED Started: May 25,2020 Finished: May 26,2020 by: ssangasaec