***
NAPAMULAT ako ng dahan-dahan dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Nilingon ko ang paligid at napansing mag-isa na lamang ako sa loob ng silid-aralan. Napakunot ang aking noo.
"Wala man lang may nag-abalang gumising sa akin?" Aniya ko sa sarili at tumingin sa suot na relo, mag aalas tres palang ng hapon. May usapan kami ni Ja na ihahatid ko sya sa labas ng gate nang school. Hindi ko sya maihahatid sa kanilang bahay dahil may practice kami ng basketball.
Naglakad ako papalabas ng room, may mga mumunting studyante akong nakita at habang papababa ng hagdan ay natanaw ko si Ja sa favorite place namin dito sa SBC. Nakaupo sya habang tinatanaw ang mga magagandang halaman sa kanyang harapan. Napangiti ako sa aking nakita, sinong hindi mapapangiti kung ang nasa harapan mo lang naman ay may isang babaeng may maamong mukha, may kumikinang na mga mata, may napakagandang ngiti at may mahabang buhok na nililipad ng hangin.
I'm totally whipped by Jasmine Saavedra, my girlfriend. Naramdaman nya siguro ang titig ko sa kanya kaya napa angat ang magagandang mata nya sa direksyon ko. Bigla syang kumaway nang makita ako kaya agad akong pumunta sa kinaruruonan nya habang nakapamulsa.
Habang papalapit ako ay tumayo narin sya sa kanyang kinauupuan at hinintay ang pagdating ko. Nang magkatapat na kami ay agad niyang isinukbit ang kamay nya sa aking braso. Mabagal ang bawat paghakbang namin dahil parehas naming ninanamnam ang masarap na simoy ng hangin and maybe it is the perfect time na masolo ko sya.
Yumuko ako para makita ang kanyang mukha and at the same time tumingala rin sya kaya nagkatitigan kami sandali. Matamis syang ngumiti sa akin at dahil don binigyan ko sya ng isang mabilis na halik sa labi.I chuckled when she pinched my arm.
"Nakaisa ka don ha!" sabi nya sa kunwaring inis na tono pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang mumunting ngiti sa kanyang labi.
"Nagustuhan mo rin naman Ja, hindi ka lugi don." mapang-asar na sabi ko sa kanya.
"Oo na, hindi talaga ako lugi noh. I'm very thankful na nakilala ko ang isang Lance Jave Valdez, a sweet, caring and loving person. At ang taong mahal na mahal ko. " nakahilig sya sa akin habang sinasabi nya ang mga salitang iyon na nagpalakas ng tibok ng aking puso.I smiled because of what she said.
"Ang sweet naman ng girlfriend ko. Pakiss nga ulit." sabi ko habang nakangisi at tumataas baba ang mga kilay. Inalis nya ang pagkakahawak sa aking braso at walang ano-ano'y sinapo ang magkabilang pisngi ko at nararamdaman ko nalang na lumapat ang aming labi sa isa't-isa.
Hindi ko inaasahan na hahalikan nya ako kaya mababakas sa aking mukha ang pagkagulat. Pero unti-unti rin akong napapikit at tinugon ang kanyang halik. My right hand softly touched her left cheek while my other hand grabbed her nape to deepen the kiss.
I can't explain my feelings right now, halo-halo ang mga emosyong nakapaloob sa aking katawan. Ang nasa isip ko lamang ngayon ay kung paano ko matitigil ang oras just to spend this wonderful scene with her. Pero imposible talagang mangyari ang iniisip ko, we stayed almost 1 minute of kissing and then we broked the kiss and stared to each other.
We both smiled and I automatically put my left arm around her waist as we continue to walk.
"Sana ganito nalang tayo lagi no? Yong palakad lakad lang habang walang iniisip na problema." Napasangiti ako sa sinabi nya.
"Pwede naman natin itong gawin araw-araw Ja, maliban nalang kung iiwan mo ako. Hindi talaga yon mangyayari." Pabiro kong sabi sa kanya.
Napabuntong hininga sya at napayuko. Napatigil ako sa paglalakad dahil doon. "Oy Ja, biro lang yun ha. Wag mong seseryosohin at tsaka wala namang dahilan para iwan mo ako. Biro lang yon, wag mo akong iiwan ha, walang mang-iiwan at walang may makikipaghiwalay sa ating dalawa." Kinakabahang saad ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Last Moment
General FictionONE SHOT STORY COMPLETED Started: May 25,2020 Finished: May 26,2020 by: ssangasaec