P A G L I S A N

18 0 0
                                    

Pangalan mo'y nakatatak sa puso't isipan Hindi alam kung paano kita makakalimutan.
Papalayain na ba kita?
Papawiin n lng b ng mga taong nakapaligid
ang pangu2lila sau sinta?

Papalayain ko n rin ba ang mga alaala
na binuo nating dalawa o kakapit at aasa
pa rin sa salitang ''BABALIK KA''!

Araw-araw pinagmamasdan
larawan nating dalawa sa tabi ng higaan
Hindi alam kung ano ang mararamdaman
magkahalong saya at lungkot
ang naradama ng puso't isipan,

Araw at gabi ay lumilipas
sana ang pag-ibig ko sayo ay di rin
mawalan ng kupas?
Mananatili sayo ang pagmamahal ko
mula noon hanggang bukas,
pagkat pag-ibig ko sayo'y buo at wagas!

Gustong gusto n kitang makita
gustong gusto n kitang makasama
gusto ko ng marinig ang iyong tinig na
sa akiy alam kong lubos na magpapasaya.

Gusto ko ng makita ang iyong mga ngiti
na sa aking lungkot ay pumapawi
gusto ko ng hawakan ang iyong mga kamay,
hawak na hindi pangmadalian
kundi pang habang buhay!

Laging ipinagdarasal
Mga pangarap mo sa maykapal.
Ipinagdarasal din na sana ang pagbalik mo'y hindi na magtagal.

Laging iniisip mga masasayang alaala
Upang araw at sarili ko ay sumigla..
Ngunit lagi na lang bang ganito?
Lagi na lang bang nakadepende sayo
Ang takbo ng buhay ko?

Iiyak, tatawa
Hindi na alam kung ano na ba talaga
ang madarama,,
Ganun na ba ang pangungulila sayo sinta?
Kahi't akoy nalilito na.

Ipipikit ang mga mata
Nagbabakasakaling sa pagdilat ko
Ay nariyan ka na,,
Ipipilit sa sarili na pagbabalik mo'y hindi ganon kadali.
Bibilang ng araw at gabi
Upang makita at makasama kang muli!

Sa mga panahong wala ka
Bumuo ng awit na alay sayo sinta
Awit na sana'y madama mo ang pangungulila ko sayo..

Sana sa pagbalik mo
Sabay nating awitin kung ano ang tunay na nilalaman ng ating mga puso
Awit na syang magpapatibay sateng dalawa at hindi na kailangan lumayo ang isa..

Salitang paglisan ayaw ko ng marinig
Ayaw ko ng maramdaman ang lungkot
Pag sa ating dalawa ay may maiwan at aalis....


Sabay tayong tatanda
At bubuo ng masayang pamilya at alaala

..salitang paglisan pag sating dalawa ay pumanaw na lungkot ay muling madarama ...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 10, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

P a g l i s a nWhere stories live. Discover now