CHAPTER 1

7 0 0
                                    

(A/N): Thank you sa book cover ng story na to sa future animator ko na friend hihi love na love ko yan since day 1 and Thank you din sa future psychologist ko na nag bigay ng idea na gawin ko yung story yiieee jowain mo na ako baka naman chaort! since nag declare na si DU30 na wala ng pasok vaccine muna daw mukang kakayanin kong tapusin to.. I really love you guys mwah!

-

-

-

-

-

MARGA

Hi, Mag papakilala muna ako.

Marga is the name hmm 20 years of age and basically a student nurse as of now. I have one sister her name is joyce and a brother na si chase. I can say that I'm not in good terms with my family pero this 2020 I'm starting to take step para maging close ako sa kanila kase hindi habang buhay ganito kami magsisi lang ako sa bandang dulo. I should know what is right and wrong already anong petsa na girl diba? About lovelife hmm may dalawa na akong ex and if you're going to ask me panget ang experience ko sa mga ex ko pero I don't regret it pero alam mo yun may times talaga na nagsisisi ako sa unang ex ko pero mahal ko silang lahat hindi ko lang alam kung saan ako nag kulang at nag kamali.

So here it goes...

I met this guy way back when I was senior high school. Naging crush ko siya hindi nga lang kase niya napapansin kase taken na pala siya nung mga panahon na yon kaya parang bula pala tong guy lulusot lilitaw sa school namin. Hindi ako umamin kase alam mo yun bagong lipat lang kase ako non and hindi ko pa kabisado yung mundong umiikot saakin dahil hindi naman ako lumaki ditto sa pinas. Then nung malapit na matapos yung midterms dun pa siya sumamblay kase nga hindi na siya pumapasok and ayun na hanggang sa maka graduate kami hindi ko na siya nakikita.

Fast forward tayo...

College days, so I'm taking up BSN kase nga gusto ni lola and second choice ko. My first choice is animation kaso alam mo yun wala akong tiyaga sa pag drawing at the same time mahilig kase ako mag care pero hindi na pupunta sa tamang tao yung pag invest ko ng care management ko charot! So na char-char na ba kayo? Mahilig na mga lalakwe ngayon sa mga char-char relationship and by means of lalakwe parang niluluwa yan hahahaha! Nakuha ko yang word sa best friend ko na NBSB hindi naman siya bitter ganon talaga tawag niya sa lalaki na hindi deserving for her.

March 20 birthday ng kaibigan ko today nag meet up kami sa bahay nila and dun na nag ayos. Then pumunta kami ng SM para mag samgyup.

"Hintayin ko na lang si Eli dito tapos kuha na kayo ng lulutuin natin dito sa mesa natin." Sabi ni birthday girl na si Kia.

"Sige girl kukuhanan na din ba kita ng sushi na gusto mo?" Tanong ko sa kanya.

"Oo! Paki damihan mo nga yung hindi ako mabibitin." Natawa na lang talaga ako kase parang may meaning yung sinasabi niya pero hindi ko na pinansin.

Habang kumukuha kami ng pagkain namin may tinanong saakin si Adalee.

"Try mo kaya tawagan yung magkapatid since magkakilala naman sila sa dati nilang school tska the more marami mas masaya diba?"

"Tanong muna natin sa kanya kase nga diba hati kayo sa bayad baka magulat na lang yun na lumitaw bigla yung magkapatid." Hays natatawa na lang talaga ako ewan ko ba ang masayahin ko mashado. Hindi ko alam kung bakit nakadikit lang to saakin si Marie habang kumukuha ako ng pagkain ayaw pa kumuha ng kanya.

"Marga! Ayoko niyan! Kunin mo yung isa yung tempura shrimp!" Napaka ingay naman akala mo kami lang nasa buffet

"Hindi para sayo ang kinukuha ko para saakin to at kay kia wag kang tamad kumuha ka don"

About 10 p.m.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon