B

7 0 0
                                    

Mabilis na lumipas yung mga buwan,

August na nga ngayon e, at sa nakalipas na buwan, mas naging close pa kami ni El pero hindi alam ng ibang tao yun, kasi hindi naman kami nagsasama pag madaming tao, nagkikita at nagkakakuwentuhan lang kami pag uwian, pag maagang maaga yung pasok, kapag break time. At sa nakalipas din na buwan marami na akong nalaman sa ugali niya. Ayaw niyang sagutin yung mga tanong na personal at hindi ko alam kung bakit, hindi siya mahilig makipagkaibigan, loner siya. Napakamisteryoso niya hindi sakanya pwede maging deep yung pinaguusapan niyo kasi parang may ayaw siya maungkat, ewan ko.? seryoso siya sa lahat ng bagay di mo siya maririnig mag joke

Pero sa buwan na lumipas hindi ko parin ma figure out kung bakit niya ako kinakausap sa halos 5,000 na studyante bakit ako?

At sa buwan rin na lumipas sa tingin ko mahal ko na siya,

---

Rooftop

"Yow El" ako

"Kamusta?"

"Maganda pa rin :D"

"K"

"Ganun? Wala man lang suporta?"

"Bahala ka"

"Ay El, may ikekwento ako sayo, alam mo ba yung sapatos na niregalo sakin ng ninong Joel ko nginatngat ng aso namin, grabe ang sarap batukan nung aso namin, ang ganda ganda pa naman nung sapatos na yun., eto oh tignan mo" sabay pakita sa cellphone nung picture ng sapatos.

"Hindi mo kasi tinaas sa cabinet"

"Ay eto pala si ninong Joel"

Sabay pakita ng picture namin ni ninong.

"........."

Craaaaaaack!

Hala! Yung cellphone ko!

Tumakbo agad ako para pulutin yung cellphone ko na hinagis ni El,

"Ano ba El! Bakit mo hinagis tong cellphone ko ! May problema ba dun sa picture?!"

"Babayaran ko na lang yan"

"Hindi, hindi anong dahilan para itapon mo ?! Naguguluhan ako!"

Bababa na sana siya pero binato ko sakanya yung cellphone.

Na naging cause para lumingon siya. At binigyan niya ako ng death glare niya.

"Ano ba! Ano bang rason yung gusto mo? Panget ka kasi kaya tinapon ko yung cellphone mo! " sabi niya sa mataas at nakakatakot na boses

Ouch

*Sob* *Sob* -ako

Naramdaman ko yung luha na tumutulo sa mata ko,

"......."-El

Naramdaman ko na lumalapit si El sakin.

Lumuhod siya, at niyakap ako.

"Sorry, di ka naman talaga panget dun may malalim lang na dahilan kung bakit ko tinapon yung cellphone mo"

Humiwalay siya ng pagkayap tapos kinuha niya yung panyo niya at pinunas saakin tapos umalis na siya,

Naiwan ako sa rooftop ng mag isa.

Tumayo ako at pinunasan yung luha ko at pumunta sa pinaka sulok ng rooftop at dun umupo.,

*Steps*

*Steps*

*Steps*

May taong papalapit,

Paglingon ko si El, may hawak na chuckie at kwek kwek.

"Sorry na" sabay abot niya.

"......."-ako

*Sigh*

Umupo siya sa tabi ko.

"Sorry na, di ka naman talaga panget dun sa picture"

Tumayo na ako para umalis kaso... Natigilan ako sa sunod na sinabi niya

"Kaso yung lalaking kasama mo, siya yung papa ko"

"Teka! Si ninong Joel? Pero! Binata siya!"

"Hindi, papa ko siya. Siya yung dahilan kung bakit ako tahimik, kung bakit ayaw ko magtiwala sa mga tao,"

"Hindi ko pa rin maintindihan"

"Iniwan niya kami, dahil ayaw ng pamilya niya sa mama ko, hindi niya pinaglaban si mama, hindi niya kami pinaglaban, at kaya ako ganito dahil sakanya , kaya ako malihim, kaya ako tahimik, kaya hindi ako nagtitiwala sa mga tao, kaya loner ako, dahil lahat to sakanya. Ayoko ng nagpapapasok ng ibang tao sa buhay ko kasi natatakot akong iwan lang din nila ako,"

"Bakit mo to sinasabi sakin lahat?"

"Kasi alam kong nakapasok ka na sa buhay ko, alam kong di ko na rin kaya pag nawala ka, alam kong mahal na kita"

"....."

"Noon pa kita tinitignan sa malayo, noon pa lang napapansin na talaga kita kaya lang natatakot akong mahalin ka kasi baka iwan mo rin ako, kaya nung kinausap kita dati nagdadalawang isip pa ako noon na kausapin at lapitan ka . pero hindi ko na napigilan yung damdamin ko, kaya please lang kahit hindi mo ako mahal, wag mo akong iwan ha?"

"Hindi kita iiwan kasi...mahal rin kita"

"Talaga!" Sabi niya habang nakangiti, ngumiti siya ! At totoong ngiti

"Oo! Mahal rin kita" sabay yakap sakanya.

"Wag mo ako iiwan ha?"

*forehead kiss*

"Hinding hindi"


Change.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon