Kingdom 1: News

153 48 61
                                    

Chapter 1:

Visel Kingdom.

'Yan ang iginuhit ko puno ng Narra gamit ang punyal na hawak ko. Alas kuwatro na ng hapon at kakatapos ko lang magwalis at magbunot ng mga damo sa bakuran namin. Nagpapahinga na ako ngayon dito sa ilalim ng puno at sakto hawak ko ang punyal kaya naisipan kong mag-ukit ng kung anu-ano.

Napatitig ako sa pangalan na iginuhit ko. Dito nakatira ang reyna at hari ng buong Visel. Ano kaya ang pakiramdam na tumira sa Visel Kingdom?

"Ate Bria! Tawag ka ni papa!"

Napalingon ako sa bunsong kapatid ko na si Almon. Nakasuot lang siya ng puting sando na punit-punit pa at walang suot na tsinelas.

Tumayo na ako at pinagpagan ang short.

"Bakit daw?"

"Malay ko." Saka siya umalis.

Agad akong pumasok sa bahay-kubo namin at nilapitan si papa nagluluto ng pagkain. Amoy na amoy ko agad ang sibuyas at bawang sa kawali. Nagutom tuloy ako.

"Pa, bakit?" tanong ko pagkalapit sa kanya. Nagsisiga siya ng apoy. Taka siyang lumingon sa akin.

"Ha? Anong bakit?"

"Pinatawag niyo raw ako sabi ni Almon."

"Hindi, ah."

"Hindi?"

"Bakit naman kita tatawagin?" Saka siya nagpatuloy sa pagluluto.

So, hindi niya ako tinawag talaga? Niloloko lang ako ng kapatid ko?

Napakuyom ako ng kamao at agad na hinanap ang bwisit kong kapatid.

"ALMON!!!" sigaw ko nang makita siyang kumakain ng santol sa duyan sa may bakuran. Agad naman siyang napatalon sa gulat nang makita ako at tumatawang kumaripas ng takbo palayo.

"Bwisit kang bata ka! Lumapit ka rito sasapakin kita!" sigaw ko at hinabol siya.

"Bleh! Ayoko! Uto-uto!"

"'Wag ka papahuli sa 'kin, papatayin kitang payatot ka!" Sa sobrang gigil ko, binato ko na siya ng mga bagay na nakita ko.

Puro aray tuloy siya sa mga tumatama sa kanya pero hindi pa rin matigil kakatawa. Mas lalo akong nanggigil.

Tumakbo siya palapit kay Minerva na prenteng nakaupo sa kahoy at nagtatahi ng tela. Paikot-ikot kaming dalawa sa kanya.

"Habulin mo ako, habulin mo ako!" pang-iinis pa niya at saka kung anu-anong reaction sa mukha ang ginawa para asarin ako lalo.

"Hayop ka! Gugupitin ko lahat ng damit mo, makikita mo!"

"Pikunin!" Dinilaan pa ako. Binato ko siya ng tela na hawak ni Minerva.

"Payatot!"

"Hoy, ano ba!" sigaw ni Minerva sa aming dalawa. Well, sinong 'di sisigaw kung biglang hinablot ang tinatahe mong tela. "Tumigil nga kayo! Pati ako napipirwisyo sa inyo! Akin na nga 'yan!"

Marahas niyang hinablot ang tela kay masamang tumingin sa akin bago tumayo at umalis.

"Hala, ikaw kasi, nagalit tuloy," paninisi sa 'kin ng kumag kong kapatid.

"Sapakin kita riyan, e!" Inambahan ko siya ng suntok saka umalis.

"Nasaan si Mefred Morez?" Napahinto ako sa paglalakad nang may isang grupo ng mga kalalakihan ang humarang sa akin. Nasa sampu sila.

Nakasuot sila ng mga kulay itim na coat at animo'y mga bigating tao sa tindig pa lang. Ang laki ng mga braso nila, 'yong tipong isang sapak lang sa 'yo ay tulog ka agad. May iba't ibang tattoo design rin sa kanilang leeg at kamay.

JOURNEY TO THE VISEL KINGDOM Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon