Untitled No. 1

11 0 0
                                    

Nagtitiis ako sa 'magulo'
At sa hindi 'sigurado'
Dahi sa gitna ng 'tayo'
Ikaw ang kasama ko.

Kahit laging 'ewan'
Nagtitimbang sa pagitan
Ng 'magkaibigan' at 'magkasintahan'
Ikaw pa rin ay hahawakan

Kung hanggang kailan at saan?
Kung saang parte ng 'wala' at 'meron'
Ako magsasawa at mapapagod
Sasambitin muli ay 'hindi ko alam'

Sasambitin muli ay 'ewan'
Animo'y dalangin sa Maykapal
Naghihintay lamang na marinig
Itong mga tahimik na dalangin

Magtitiis at magpapaagos nalang
Sa 'hindi tiyak' o 'walang estado'
Basta sa akin, tayo
Basta sa akin, mayroong tayo.

Kung ano?
Hindi ko alam-
Wala akong alam-
Wala akong pakialam.

Loud SilenceWhere stories live. Discover now