Prolouge

4 0 0
                                    



"Shit. Umuwi na tayo!"

Pinagmasdan ko ang nag-uunahang tulo ng ulan. Mula sa mahihinang patak, hanggang sa unti-unting lumakas ay nilibang ko ang sarili ko sa pagtitig niyon, imbis na magligpit at ayusin ang mga gamit.

Dumungaw ako sa labas at nakita ang mga taong natataranta sa biglaang buhos ng malakas na ulan. Maraming may dalang payong, at 'yon namang wala ay walang ibang choice kung hindi sumulong sa ulan. Paniguradong punuan ang mga pampasaherong sasakyan ngayon, dahil mula dito, nakikita ko kung paanong nag-aagawan ang mga pasareho pagdating ng jeep.

Halos mabingi ako sa lakas ng buhos ng ulan. But at the same time, napangiti ako ng may naalala. While I was reminscing our old memories, I was also busy thinking about the smell of the rain when it hits the ground.

Petrichor.

Naalala ko pa rin hanggang ngayon kung sino ang unang taong nagturo sa akin ng salitang 'yan. I smiled. But my heart was ripping into pieces.

Sumibol ang sakit sa puso ko. Bumigat ang pakiramdam, at may namumuong luha sa mga mata. Nakita ko ring nanginginig na ang mga kamay ko at ramdam ko ang panginginig ng aking labi.

"Andree! Nakikinig ka ba?!"

Naputol lahat ng iniisip ko ng alugin ako ng kaibigan. Umurong ang luha sa aking mga mata. Napalingon ako sa kanya at nakitang magkasalubong na ang dalawa niyang kilay, may hawak na payong sa kanang kamay habang nasi-secure na ang bag sa likod.

I sighed, disregarding my thoughts.

"Sorry. Tara na,"

Umirap si Joreen. "Ano ba kasing iniisip mo? Ang hirap mong ayain umuwi kapag umuulan ah, lagi kang lutang."

"Hindi ako lutang!" I pouted. "May naisip nga lang eh."

"'Yon na rin 'yon. In-iba mo lang,"

Ngumuso lang ako at agad na inilagay sa bag ang mga natitirang gamit ko. Iniwan ko na ang mga hindi ko pa naman kailangang matapos bukas. I secured my things and made sure na it won't get wet.

Sabay kaming pumunta ni Joreen sa elevator para makababa na. Alas sais na ng gabi at ngayon talaga ang end ng shift namin. Maaga kaming nakakauwi lalo na kapag umuulan. We tend to finish our work para hindi kami mas matagalan sa pag-uwi.

Nasa baba na kami at marami-rami na ding nandito sa lobby. Siguro ay uuwi na rin dahil kakaiba ang lakas ng buhos nitong ulan ngayon. Napabuntong hininga ako at iniwasang mag-isip ng kung anu-ano. Nagde-decide rin kami ni Joreen kung anong sasakyan namin.

"Sis, kung magji-jeep pa tayo papuntang Cogon, mas matatagalan tayo! And for sure bumaha na do'n."

"Doon lang may masasakyan," sabi ko. "Eh 'di saan tayo ngayon?"

"Pahinain muna natin 'yong ulan. Coffee muna?"

She smiled sheepishly. I knew it. Napairap nalang ako habang pinipigilan ang pagngiti. Ayon naman pala at gusto lang ng kape, dami pang sinasabi!

"Ayaw mo ba sa kape ni Sir Sam?"

Immediately, she made a face and rolled her eyes heavenwards. Humalakhak ako sa nakitang reaksyon niya. She really hates the coffee in our office!

"Gurl, don't make me puke!"

Patawa tawa pa rin ako habang nilalakad namin ang sidewalk kung sa'n maraming jeep na dumadaan papuntang Centrio Ayala. Mabuti naman at umuulan, nagmamadaling umuuwi ang lahat at wala yatang planong gumala sa ngayon. Well, except Joreen. . .

Almost, Forever and AlwaysWhere stories live. Discover now