Chapter 7

71 8 0
                                    

Ched's Point of View (Basyang)

Nakangiti ako habang nirereplayan si Josh. Hindi pa daw nagrereply ni seen si Lame kaya nag aalala rin ako. Pero dahil lab ko na kausap ko ay mamaya na siya hahahaha.

Josh: Thank you for making me laugh hahahaha you really a blessing to me. Thank you for coming into my life, basyang.

Pinigilan kong tumili dahil sa kilig. Baka isipin ni Lame tuwang tuwa pa akong miserable siya ngayon. Wala kaming label ni Joshy ko, fan lang ako pero hindi ko mapigilang kiligin lalo na at idol na idol ko ang charming boy na 'to! Muli nanamang tumunog ang cellphone ko kaya dali dali ko itong inopen at nakangiting binasa. Unti unting nawala ang ngiti sa labi ko dahil sa message ni Josh na boyfriend ko not Josh ng SB19.

Let's break up.

Napanganga ako. Hanep! panira ng araw ang lintek na'to! Gigil akong tumipa sa cellphone ko para replayan siya.

Bakit ka nakikipagbreak?! Ang kapal mo naman! sabi mo stay strong satin at kahit quarantine ay hindi tayo mapaghihiwalay! asan na 'yon?!

Mabilis niyang naseen ang message ko kaya typing agad siya.

Akala mo hindi ko alam? inaccept ka nung Josh Cullen na'yon! baka nakakalimutan mong nabubuksan ko ang account mo, Ched? ano? kilig na kilig ka naba diyan?

Mabilis na umakyat ang dugo sa bunbunan ko kung posible ba 'yon. Napaka ng lalaking 'to! sabi niya supportive siya sa'kin? ano tong pinuputok ng itlog niya ngayon?

Eh ano naman? idol ko nga eh! anong gusto mong gawin ko, balewalain siya? bukbok mo!

Ha! akala niya siya lang ang pwedeng mang-bars? labandera yata 'tong kinalaban niya! marami kaming bar at powder sa cr!

Minsan ba minahal mo ako, Ched? pakiramdam ko kasi kaya mo lang ako sinagot dahil kapangalan ko ang idol mo eh. Nga pala, happy 3rd monthsarry satin, oh ano? gulat ka no? nakalimutan mo kasi.

Napatakip ako sa bibig ko tsaka ko mabilis na tiningnan ang kalendaryo na may bilog ng red na pentel pen. Nakalimutan ko! Ano ka ba naman self? may pabilog bilog ka pang nalalaman wa epek naman! Ibinalik ko ang tingin ko sa screen ng cellphone ko at marami na ang messages ni Joshy babe kaya kinagat ko ang kuko ko.

Happy Monthsarry, love!

Reply ko sakanya pero hindi niya na sineen kaya napasimangot ako. Napaka oa naman kasi ng lalaking 'yon! Wala namang masama sa convo namin ni Joshy babe! And speaking of him. Pinindot ko ang head ng message niya pero napanganga ako sa nabasa ko. Inaaway ni Josh si Josh! I mean, ng boyfriend ko ang Joshy babe ko!

Joshy babe: Excuse me, who are you? ikaw ba si basyang?

Josh: Ang kapal naman talaga ng mukha mong tawaging basyang ang girlfriend ko brad?

Joshy babe: Girlfriend? may boyfriend si basyang?

Josh: Stop calling her, basyang! namumuro kana sakin brad!

Joshy babe: Ow sorry, I will stop sending messages. Stay strong bro.

Napahilamos ako dahil sa inis. JOSHHHHH!!!!! Nakakainis! ano yun? hindi na kami magchachat? huhuhuhu leche kang lalaki ka! Inis kong hinablot ang cellphone ko nang tumunog ito.

O ano? malas ka na nga kasi pinakawalan mo pa ako, nawala pa ang Joshy babe mo hahahahaha goodluck! two timer!

Nanlalaki ang mata ko at nakanganga ako habang dinadama ko ang bawat letra ng message niya. Ano daw? malas ko kasi pinakawalan ko pa sya? yung hindi na ako imemessage ni Joshy babe oo pa pero ano daw? ha? nakanaks! napakafeelingero ng lalaking 'to! e kaya ko lang naman siya sinagot para may gumawa sa thesis ko eh! hahahahahahahaha.

Binalikan ko ang message ni Joshy babe at tumipa ng mensahe.

I'm sorry...hindi ko naman alam na imemessage ka ng ex ko eh. Sorry po.

Ilang minuto akong naghintay ng reply niya pero wala kaya umiiyak akong kumatok sa kwarto ni Lame.

"Babae...papasukin mo ako."

"Leave me alone basyang!"

"Huhuhuhu i'm broken right now sista."

"Lakopake! magchat lang kayo ni Josh! wag moko istorbohin!"

"Pero break na kami ni Josh!"

"Tama lang yan! lagot ka din naman kay dadi kapag nalamang may boyfriend ka eh!"

"At hindi na ako nirereplayan ni Joshy babe."

"Ow, condolence but i'm talking to my hotdog right now, balik ka nalang mamayang ten."

"Pero ang tagal pa! pipigilan ko ng tatlong oras ang iyak ko?"

"Kung kaya edi go!" sinipa ko ng malakas ang pintuan niya. Napaka ng Lame kaayo na'to! parang kanina hindi broken! huhuhuhu.

Joshy babeeee!

Hotdog in Paris [SB19 Sejun's FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon