Chapter 3

8 1 18
                                    

Maaga akong nagising dahil sa ingay ng alarm clock. I stretched my body and look at the morning sun on my window before getting up.

"Anak, hinanda ko na ang bath tub mo, pwede ka nang pumaroon at maligo," si Nana, kakalabas lang galing sa CR dito sa kwarto ko.

Sayang yung hinanda niya, hindi ko magagamit yun kasi shower lang gagamitin ko. Hindi pwedeng magbabad sa bath tub kapag umaga, I have to be quick in mornings since pasukan na.

"Thank you po, Nana," bumaba na ako sa kama at inayos ang kumot. Nilingun ko muna si Nana bago nagsalita ulit, "Nana, simula bukas shower nalang po gagamitin ko, wag niyo na po ihanda yung bath tub."

Ngumiti si Nana, tumatango. "Sige, maghanda ka na riyan at magluluto muna ako sa baba," sabi niya bago lumabas ng kwarto.

I took a shower and dried my hair. Black jeans, black airmax shoes, minimal printed black v-neck shirt for today's dress up. I took my silver watch to match it with my outfit.

Hanggang bewang ang buhok ko at bagsak ang pagkaka-straight kaya magandang tingnan kahit nakalugay lang. Hindi ako mahilig sa mga makeups kaya hindi na ako natagalan sa pag-aayos.

"Nana, sina mommy po?" Tanong ko nang nakarating sa dining.

"Nandoon pa sa kanilang kwarto, anak, pati ang daddy mo'y hindi pa bumababa," sagot ni Nana habang naglalagay ng plato mesa.

I am having my breakfast when dad came in. I stopped eating to see him.

"Good morning, dad." Bati ko.

"Are you really sure with your course, Vanessa Sheyn?" He sounded serious but hopeful, too. He's hoping I'd change my mind.

"Yes, dad." I answered with finality. I finished my food immediately, baka saan na naman umabot ang usapan e. "Una na po ako."

Bumalik ako sa kwarto para mag-toothbrush at kunin ang gamit ko. And then I went to school.

"Freshman?" A girl at my age suddenly asked.

Hindi ko siya kilala pero sinagot ko pa rin, "Yeah."

"You look cool in black," she complimented. I awkwardly smiled. Sanay na ako sa ganitong pormahan and I was never given any compliments before. "Bisexual ka ba?" Dagdag niya pa.

The heck?

"No." I simply said.

Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri. I need to find my room for today's class.

"You look tomboy," sabi niya.

Aba, conyo pa magsalita. Nagpatuloy kami sa paglalakad at palinga-linga ako kakahanap sa magiging room.

"Anyway, I'm Maggy. Maggy Dela Torre, BS Criminology." Pagpapakilala niya habang naglalahad ng kamay.

Crim student din pala 'to? Akala ko kasi magfa-flight attendant. She's beautiful, okay? And sexy. And the way she dress up? Hmm. Hindi halatang criminology ang kinuha niya.

Tinanggap ko ang kamay niya. "Vanessa Sheyn Andrada," sambit ko.

"Andrada." Parang may inaalala.

"BS Criminology din," pagputol ko sa iniisip niya. "Alam mo ba saan building natin?" I asked.

Nanlaki ang mata niya, "Oh my god, Crim buddies!" Eksaheradang tili niya. "I guess I'm having a best friend now," drama pa niya.

I don't do best friends. Bahala ka nga sa buhay mo.

Nauna na akong maglakad, dami niya pang sinasabi e. Nahanap ko na ang building namin. Dumadaldal pa rin 'tong si Maggy sa tabi ko, hindi ko nalang pinansin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 02, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Only If I Had You Where stories live. Discover now