NOT MEANT TO BE
Naglalaro ako ngayon ng mobile legends. Ilang months na ko naglalaro, hindi pa din tumataas rank ko. Warrior palang ako. Pinaka mababang rank sa ml.
"Ughh kainis! Talo na naman!"
Antatanga kasi ng mga kalaro ko! Charot lang! HAHAHA
Muntik ko na mahagis phone ko sa sobrang inis.
"Oyy Leah! Bumaba ka na! Maghuhugas ka pa ng pinggan!" sabi ng magaling kong kapatid.
Kung di ko lang to kapatid, napapulis ko na to eh.
Pagkatapos ko mag hugas ng pinggan, nakatambay na naman ako sa kwarto ko at naglalaro ng mobile legends baka sakali tumaas nako.
Nagtry ako magrank ngayon, malay mo marinig ko na yung salitang victory.
Eudora ginamit ko na hero.
Habang napili pa ng hero mga kakampi ko, nagmessage ako na kulang kami sa tank.
"ulul." sabi sakin nung may gamit na hero na si Zilong.
Aba hindi pa nagsastart yung game, pabida na agad tong isang to ah.
"ulul ka den! Balakadyan!"
"ulul na ulul sayo. ^_^"
Yakk
Habang nasa game kami, message siya ng message.
"Eudora, umutot ka ba?"
Kadiri naman tong lalaki na to.
"Yak! Bakit naman?!"
"Kasi you blew me away."
"Korny mo boi."
Medyo kinilig ako dun ah pero kadiri padin siya.
"Yieee may nagkakamabutihan." message nung isa naming kateam mate.
"Taena maglaro kayo wag puro landian!" sabi nung isa.
Natawa nalang ako sa mga message nila. Tinuloy nalang namin ulit yung paglalaro.
Lamang kami ng 20 points sa kalaban. Naka 9 kills palang ako at 3 deaths.
Lagi akong sinasamahan nung Zilong kahit san ako magpunta sa game.
Nagmessage ako.
"Hoy Zilong! Wag mo nga kong sinusundan. Ang epal eh!"
"Wow pakipot. I like that huh." message niya.
"WITWIW!" sabi ng isa naming kateam mate.
Nagpatuloy nalang ako sa paglalaro. Mas maganda na yung may kasabay ako sa paglalakad sa game para kapag may lumapit sakin na kalaban, tutulungan niya ko.
"Kenzo Vasquez add mo sa fb. Thanks."
Wait lang kenzo? Parang kilala ko to ah. Baka kakilala ko lang siguro.
"Nu fb acc. mo Eudora?" tanong niya sakin.
"Hale Gonzales."
"Copy."
After 40 minutes natapos din yung game. Salamat naman, nanalo kami sa game. Mvp yung Kenzo.
___________
Nagsoscroll lang ako ngayon sa fb. Gamit ko ngayon yung dummy account ko.
Hale Gonzales pangalan ng dummy acc. ko. Shinuffle ko lang yung first name ko (Leah - Hale) at iniba ko din yung apelido.
Bigla may lumabas na may isa akong new friend request. Tiningnan ko yung name. Kenzo Vasquez.
Syempre inistalk ko muna bago ko iaccept. Nagscroll lang ako ng nagscroll sa timeline niya.
YOU ARE READING
Short Stories
Short StoryHi, I will put here all of my short stories that I made. Hope you like it. ~ kyliecheekz❣️