Chapter 3

19 4 1
                                    

Aerah's POV

Paggising ko masakit parin ang ulo ko gawa ng pag inom kagabi. Si Erin ay maagang gumising para narin umuwi. Masyado pang maaga kaya may oras pa siyang umuwi at mag-ayos.

"Agahan morin pumunta mamaya para sa interview mo, ayaw ni Boss ng nale-late." saad nito habang nag-aayos ng sarili para umuwi.

"Oo, ite-text kita pag pa-punta na'ko." Pag-uunat kong sagot dito habang nakahiga. Inaantok pa.

"Aalis na'ko, tumayo kana rin jan, tamad." Pang-aasar pa nito pag alis. Ngumiwi nalang ako at umidlip pa sandali.

Nag-aayos narin ako para mamaya, quarter to 10am palang. Ang aga pala ni Erin kanina. Masyadong masipag baka matanggal, ah. Nabanggit rin ni Shine kagabi na after lunch yung interview ko kaya bumangon narin ako agad at nag-almusal. Mahirap na baka masarapan nanaman ako sa pag-tulog.

Inuna ko munang hanapin ang pwede kong suotin na pormal para sa isang interview. I picked black pencil skirt color and white polo long-sleeve na may ribbon bilang necktie. Napili ko rin yung white sandals ko na may katamtamang taas lang para sa'kin. After ng mga kakailanganin kong isuot, kinuha ko'rin yung mga files na pwede kong ipakita bilang resume ko mamaya.

11am na nung matapos ako sa pag-hahanda ng gamit ko. Kaya pumunta na ako sa c-r para maligo. I take 20mins in the bath, after non lumabas na'ko para mag-ayos.

Nasuot kona lahat ng mga kailangan kong isuot. I put light make up para mas tumingkad yung awra ko.

"Oh Aerah, kumain kana ba? Mag lunch ka muna bago ka umalis." Bungad ni mama paglabas ko ng kwarto.

"Hindi na po ma, busog pa naman ako. Marami akong nakaing almusal kanina." Sagot ko dito.

"Ganun ba, galingan mo sa interview ha. Goodluck!" Siglang saad ni mama sa'kin.

Tumango nalang ako at ngumiti kay mama saka bumaling sa kapatid ko "Aeron, sumabay kana kay mama at tumigil ka muna jan sa panonood mo. Samahan mo muna si mama pumunta sa shop mamaya para tumulong ka kahit papaano doon, tsk senyorito." Lumingon naman sa'kin si Aeron at tumango. Hindi ata narinig yung huli kong sinabi kaya hindi nag-sungit. Tumayo ito at pinatay ang t.v.

"Anong company yang interview mo?" Tanong niya sa'kin.

Tinignan ko naman yung oras at shookt! 11:40 na! Sabi sa'kin ni Erin kanina agahan kopa after lunch. Mukang patapos na lunch nila at kailangan konang pumunta.

Hindi kona pinansin yung tanong ni Aeron sa'kin at agad na nagpaalam sa kanila at umalis.

Pakshet ba't walang taxi?!

10mins na'ko naghihintay dito wala pa rin' dumadaan na taxi na walang laman. Shit!

12mins left mula nung naghintay ako ay may dumaan ng taxi sa harap ko na walang laman kaya agad na'kong sumakay dito at tinuro yung building ng "Volstringe Corp." Kung saan ako mag-aapply.

Saktong 12pm nakarating din ako sa building ng Volstinge's. Nakita ko narin ang ibang mga empleyado sa labas, halos kalapit nga lang din talaga ng shop namin yung building nila. Kaya pala nung nakaraan madali lang sa kanila pumunta doon.

Papasok na'ko sa building ng matanaw ko si Shine, yung ka-trabaho ni Erin na nakasama namin sa club. Hindi rin naging mahirap sa'kin para tawagin siya dahil napatingin din siya sa gawi ko. Agad itong lumapit sa'kin ng nakangiti. Morena at simple lang si Shine kumpara kay Erin na halata mo yung arte sa katawan kahit bruha.

"Hi Aerah!" Saganang bati nito.

"Uh hello!" bati ko rin.

"Uhm sakto ka ah? Gusto yan ni boss! Hindi nalelate, yung sakto lang  hahaha" biro nito kaya ngumiti nalang ako ng pilit bilang ganti. Masyado siyang mabait sa inaasahan ko. "Anyway, tara na sabay na tayo. Sa office ko!" sabay hatak nito sa braso ko kaya nagpatianod nalang ako.

MAKE MY HEART FLATTEREDWhere stories live. Discover now