"FANGULL" - isang storyang maaaring magmulat sa mga mata ng ilang kababaihang humahanga na hindi imposible ang isang bagay na mangyari, hanggat ninanais mo itong mangyari. At ang istoryang talaga namang makaka-relate ang bawat isa na babasa ng istoryang ito.
Sabi nga nila, "Libre lang ang mangarap". At wala namang masama kung mangangarap tayo, wala namang mawawala. Sasaya lang tayo sa kakapantasya.
Pero paano kung, isang araw ang pangarap mo na hindi mo inaakala ay mangyayari na ng tuluyan? Kakayanin kaya ng feels mo? O didilat ka at tatalikuran ang inaakala mong isang panaginip dahil ayaw mo ng makaranas pa ng sakit? Dahil baka sa bandang huli ay umasa ka lamang at gumising ng luhaan? Pakatunghayan.
BINABASA MO ANG
FANGULL [HE FINALLY NOTICED ME!!]
Teen FictionTotoo ba itong mga nakikita ko ngayon? "Jess paki-sampal nga ako" utos ko kay Jess habang tulalang nakatingin sa kanya. "ARAAAAAY!" sigaw ko dahil sa sakit ng sampal niya "sabi mo kasi sampalim kita" sabi ni Jess. "Teka, totoo nga. Hindi ako nanag...