"ANO BA HOOON!! AKIN NA YAN SABI EEHH!!"
"TEKA LANG KASI!!"
"ASDGJKLASSHDKDNDH!!"
Ingay na mula sa baba kaya naman tumayo ako mula sa pagkaka-higa ko sa kama ko at sinarado ko yung pinto sabay nilock pagkatapos bumalik ako sa kama sabay nilagay ko sa tenga ko yung earphone at nagpatutog ng kpop ng naka-full volume.
Nababanas lang kasi ako sa kanila ang ingay - ingay lagi nalang ganyan. Eh mukang naglalambingan lang naman yung tatay ko at stepmom ko.
Yes, you heard me right? Stepmom ko. Yung tunay kong nanay? Ayun ewan ko kung nasan na siya. 6 years old siguro ako nung naghiwalay sila ng papa ko. Bago ako mag-6 years old lagi ko nalang napapansin na walang araw silang hindi nag-aaway, mapa-umaga tanghali man o gabi.
Hanggang sa napagod na nga si mama nun at tuluyan na niya kaming iniwan gusto man kaming isama ni mama sa kanya ayaw naman pumayag ni papa kaya walang kaming nagawa. Tapos isang umaga pagka-gising ko nalaman ko nalang na wala na pala si mama.
Kaya nung umagang yun na nalaman kong wala na si mama iyak lang ako ng iyak. Hindi ako kumakain at nagkulong lang ako sa kwarto ko. Ilang araw pa ang lumipas, iyak pa din ako ng iyak dahil sa namimiss ko na siya. Gusto ko ulit siyang makita at mayakap.
Pero hanggang ngayon wala parin akong balita kay mama.
Galit ako sa stepmom ko dahil siya ang dahilan kung baket kami iniwan ni mama! Sobrang sakit pa dib hanggang ngayon! Dahil wala akong malay kung ano na ba ang nangyari sa kanya!Tatlong bagay/tao lang naman yung nakakapag-pangiti at nakakapag-pasaya sakin ngayon eh.
Una ang pagka-humaling ko sa KPOP.
Pangalawa ang mga kaibigan at bestfriend ko.
Pangatlo naman ay si kuya Nathaniel.Nung bumalik na ako sa realidad. Pinanood ko nalang yung mga videos ng UB Group ko na nasa cellphone ko.
Ang pangalan ng group nila ay Black Back na binubuo ng 6 na miyembre.
Si 'K' , ang leader at Lead vocalist ng grupo nila.
Si 'Hanz', ang kanilang Main Vocalist.
Si 'Jae' , ang kanilang Sub-Vocslist
Si 'Daekhyu' , ang kanilang Main Dancer
Si 'Hunsan' , ang kanilang Rapper
at syempre ang aking 'SKY' , ang kanilang Face of the group, Maknae at Main Rapper.
odiba? hohoho ang Sky ko, shet! hahaha! umaatake na naman ang aking pagka - Fangirl! <3
Nga pala etong BB (Black Back) ko ay nag-debut noong 2010 pa. Pero ewan ko ba kung baket Underrated sila eh. In fact, masasabi ko ng full package na sila.
Dahil magagaling silang sumayaw at kumanta at isa pa ang ga-gwapo kaya nila!Tsaka kaya naman labs na labs ko si Fafa Sky kasi fluent siya sa tegeleg, ehehehehe lende ke :'')
Alam niyo yung feeling tuwing nagtatagalog siya? Mala-Sandara Park lang siya magtagalog eh. Tapos kapag nagsalita siya in tagalog maiinlove ka talaga sa kanya :')
anubayan! yung feels ko nananaman! asdfghjklfghjklsdfghjk hahahahaha~
BASTA! I REALLY REALLY REALLY LAB FAFA SKY <3
Nawala lang ako sa pagpapantasya nung naramdaman kong nag-beep, kaya naman tinignan ko kung sino ang nag-text, yun pala si Jess lang.
BINABASA MO ANG
FANGULL [HE FINALLY NOTICED ME!!]
Teen FictionTotoo ba itong mga nakikita ko ngayon? "Jess paki-sampal nga ako" utos ko kay Jess habang tulalang nakatingin sa kanya. "ARAAAAAY!" sigaw ko dahil sa sakit ng sampal niya "sabi mo kasi sampalim kita" sabi ni Jess. "Teka, totoo nga. Hindi ako nanag...