Part 3: Chosen Gift

12 0 0
                                    

[errors ahead]

Naalimpungatan na ni Shanelle ang maliwanag na ilaw mula sa balkonahe ng kanyang silid. Ito ang ipinagtataka niya sapagkat ito ang unang araw sa kanyang talambuhay na mabuksan ang balkonahe.

Simula pa kasi bata ay di na ito pinabubuksan ng magulang sa kahit sinong katulong o kay yaya perta pa man. Sa kadahilanang ayaw masaktan si Shanelle, isang mababaw na rason at dagdag pa na allergic si Shanelle sa hanging natural at nanggagaling sa labas. Na ayon lamang sa kanyang mga magulang ngunit wala pang patunay subalit nananatiling mabuting bata si Shanelle at hindi sumuway sa magulang kaya di na siya lumalabas pa at hindi ilagay ang satili sa kapahamakan na pinaka iiwasan ng magulang.

Agad siyang bumaba sa sa kwarto upang tingnan kung anong meron at maraming kakaibang bagay ang nagaganap.

Nasilayan niya agad si Yaya Perta na nagluluto ng pancake sa kusina na dumagdag pa sa isipin niya na bakit andaming niluluto ng tagapangalaga. Walang paligoy ligoy niyang tinanong si Yaya Perta. "Yaya Perta, anong meron?", malumanay niyang pag uusisa. Tanging ngiti lamang ang bumalik na sagot sa kanya.

Maya maya pa'y masisiglang nagsibati ang magulang mula sa kwarto nila. "Surprise sweetie! ", na ikinalingon niya mula sa upuang nasa hapag.

Gulat na gulat si Shanelle sapagkat hindi karaniwan ang pag uwi ng magulang, sapagkat buwanan ang uwi ng magulang, dubalit wala pang tatlong linggo ang nakakaraan simula nang itoy bumalik sa trabaho.

" Mamoo, Pap--", di ko na naituloy ang aking babanggitin nang putulin ito ni papoo, "just eat baby...", kaya naman kumain nalang ako nang masaya at muling kumpleto ang aking pamilya.

"Siguro dahil magpapasko kaya naisipang umuwi nila mamoo at papoo", bulong ko sa isipan. 23 na kasi ngayon.

Nakikita ko sa di kalayuang sofa ay nag uusap sina Yaya Perta at sila mamoo at papoo. Ngunit maya maya pay tumayo si Yaya Perta at nagtungo kung nasaan ang mgq kasambahay. Hudyat naman ang tingin ni mamoo sa akin upang akoy lumapit. Lumapot ako at siya ring pagdating ng mga kasambahay at gwardiya ng mansion. Nagtataka ako subalit pinansarili ko na lamang ito. May anim na guwardiya ang nahuli na kita koy may dala dalang isang malaking kahon na kasing laki ko lamang ang dalwang guwardiya, samantalang ang apat ay dalang maraming regalo na tiyak kong para sa mga katulong at guwardiya.
---
Natapos ang pamimigay nila mamoo at papoo ng regalo sa kasambahay. Isang malaking kahon nalang ang natitira. Di ko tiyak kung regalo ba ito o isang appliance sa mansion.

Patuloy ako sa pagmumuni muni nang biglang tinawag ako nila mamoo at papoo, "Shanelle, anak, come here!", malugod na tawag nila sa akin na siyang bumasag sa pag mumuni muni ko.

"Shanelle, we hope you like it!", masiglang wika ni mamoo. Sinundan naman ito ni papoo, "Open it, darling.", turo niya sa malaking kahon. Nagulat ako subalit sobrang saya ko at di ko akalain na bibigyan pa rin ako nila ng regalo kahit halos araw araw may bagong regalo silang pinapadala sa akin.
---
Lumapit ako at sinimulang buksan ang regalo. Agad naman akong nabigla nang magsalita ito. "ano bang laman nito, at nagsasalita?" may gulong tanong sa isip ko. Umakyat ako sa sofa upang maayos kong mabuksan sa itaas ang kahon.

Nang makita ko ang isang tao ay agad akong nagulat. "waahhhhh! May tao!", sigaw ko sabay takbo kila mamoo. "Relax, honey, 'di siya tao, he's a robot-for you!", pagpapakalma sakin ni mamoo.

Nilapitan ko ito at agad inilabas sa kahon. Manghang mangha ako sapagkat tila siya ay osang tao talaga ngunit may baterya.
---
"Matagal naming pinag isipan anak kung ano ang ibibigay namin sayo, at sa wakas, napagisipan namin ng mabuti, that's our chosen gift for you, kami mismo ang bumuo, sana nagustuhan mo. ", ani papoo.

"Sobra po, sobra ko pong nagustuhan ito, best gift ever po, thankyou! Iloveyou both!", sabay akap ko sa kanila.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 27, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I FELL INLOVE WITH A ROBOTWhere stories live. Discover now