HIS POV

176 2 1
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, places and events are fictitious, unless otherwise stated.

All rights reserved. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, without the prior permission of the author.

Thank you for reading.

:)

***

Caleb Harvey Keswick POV

"Pre, bata mo," tapik sa akin ni Kyle at napatunghay naman ako mula sa pagmml at napako na naman ang tingin sa crush ko.

'Damn, baby...'

"Pre, putanginamo ayusin mo laro mo!" Sigaw ni Tristan pero agad na akong nagquit sa ml at tumayo sa hagdan para makasabay sa pagpasok si Kaylee sa room.

Dinig ko pa ang malulutong na mura nila dahil rank daw iyon at napakabobo ko daw para magquit.

'Wala e, kung papipiliin ako, ml man 'yan o ano, si Kaylee pa rin ang pipiliin ko.'

Hirap maging inlove. Shet.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako pinapansin nito dahil alam kong crush niya si Felix. Matagal ko ng alam dahil matagal ko na rin namang crush itong si Kaylee.

'Masyadong loyal amp. Sana sa akin rin.'

Nagkunwari akong nananakbo at nagmamadali para mabangga ko si Kaylee at mapansin niya ako.

"Aray!" Sigaw niya ng sadyain kong banggain ang balikat niya.

"Ayaw kasing titingin sa dinadaanan, ayan, ayan," pang-aasar ko pa.

"Eh bobo ka ata e! Alam mong ikaw 'tong nananakbo jan tapos ako babanggain mo!" Inis na sabi niya.

Napangiti naman ako sa loob ko dahil sa pagpansin nito. Dati kasi ay dedma lang. Ngayon naman, naninigaw na siya HAHAHAHAHAHA! Nag-iimprove na ako, shet.

"Anong binangga? May pruweba ka? Ikaw 'tong haharang harang sa dinadaanan ko e," sabi ko at nilayasan na siya kunwari at nagpunta sa upuan ko.

"Hoy, tanga ka ba? Ako pa may kasalanan e ikaw 'tong nangbunggo sa akin!" Habol niya pa at talagang sinundan niya pa ako sa upuan ko para masabi niya iyon.

'Gan'yan nga baby...'

:)

"Anong gusto mong sabihin ko?" Maangmaangan na tanong ko at uminom kunwari ng tubig dahil naghuhurumentado na ang puso ko.

"At talagang ako pa ang tatanungin mo n'yan e 'no? Hindi ka marunong magsorry? Ako pa sisisihin mo?!"

"Huy, Kaylee, tama na 'yan, 'wag mo na kasing pansinin," biglang sabat ni Xia na kaibigan niya.

'Gago ampota, panira.'

"Tch," Irap ni Kaylee at umalis na sa harap ko.

Nadilaan ko pa ang loob ng bibig ko dahil sa inis.

'Next time nalang ulit, baby.'

"Gago ka, Caleb! Ba't ka nagquit na hayop ka?! Tingnan mo! Nabawasan na naman ng points, inamo!" Pag-upo ni Peter sa tabi ko.

Hindi ko siya pinansin at nanatiling nandoon lang ang tingin ko kay Kaylee. Nakatingin na naman siya sa crush niyang si Felix na nagpatiim sa bagang ko.

'Kung sana'y sa akin ka nalang gan'yan, titingnan pa kita pabalik.'

:(

Inis akong tumayo at umalis ng upuan ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 15, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HIS POV (One Shot)Where stories live. Discover now