"Pssssssssssst"
Isang tinig na tumawag ng aking pansin habang ako'y naglalakad papuntang ilog. Tuwing weekend kasi pumupunta ako sa ilog para tignan ang magandang tanawin at para na din makapgpahinga.
"Hoy! Eireen! Pansinin mo naman ako!"
Sigaw ng taong papalapit sa harap ko. Tinaas ko ang aking kanang kamay at idinikit sa may bandang kilay para mas makita ko kung sino 'yung tumatawag sa akin. Makalipas ang ilang segundo naaninag ko na kung sino, si James, isa sa mga kaibigan ko sa Domingo High, ang school kung saan kami nag-aaral.
"Uy! James, kumusta? Saan ka galing?"
Tanong ko sa kanya. Basang-basa siya ng pawis at medyo madungis ang kanyang mukha. Nag-jogging nanaman siguro to.
"Eto, tumakbo-takbo sandali tapos tumambay sa may ilog. Ikaw, saan ka pupunta?"
Tanong niya habang nagkakamot ng ulo. Gwapo sana to si James kaso medyo lalamya-lamya.
"Magpapahinga lang sa tabing ilog!"
Sagot ko. Mukhang kating-kati siya dahil kanina pa siya kamot ng kamot ng katawan. Saan nanaman kaya nag susuksok itong taong ito.
"Gusto mo samahan mo ako? Saglit lang tayo dun!"
Pag-anyaya ko sa kanya.
"ah eh... pasen-sya ka na ah, gusto ko na kasing maligo eh. Pwede next time nalang?"
Saan ba galing ang taong ito at ang gulo ng buhok, ang dungis ng mukha tapos kating-kati pa siya.
"Hmmmmf... Sige na! maligo ka na, ang baho baho mo na oh!"
Pabiro kong sabi sa kanya na kunwari ay naiinis.
"Anong mabaho? Kahit ganto ako mabango pa din ako. Gusto mo amuyin mo pa singit ko eh!"
May pagkamanyak talaga si tanga.
"Sige na, alis na ako!"
Sabi ko sa kanya.
"Mag-iingat ka ah! Madaming cobrang nanunuklaw sa paligid."
Sabi niya ng may nakakalokong ngiti sabay kindat. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Ang ganda talaga ng mga tanawin dito sa probinsya nakakagaan ng loob. Pag dating ko sa may ilog, umupo ako sa malalaking bato na kadalasang pinagtatambayan ng mga naliligo.
Tahimik ang lugar, wala ng tao kasi palubog na ang araw. Dito kasi sa probinsya, 5:00 pa lang ng hapon uunti na lang ang makikita mong gagala-gala. Kalmado ang napakalinaw na tubig. Kitang-kita mo ang mga bato sa ilalim. May pailan-ilan kang makikitang maliliit na isda at hipong ilog. Sa paligid ay napakadaming puno at mga matataas na damo. Napakaganda ng tanawin, para kang nasa-isang paraiso kung saan malilimutan mo lahat ng problema mo.
"Ugggggggggghhhhhhhh"
Isang tinig na bumasag sa katahimikan. Bigla akong napalingon at tumayo lahat ng balahibo ko. Napatingin ako sa aking relo, 5:30 na! Malapit ng mag-ala sais. Isa sa kwento-kwento dito sa aming barangay na sa tuwing sasapit ang 6:00 ng gabi ay nagsisilabasan ang mga mababangis na hayop at mga kakaibang nilalang. Kinakabahan ako bigla.
"Ksksksksksksksks"
Tunog na nagmula sa pag-galaw ng mga talahib. Shet, baka asong lobo na to.
"Ugggggggghhhh sheeeeeettt!"
"Ohhhhhhhhhhhhhhhhh Kristinneeee aaanggg saraaap moooo!"
Isang nakakagulat na boses ng isang lalake na galing sa mga matataas na damo. Titignan ko ba o hindi?
"Oo?"
YOU ARE READING
Talahiban
Teen FictionSabado na naman! Nakaugalian na ni Eireen na tumambay sa tabing ilog. Habang nakaupo sa malalaking tipak na bato bigla siyang may narinig na kaluskos mula sa katabing talahiban. Nagulat siya ng makita kung ano ang meron dito. Ano kaya ang nakita ni...