"Xian! Bilisan mo naman."
Alas singko ng umaga na at magjo-jogging kami ngayon ng kapatid kong si Xian. Nakatira kami malapit sa bundok at pupunta muna kami ng plaza ngayon para doon mag simula.
Nasa bakuran na ako ng aming bahay at nag hihintay na lang, tumayo na ako sa aming duyan at lumabas na ng gate.
Lumabas na rin ang aking may katabaang kapatid, at medyo busangot ang mukha kasama ang aming asong si Max, tumakbo si Max patungo sa akin at hinawakan ko ang kaniyang tali. Nag hintay pa muli akong mag sintas ng sapatos si Xian. Nang matapos ay kinuha na niya si Max at nauna na silang maglakad.
Tahimik pa ang paligid at hindi pa sumisikat ang araw, may ilang kapitbahay akong nakikita na nag jojoging din. Pagkarating sa plaza ay nag simula na kaming mag warm up, nilibot namin ang buong lugar at nag simula ng tumakbo. Nadaanan namin ang basketball court, tinawag ako ng isang kaibigan na nag lalaro at kinawayan ko lamang habang patuloy na tumatakbo.
Lakad-takbo kami paakyat at nadaanan ang bahay, sa may burol lamang kami pupunta at may malapad at sementado rin na daan duon na pwede mag jogging.
Huminto muna kami ng malapit na, umupo si Xian sa isang malaking bato at ininom ang dalang tubig. Kinuha ko ang tali ni Max at hinimas ang balahibo nito, hinayaan ko muna siya sa may gilid.
"Halika na ate." tumayo na si Xian, tinawag ko si Max at nag patuloy na kami paakyat.
Unti-unti nang sumisikat ang araw, mas dama narin ang lamig ng hangin dito sa may burol. Ng nasa malapad na daan na kami ay nag simula na ulit akong mag jogging, nilingon ko ang kapatid, nakasunod na si Xian sa amin ni Max ngayon.
"Pia!"
Agad na nakalapit ang malapit kong kaibigan na si Levi, sinalubong ko siya at tumigil na rin ako sa pag takbo.
"Nag jogging ka rin pala, sabay sana tayo." panimula ko.
"Pinuntahan ako nina Arthur, ayon oh!" hinimas niya si Max at sabay turo sa mga kaklase namin nuon, nag tutulakan sila at tumatawa parang pinagtutulungan nila si Samuel.
"Hahaha anong ginagawa nila, kawawa naman si Samuel oh."
"Eh pano kasi si Samuel napahiya kay Cali.." at kinuwento na ni Levi kung paano napahiya si Samuel sa aming kaklase at long-time crush niyang si Cali.
Kahit naaawa rin ako sa kanya ay hindi ko mapigilang matawa, nag confess ba naman sa cellphone habang lasing kasi raw baka mahuli na ang lahat dahil mukhang magkakabalikan na si Cali at dati nitong nobyo.
Tumatawa parin kami ng tumahol si Max. Lumapit na pali si Xian at kinuha ang tali, hinila niya si Max .
"Oh Xian."
"Kuya Levi, laro tayo mamaya mag online ka"
"Matatalo mo na naman ako, pero sige na nga at ngayon hindi na kita pagbibigyan."
"Galingan mo kasi, ate mauna na kami doon."
"Teka sabay na tayo."
Pero tumakbo na sila ni Max. Pasimpleng umubo si Levi at agad akong napatingin sa kanya.
"Bakit?"
Tinignan niya ang likod ko. Dahan-dahan kong nilingon ang tinutukoy niya, at pigil hiningang iniwas din ang tingin.
Suot ang earphones ay nag jojogging din paakyat si Jaxon. Malawak ang daanan pero parang gusto kong tumabi kami dahil mukha siyang babangga ng sinuman sa talim ng kaniyang tingin at mas seryosong mukha.
Nilagpasan niya lamang kami.
Inipit ko ang mga labi habang sunusundan siya ng tingin, hinarap ko si Levi pero hinila na siya ni Samuel.
Nagkibit lamang siya ng balikat habang hinihila siya patakbo si Samuel.
"Mauna na kami Pia, mag babasketball pa kami eh." paalam ni Arthur.
Tinawag ko si Levi pero naka layo na sila.
Nagpakawala ako ng malalim na hininga at nag simula ng sundan ang kapatid, medyo nawala ang aking kaba ng matanaw ko si Xian na nilalaro si Max.
Pinuntahan ko sina Xian at Max at nilibot ang paningin sa buong tanawin.
Nilipat ko ang tingin kay Jaxon na natalikod at nakapamaywang habang tinatanaw ang ibaba.
Unti-unti ko ring hinakbang ang mga paa papalapit sa dulo ng burol kung saan tanaw ang kabuuan ng baryo, at kung saan nakatayo si Jaxon.
Pinagmamasdan ko ang kaniyang likuran habang lumalapit, napanguso ako at huminto malapit sa kaniya.
Binalingan ko ang tanawin sa harapan. Tanaw ang mga kabahayan sa ibaba, sa bandang kaliwa makikita ang plaza at malalaking kahoy ng Acacia na nakapalibot dito, ang simabahan malapit sa plaza, ang bubong ng basketball court. May ilang sasakyan at mga tao sa mga daan. Pagkatapos ng mga istruktura ay matatanaw naman ang dagat at mga barkong may mga karga patungo sa daungan ng pabrika ng pinya na siya ring pinakamalaki sa buong bansa.
Tinitigan ko ang dagat ng ilang sandali at pinikit ang mga mata, dinadama ang lamig ng paligid.
Unti-unti ko ring dinilat ang mga mata at mas maliwanag na ngayon ang paligid, inilipat ko ang tingin sa silangan at tinanaw ang kakahuyang pinapasukan na ng sinag ng araw.
Pasimple kong sinipat si Jaxon at pinagmasdan ang kaniyang mukha, magkasalubong ang kilay at medyo nakaawang ang bibig, malalim ang kaniyang bawat hinga. Napanguso muli ako, pinaglalaruan na lamang ang damuhan at medyo sinipa-sipa ito.
Napabalik ako ng tingin sa kaniya nang umupo siya mula sa kinatatayuan.
Pinagmasdan ko siyang pumitas ng damo at pinupunit ito. Nakatuko ang siko sa kaniyang tuhod, at malalim parin ang hininga. Hindi ko maiwasang pagmasdan ang pag taas-baba ng kaniyang balikat at dibdib.
Nag lakad ako ng mas malapit sa kaniya at umupo, tinignan ko siya at hinahaplos ang aking puso sa nakikita. Pero sa halip na maawa sa kaniyang maamong mukha na ngayon ay tila malungkot at naiinis, inipit ko muli ang aking mga labi para pigilan ang nagbabadyang ngiti.
Ngunit hindi ko na mapigilan, napangisi na talaga ako at inilipat na lamang ang mukha sa kabilang direksyon.
Pagtingin ko sa kaniya pabalik ay nakaharap na siya sa akin at medyo malapit na, siguro mga dalawang metro nalang ang layo nami sa isa't-isa. Nang makita ko ang lalim ng kaniyang tingin sa akin ay bigla namang naging seryoso ang aking mukha.
His eyebrows shot up. Tinagilid niya ang kaniyang ulo, at kitang-kita ko kung paano umigting ng kaniyang panga.
I raised an eyebrow at maarte siyang binalingan.
Ang OA naman nito, kanina pa ako nandito pero hindi ako kinakausap.
Muli siyang humarap sa akin at tinignan ako, hindi naman ako nag patinag at tinitigan siya pabalik.
Nilipat niya ang tingin mula sa mukha ko, patungo sa buhok ko, at ng bumaba sa aking leeg ay agad akong gumalaw at napatingin na rin, kita ang collarbone ko dahil medyo bukas na ang zipper ng jacket ko.
Agad niyang binalik ang titig sa akin.
"So hindi mo talaga ako kakausapin?"
tumikhim ako at nag salita na, dahil nilalamig na ang loob ng tiyan ko.
Hindi niya ako sinagot, at nakatitig lang. Mas napanguso na ako ngayon. Napatitig narin siya sa aking mga labi. Umiwas ako at tumayo na lamang.
Napaangat siya ng tingin sa akin at may naaninag akong multo ng ngiti sa kaniyang mga labi.
" Ihahatid ko na kayo. "
Nilingon ko siya at hindi na umangal.
Author's Note: I just wrote this for about four freaking hours 😱😳 started at around 6am when I woke up and wanted to jog, but instead these thoughts began running haha