Chapter 3

10 1 0
                                    

Kris' POV

Awarding na. Anung year kaya ang may pinakadaming award? Sino kaya ang mag oover-all champion?

Sa sobrang pag iisip ko. Di ko namalayan na wala pala sa tabi ko si Liam.

"Hmp asan kaya siya? Di man lang nagpaalam na aalis eh. Wala tuloy akong kasama ngayon" sabi ko sa sarili ko.

"GoodEve Madlang Pipol! This is it! Sino kayang magchachampion ngayon? But before anything else, may intermission number muna tayo! Ai kagwapo naman talaga neto.:)"

sabi ng baklang emcee.

      Hay nako wala akong pakialam kung gano pa siya kagwapo. Basta sakin, si Liam  lang ang gwapo. Hahaha          

Sa sobrang pag iisip ko kay Liam at kung san siya napadpad, nagulat nalang ako dun sa taong nakanta sa stage.          

Liam's POV        

Eto na! It's now or never. Sana di ako pumalpak.          

Pagtawag saken ng emcee, umakyat na ko sa stage. Daming tao. Kinakabahan ako pero bahala na. Eto na yun eh.        

"GoodEve po sa lahat" paumpisa kong bati.    

  "Ahm bago ako kumanta, dinededicate ko to sa taong mahal ko. Sana di siya magalit dahil bigla ko nalang siyang iniwan sa pwesto niya ngayon. Pero, Kris Carandang. Sana makinig ka" sabay sigawan ng mga tao.        

nOw playing: Beautiful in my eyes   http://www.youtube.com/watch?v=i8lR_sYTSlA      

  Kris' POV      

Di ko ineexpect na magaling siyang kumanta. Grabe kinikilig ako.      

And wait, anung sabi niya? Para sa mahal niya? Ako ba yun? Di ako makapaniwala. Pero ang saya sa feeling. :)          

Bumaba siya sa stage habang nakanta. Lumapit siya saken sabay  sabing,          

"Mahal kita Kris, matagal na. Natotorpe ako sayo kasi baka ireject mo ako, pero kanina, sabi ko, eto na, it's now or never. Aamin na ko. Di ko na inisip yung mga sunod na mangyayari basta ang mahalaga, maamin ko na sayo ang nararamdaman ko" mahaba niyang sabi.        

Grabe na speechless ako sa sobrang kilig at saya. Yung mga taong nasa paligid namen, humihiyaw at sumisigaw.        

"Wag kang mag alala, the feeling is mutual. Sobrang saya ko kasi parehas tayo ng nararamdaman. Di kita irereject kasi sa una palang, gusto na kita" sabi ko sa kanya sabay ngiti. :)      

Bigla niya akong niyakap at sinabing,      

"Promise ko sayo, ikaw lang at wala ng iba"      

Narinig ko nalang yung mga tao sa paligid na sumisigaw. Yung iba kinikilig pa.      

Ang sarap sa feeling ng inlove. :) Sana di na matapos to. Hehe        

-------------------------

Now or NeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon