ii.

100 11 27
                                    

"Hell no!" Sigaw ko dahil sa sinabi niya, "Hindi ako papayag na--"

"Well, you don't have a choice, princess. As you've said, I am your boss. You owe me, big time. You can't go against my orders. Unless... you want to get fired on your first night." Banta niya bago ngumisi ng mala-demonyo.

Napapikit ako ng mariin nang uminit ang gilid ng mga mata ko.

Fuck. Naisip ko ang pamilya ko at kaagad akong napaluha kaya tumalikod na ako sa kanya. Nalaglag ang luhang pinipigilan ko na kaagad kong pinunasan.

I can't lose this job. Not yet. Hindi pwede.

I gritted my teeth in annoyance, wiped my stupid tears again and swallowed my pride, "Fine!" Nanginig ang boses ko, "Sana maging masaya ka!" Ani ko bago walang-lingon likod na tumakbo palabas ng opisina niya.

Humihikbi kong pinindot ng sunud-sunod ang pababang arrow ng elevator at kaagad naman 'yong bumukas. Pinindot ko na ang button kung nasaan ang entrance ng papuntang barko. Mabilis naman akong nakarating.

Huminga ako ng malalim bago lumabas ng elevator. Pumunta muna ako sa banyo para mag-ayos ng kaunti. Inayos ko ang buhok ko at damit pati ang mukha ko bago tuluyang pumunta sa barko.

Nakakasilaw talaga 'tong mga barkong 'to! Parang umaga pa rin kahit gabing-gabi na!

"Uy! Erin!" Tawag kaagad sa akin ni Leslie nang makita ako. Palabas na sana siya sa hall nang makita niya ako. Kaagad kong napansin ang maliit na name tag sa kaliwang dibdib niya. Napansin niya yata ang titig ko roon kaya nagsalita siya, "Dahil official workers na raw tayo ng resort, kailangan raw natin ng ganitong name tag. Na kay Naia 'yung sayo." Aniya bago ngumiti at nagpaalam nang lalabas.

Huminga ulit ako ng malalim at hahanapin na sana si Naia nang sumungaw ang ulo niya sa pintuan, "Oy, bruhildang Chaerin! Anong nangyari?" Tanong niya bago tuluyang pumasok.

I gritted my teeth in annoyance, "'Yung boss niyong gago!" Iritado kong utas, naiiyak ulit, "Ni-hire niya ako bilang personal assistant!" Naiiyak kong utas.

Napakurap-kurap si Naia sa sinabi ko pero napa-irit rin na para bang kilig na kilig siya, "O? Tapos? Anong sinabi mo? Pumayag ka? Putangina! Sabihin mong pumayag ka!" Excited at sunud-sunod niyang tanong.

Napapikit ako, "Wala akong choice! Tinakot niya akong tatanggalin sa trabaho kapag hindi ako pumayag na maging personal assistant niya!" Nanghihinang utas ko.

Kumunot ang noo niya sa pagtatakha, "Eh, bakit pa kang binagsakan ng langit at lupa? Anong masama sa pagiging personal assistant? Ang swerte mo nga eh at--

"Sa bahay niya ako titira!" Sigaw ko bago tuluyang naiyak sa sobrang inis!

Nilingon ko ang natahimik na si Naia. Laglag ang panga niya habang nanlalaki ang mga mata, halos di kumukurap, "A-ano!? Sa b-bahay niya!? B-bakit daw!?"

Umiling-iling na lang ako, "Ewan ko! Hindi ko na tinanong! Bwisit siya! Gago siya!" Iritadong-iritadong utas ko bago pinalis ang mga luha ko, "Tara na nga! Akin na 'yung name tag ko!" Iritado kong utas. Binigay naman kaagad ni Naia 'yung name tag ko. Nilabas niya 'yon sa bulsa niya at siya na mismo ang naglagay. Binigyan niya rin ako ng apron at isang maliit na notepad at ballpen.

"Chaerin," tawag ni Naia sa akin, "B-baka pwedeng pakiusapan si Sir Bari. Baka p-pwede kang tumanggi--"

Umiling ako, "Matatanggal ako sa trabaho at ayaw kong mangyari 'yon, Naia. Hindi pwede. Magtitiis ako para sa pamilya ko at para sa pag-aaral ko." Ani ko habang nagaayos ng buhok, "Hayaan mo na. Titiisin ko na lang. Siguro naman hindi lang kaming dalawa ang nasa bahay ng demonyong 'yun, diba? May mga kasambahay naman siguro 'yan sa sobrang laki ng bahay niya." Pag-alu ko na lang sa sarili ko.

DIEZ VALERO BROTHERS SERIES I: BariTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon