Chapter 1 : Introduction
The Falling Game
Heira's"Ate Heiraaa!" hiyaw ni Ashnie habang kinakalabog ang pintuan ng aking silid.
Agad hinanap ng aking mata ang orasan na nakapatong sa lamesang hindi kalayuan sa aking kama. Takte! Ala-sais pa lamang ng umaga.
"Ate Heiraaa!" anas niya habang papalakas ng papalakas ang pagkabog sa aking pintuan.
Tamad naman akong tumayo at walang ganang pinagbuksan siya ng pinto. Hindi titigil yan hangga't hindi niya nakukuha ang kailangan niya sa akin. She is my cousin slash friend.
"Anong kailangan mo?" bungad ko sa kanya pagkabukas ng pinto.
"Gusto mo sumama?" tanong niya sabay hawi sakin at walang pakundangang pumasok sa kwarto ko.
"Saan naman tayo pupunta ng ganito kaaga mamzer? Aber!" anas ko sabay pameywang sa harap niya
"Bisita tayo kila Lola Chayong. Holiday break naman ngayon eh!" wika niya habang niyuyugyog pa ako.
Oo nga no! Matagal na rin ang huli naming bisita kay Lola. Apat na oras kase ang byahe patungo sa bahay ni Lola kaya bibihira lang kami makadalaw.
"Hindi naman ako papayagan ni Mama."
Sigurado akong hindi sasama si Mama kase busy sila ngayon ni Papa sa tinatayo nilang maliit na business. Hindi naman nila ako papasamahin ng mag-isa.
"Hindi kami papayag na hindi ka kasama kaya mag-ayos ka na ng gamit." Ashnie.
"Oo! Pagbalik natin dito, wala na akong uuwiang bahay." natatawang tugon ko. Tiyak! Papalayasin ako dito!
"We got your back!" anas niya sabay kindat pa saken.
Gaya nga ng sabi ko. Hindi ako titigilan nito hangga't hindi niya nakukuha ang kailangan niya sakin. Sana naman mapilit nila si Mama na pasamahin ako.
"Ilang araw tayo dun?" tanong ko sa kanya.
"Pwede na siguro one or two weeks." aniya sabay pabagsak na humiga sa kama ko.
"Mag-iimpake lang ako at maliligo na den."
"Dito na lang ako maghihintay ah! Inaantok pa 'ko eh!" anas niya bago pumikit at nagtalukbong ng kumot.
Agad naman akong nagtungo sa banyo upang maligo at mag-ayos ng sarili. Nagsuot lang ako ng black sando at denim short shorts. Inayos ko na rin yung mga damit na aking dadalhin sa bahay nila Lola.
By the way, bago ko makalimutan. Ako nga pala si Heira Krystal Santillan. Pangalan pa lang, tunog mayaman na. Hoowell, hanggang tunog lang! Isa lang kaming simpleng mamamayang nananahan sa Bario Pyesta.
Ginising ko na si Ashnie at sabay kaming nagtungo sa sala. Naabutan ko si Mama na naghahain sa hapag. Naroon din sila Hershey at Shakira, mga pinsan ko rin. Madami kaming magpipinsan pero masasabi ko na kaming apat ang pinaka-magkaka-close sa lahat. Siguro dahil sa hindi naman kalayuan ang age gap namin.
Bale; Hershey-Ako-Shakira-Ashnie
Mas matanda saken si Hershey ng one year at mas matanda naman ako kila Shakira at Ashnie ng one year. Siguro dahil dun kaya nagkakasundo kami sa mga bagay bagay.
"Napapayag na namin si Tita." wika ni Hershey.
"Mag-agahan muna kayo bago kayo umalis. Mahaba habang byahe yun." wika ni Mama habang naglalagay ng mga ulam sa hapag.
"Buti at pumayag ka Ma!" natatawa kong wika.
Bibihira niya lang kase ako payagang umalis ng hindi siya kasama.
"Ayaw ko nga sana eh, kaso mapilit talaga si Hershey." Mama.
"Minsan lang naman po kase." anas ni Shakira sabay nauna na sa pagsandok ng pagkain.
"Hinay hinay lang Kira ah! Tawagin ko lang sila Keizel sa kwarto." wika ni Mama bago umalis sa hapag.
Bago ko din makalimutan, may dalawa nga pala akong kapatid. Si Keizel at Kendy. Ako ang panganay sa aming magkakapatid. Hindi kami pinalad magkaroon ng kapatid na lalaki pero ayos lang!
Tres Marias!
"Sinabi mo na ba kay Heira yung tunay nating pakay doon?" Hershey.
Tunay na pakay? Mukhang walang nasabi saking ganon ah! Akala ko bibisitahin lang namin si Lola Chayong ng mga one to two weeks! Mga loko talaga 'to!
"Huh!?"
"May pupuntahan tayong party malapit sa bahay nila Lola. Huwag kang mag-alala may dala na kaming damit na pwede mong isuot dun." Ashnie.
"Ewan ko ba jan sa dalawang yan! Bakit kailangan pa natin pumunta ng party na yun, eh sa bahay lang ni Lola madami ng pagkain." Shakira
"Hoy baka may inom inom jan ah!" anas ko.
Hindi kase ako nainom ng mga inuming may alcohol, kahit sabihin mong kakaunti lang ang alcohol na nakahalo doon. Ayokong tumikim at wala akong balak tikman.
"Pwede namang hindi ka uminom dun. For sure, may juice doon para sa mga non-alcoholic drinker kagaya niyo." wika ni Ashnie sabay irap.
Alam niyo! Mas matanda pa kami ni Hershey kay Ashnie pero mas maalam siya sa mga ganitong bagay. Babaitang 'to talaga!
"Siguraduhin mo lang!"
Nagsandok na ako ng kakaonting kanin. Ayaw kong kumain ng madami at baka isuka ko sa byahe. Hindi pa naman ako sanay bumyahe ng malayo.
"Diet ka?" tanong ni Shakira.
"Huwag kang panggap Heira Krystal! Hindi ka na papayat!" Hershey.
Hindi naman ako masyadong mataba. Medyo malaman lang. Sobrado kaseng lakas ko kumain.
"Ayoko lang magsuka sa byahe! Babawi ako pagdating natin sa bahay nila Lola." anas ko na ikinatawa nila.
"Basta pagkain talaga, hindi kayo papahuli ni Kira!" natatawang wika ni Ashnie.
"PUPUNTA KAYO KILA LOLA!" sabay sabay naman kaming nagulat sa pagsulpot ni Keizel sa hapag.
"Oo! Bakit?" Ashnie.
"Pinayagan ka ni Mama?" gulat na tanong niya sakin.
"Oum!" tugon ko habang abala sa pagkain.
"P-pano?" nakakatuwa yung mukha niya, jusmiyo!
"MA! SAMA AKO KILA ATE!" hiyaw niya kaya agad may lumipad na kung ano at tumama sa kanya.
"Ang ingay mo! Natutulog pa Papa niyo sa kwarto!" Mama.
"Pinayagan mo si Ate?" nagtataka niya paring tanong. Hindi makapaniwala ampts!
"Ang dami mong daldal! Kumain ka na nga jan!" tugon ni Mama sabay tulak sa kanya papaupo. Pigil tawa naman kaming apat sa mukha niya.
Mabilis naman kaming natapos kumain kaya napagpasyahan na naming umalis. Tumayo na ako at nagpaalam kay Mama. Nagmaktol pa si Keizel kung baket hindi siya pinayagan.
"Babyeeee!" pang-aasar ko pa bago sumakay sa van na aming sasakyan papunta sa bahay nila Lola.
"ATEEEEEEEEEEE!"
Written by; Kissnotkisses