Chapter 3 : Tint Girl
The Falling Game
Heira's"Anong katangahan yan!? Hindi kase tumitingin sa dinaraanan eh!" wika ng isang babaeng biglang sumulpot sa harap namin.
"Excuse me!" mataray na wika ni Ashnie bago tumayo at hinarap ang babae.
"Ako ba ang nakalaglag ng lip tint na yan? Sino ba kaseng tanga ang magli-lip tint sa side walk? Aber!" dagdag pa ni Ashnie habang matalim na nakatingin sa babae.
Sabay sabay naman kaming napabuntong hininga. Hindi pala dugo ang likidong iyon, kundi liptint ng chakang ito.
"Kung hindi mo tinapakan, hindi mababasag!" sigaw ng babae.
"Kung hindi mo nalaglag, hindi matatapakan!" Ashnie.
"Anong gusto mong sabihin? Kasalanan ko pa kung bakit nabasag yung LIP TINT KO!" pagdidiinan niya pa sa mga huling salita.
"Hindi naman yun ang gusto kong sabihin pero obviously, YUNG ANG TOTOO!" wika ni Ashnie na pinagdiinan din ang mga huling salita.
"Tama na yan!" pag awat ni Shakira sa kanila.
"Magkano ba yung lip tint mo na yun?" mahinahong tanong ko.
"Bakit? Babayaran mo?" nagtatakang tanong ni Hershey.
"Huwag mong bayaran! Hindi naman kasalanan ni Ash kung baket nabasag yung tint ng babaeng yan eh!" dagdag pa nito.
"Ang sabihin niyo sa'min, wala kayong pangbayad!" sabat ng isa sa mga alipores ni Tint Girl na medyo nangangamoy na. Ngumiti naman ako sa kanila.
"Oo nga!" pagsang-ayon pa ng chakarat na 'to.
"Mag.ka.no?" madiin kong tanong.
"Isang daan!" mabilis na tugon niya.
"Isang daan?" nagtatakang tanong nila Ashnie at Hershey.
"Oo! Ano? Gulat na gulat!?" wika ng isa pang alipores ni Tint Girl na may kahabaan ang baba.
"Halata naman sa kanila na wala sila ng ganoong kalaking halaga! Ahahaha!" tawa pa si chakarat.
Bumunot naman ako ng dalawang daan sa aking bulsa. Pinakatitigan ko muna ito bago isinampal sa pagmumukha niya. Sino siya sa tingin niya para maliitin kaming mag-pipinsan!
"Oh! Bili ka dalawa!" anas ko bago sila lampasan.
Sumunod naman agad sila sa akin ang tatlo. Hindi pa kami nakakalayo ng bigla silang nilingon ni Ashnie.
"By the way, mukha kayong paa na tinubuan ng mukha. BYEEE!" litanya niya bago natatawang tumuloy sa paglakad.
Bumulalas naman kaming tatlo sa pagkakatawa. Ahahahaha! Langya! Asahan mo, may kantiin kang isa sa amin. Lahat kami kaaway mo! Kung nakakamatay man ang panlalait, condolence na lang.
"Myghaad! Kinang ina nun! Nabahidan ng worth one hundred pesos na lip tint niya ang gucci kong short!" urat na wika ni Ashnie.
"Nagulat pa nga daw tayo sa presyo ng tint niya." natatawang wika ni Shakira.
"Jusmiyo! Sayang yung two hundred ko!"
"Dzuuuh! Two hundred lang yun!" wika ni Ashnie sabay irap sakin.
"Tanga! Pamalengke ni Lola yun!"