Longest Night

17 6 3
                                    


Warning: Matured Content

Isang hampas ng napakalamig na hangin ang tumama sa aking mukha, at sinasabayan ito ng nililipad kong mga buhok na tila may sariling buhay na sumasayaw kasabay ng hangin.

Andito ako ngayon sa lugar na parati naming pinupuntahan kapag may problema ang isa sa amin. Andito ako. Oo, kahit wala siya, umaasa na sa sandaling ito ay muli ko siyang makikita.

[F l a s h b a c k]

"Hayaan mo na siya Andrea, kung iniwan ka niya edi kawalan na niya yun, move on teh! At kapag bumalik pa yun sayo at tinanggap mo nako ewan ko na lang kung makikinig pa ko sa kadramahan mo sa buhay!", nangangaral na wika niya.

Siya si Marlene, matalik kong kaibigan.
Narito kami ngayon sa malaking tulay na parati naming pinupuntahan kapag may problema, at heto ako, ako ang dahilan kaya andito kami ngayon. Nasaktan na naman ako, paulit-ulit na lang.

"Salamat Marlina ha, parati kang andyan para saken, hays sana wag ng maulit 'to", at kasabay nito ay niyakap ko siya. 

"Ano ka ba Andeng, matitiis ba kita? eh anlakas mo sa---"

Hinihimas niya lang ang likod ko para pakalmahin ako nang bigla siyang tumigil. Nagtataka akong kumalas sa pagkakayakap niya pero tulala pa rin siya, 

at paglingon ko sa likod ko---paglingon ko, m-m-m-a-ay mga lalaking nagmamasid samin, suot ang kanilang nakakaloko at nakakatakot na ngisi.

Itinago niya ako agad sa likuran niya at sinabing wag akong matakot. Palapit sila ng palapit. Hakbang naman kami ng hakbang paurong. Subalit nang sandaling wala ng uurungan, don na mas lalong nanginig ang mga binti ko.

Takot na takot ako at kinakabahan, alam kong ganon rin si Marlene pero nanlaban siya, hanggang sa hampasin siya ng baril sa ulo at kaladkarin palayo saken. Hindi nagtagal ay walang habas akong binuhat ng walanghiyang lalaki...

at doon, sa ibabang bahagi ng tulay, 
nakita ko siyang nakaratay, hinuhubaran ng isang lalaki habang ang dalawa pa ay nakabantay sa magkabilang gilid niya, walang malay siyang nilapastangan at pinagpasa-pasahan--h­indi ko siya magawang tingnan, hindi ko maatim na makita siya sa ganong kalagayan. 

'Sorry Marlene, kasalanan ko'

Walang humpay ang pag-agos ng luha ko nang maramdaman ko ang mahigpit na pagkakahawak sa aking braso, pilit nila akong kinaladkad at nakaupong iginapos sa puno, pinag-igi ang mga kababuyan nila!

Isinubo nila ang baril sa bunganga ko at inilabas masok ito sa aking bibig.

Hindi ko maatim, binaboy nila ako. 
Pinaso ng sigarilyo, sinunog ang aking buhok.

Kagaya ng ginawa nila kay Marlene, nilapastangan din ako, puro impit na pag iyak lang ang maririnig mula sa'kin habang nakadagan sa'kin ang isa sa kanila, mayamaya pa'y magpapalitan sila, halinhinan.

Wala akong magawaaaa, dahil kahit sumigaw ako, alam kong walang makaririnig.

Hindi ko na alam ang nangyayari, basta paulit ulit lang silang nagpipiyesta, mga hayop!

Nabalik ako sa ulirat nang maramdaman ko ang malamig na bunganga ng baril sa sintido ko...
mariin kong ipinikit ang aking mga mata, at ngayo'y nakarinig ako ng putok ng baril.

Subalit...

wala akong maramdamang sakit, at nang magmulat ako ng mata, nakita ko ang isang lalaki na nakahandusay sa aking harapan. At si Marlene ay may hawak ng baril sa kanyang kaliwang kamay, dahil pansin ko ang kawalang buhay ng kanang braso niya na tila nabalda na.

"Marlene! anong ginagawa mo?"

"Andeng, tumakbo ka na, wag mo kong alalahanin, susunod ako sa'yo, bilisan mo!"

"P-pero, pano ka?"

"Wag tanga Andeng, takbo na!!!!"

Tumakbo ako na hindi alam kung san ako pupunta, narating ko ang isang malaking puno, umakyat ako at dito ikinubli ang aking sarili.

Hinintay ko si Marlene, napakatagal niya,

pero tumindig ang balahibo ko nang...

yung lalaking may hawak sa akin kanina ang nakita kong naglalakad sa kagubatang ito, tinakpan ko ang aking bibig upang hindi makagawa ng anumang ingay.

'Asan ka na Marl, sabi mo susunod ka?' nawawalan ng pag-asa na tanong sa aking isipan. 

[E n d  o f  f l a s h b a c k]

Anim na taon na rin ang lumipas.

Nahuli na ang lapastangang mga lalaki.

Subalit kailanma'y hindi na maibabalik ang buhay ni Marlene, ng pinakamamahal kong kaibigan.

"Ang ganda ng stars oh mommy!"

"Tama ka Marlene, napakagaganda nga nila"

Nagbunga ang kanilang kababuyan, pinangalanan ko siyang Marlene, alaala ng taong nagbuwis ng buhay para sa akin.

Karumal dumal ang gabing dinanas namin ng magkasama, at nagdulot ito ng walang hanggang kadiliman sa aking buhay---madilim, napakadilim, ni minsan ay hindi nawala sa aking mga panaginip ang gabing yun.

At ito ang pinakamahabang gabi ng aking buhay, sapagkat buong buhay ko ay binalot ng kadiliman simula ng maganap ang bangungot na ito sa aming dalawa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 27, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LONGEST NIGHT (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon