"'Tol! Buti buhay ka pa! Hindi ka ba nabaril?" Nabatukan ko si Gael."Salamat sa pag-aalala, p're, ha. Na-touch ako. Gusto kitang barilin ngayon, p're, pwede ba?" Ngumiti lang ito sa akin pero nang humakbang ako nagtago siya sa likod ni Basty.
"Bas, ayang best friend mo nga hawaan mo ng bait. Nakakasakit na, e." Natawa lang siya sa akto ni Gael.
"Umalis ka nga d'yan sa likod ko, Gael. Para kang bakla. Kaya ayaw sa 'yo ni Jennifer, e."
"Ano? Sino'ng bakla dito? Walang bakla sa tropa natin, ah!" binatukan ko ulit siya. "Aray kasi! Masakit sa ulo!"
"Mas masakit 'pag walang ulo." Pero umirap lang ito sa amin.
"Nasa'n na ba kasi si Louie?! Na-stuck pa tuloy ako sa dalawang 'to. Mga tarantado, amp-" Hindi na natuloy si Basty nang biglang sumigaw si Louie na kakababa lang sa bagong dating na BMW.
"Mga pare!" Dimambaan niya kaming tatlo. Itong octopus na 'to, magkakaasawa na't lahat-lahat ginagamit pa rin 'yung haba niya sa amin.
"Bakit nanliit ata kayo?" Tumingin kaming tatlo sa kaniya, nanliliit ang mga mata.
"Salamat sa compliment, pare, ha. Palibhasa pinaglihi ka sa octopus e. Hmm!" Inambahan pa siya ng suntok ni Gael na pinakamaliit sa amin. Tuamwa lang si Louie.
Totoo naman kasing mahaba si Louie. At kapag sinabi kong mahaba, mahaba. Matangkad siya — as in sobrang tangkad, napunta 'yung iba sa paa at kamay niya.
Pero, 'wag kayo, ikakasal na 'yan. Kaya nga napilitan akong mag-leave sa PA para lang sa sumpaan namin noong college pa lang kami na kumpleto kami kapag ikakasal ang isa sa amin. At siya ang nauna sa aming apat.
"Tsk. Alam mo, maghanap na kasi kayo ng babae. Tama na ang papetiks-petiks. Magseryoso na kayo." Inakbayan niya kaming tatlo. Siyempre para sa kaniya, posible 'yon.
"Hindi maaari, boi. Mama's boy ako." panguna naman ni Basty.
"Kaya nga ako rin!"
"Ulol. Lagi ka ngang sinisigawan ni Tita!" Batok naman ni Louie kay Gael. Totoo naman. Pinakamaloko sa aming apat 'yang si Gael.
Tumingin naman sila sa akin. "Ano?"
"Anong ano? Anong excuse mo?"
"Sundalo ako, d're." Agad akong nakatanggap ng batok kay Louie.
"Anong sunda-sundalo. Gago! Hindi ka lang makakuha e!"
"Anong hindi?! Teka nga, bakit ako ang tinatanong niyo?! Ayang si Basty, o, wala pa nga ata 'yang nahahalikang babae!"
"Bakit ikaw, meron na?! Makaano 'to ah!"
"Ah, basta. Wala akong oras para sa mga ganyan!" giit ko pa.
"Ako rin! Manloloko naman 'yang mga babae e."
"Baog ako." Napatingin kaming lahat kay Gael. Pinanlakihan namin siya ng mata sa gulat.
"D're..." Pero bigla siyang tumawa ng malakas.
"Joke lang, parang mga tanga naman 'to!" Isa-isang batok ang natanggap niya mula sa amin pero tawa pa rin siya ng tawa.
"Ito, papatayin ko na talaga 'to, e," sinakal ko siya ng pabiro at inalog-alog para maalis man lang kahit kaunting hangin mula sa utak nitong tarantadong 'to. "Gusto mo baugin na kita ngayon, ha?" Binitawan ko na siya at tinulak sa noo dahilan para matumba ito.
Hinayaan na lang namin siya doon at lumabas na papuntang parking lot ng resto. Pinagmamasdan na rin kami ng tao doon dahil sa lakas ng tawa no'ng gagong 'yon.
YOU ARE READING
Ese Día Me Recordaste
Jugendliteratur"When the day that you finally remember my name finally comes, I'll be your worst."