Chapter 2:
"Choose. Slow or quick death?"
Hindi agad ako makapagsalita. Kahit ang pagkurap ay hindi ko magawa. Nakatitig lang ako sa espada na nakatutok sa mukha ko, kumikinang pa ang dulo nito. Halatang napakatulis at handang patayin ako.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Nanginginig ang buong katawan ko sa takot. Ikaw ba naman tutukan ng espada sa mukha.
Mama! Tulong! Mamamatay na ba ako?
"Sagot!"
Napakurap ako nang muling magsalita ang lalaki.
"T-Teka... Hindi ako masamang tao!"
"Then why are you here?"
"H-Ha?"
"Do I have to repeat myself again?"
"Ha?"
Hakdog? Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya!
"Okay, so quick death it is."
Nagbabadya siyang itarak ang espada sa dibdib ko. Pero dahil malakas ang insting-instick- basta! Nagawa ko makaiwas kaya sa lupa dumiretso ang espada.
Gumulong ako at agad na tumayo kahit ang sakit ng katawan ko.
"T-Teka, sandali!" sigaw ko nang makitang susugurin niya ulit ako.
Sus maryusep! Pakiramdam ko kaharap ko si kamatayan.
"H-Hindi nga ako masamang tao! Maniwala ka sa 'kin!" muling paliwanag ko at tiningnan siya. Doon ko nakita nang malapitan ang mukha niya. Guwapo na siya sa malayo, mas guwapo pa siya sa malapitan! Kuko niya lang si Sunday!
"Then why are you here? Did you follow me? Narinig mo ba ang buong usapan namin?" seryosong tanong niya, hindi inaalis ang matulis na tingin sa akin. Nakaturo rin ang kanyang espada sa akin. Napalunok ako.
"Uh... Siguro?" alanganing sagot ko. "P-Pero hindi ko naman sinasadya! Malay ko bang dito niyo naisipan mag-usap! Saka nauna ako pumunta rito!"
Tila nagulat siya sa sagot ko. Hindi niya siguro inaasahan 'yon.
"Ikaw naman kasi! B-Bakit dito mo pa napiling magyaya ng kasal sa nobya mo, e, alam mo namang may sumpa 'tong ilog! A-Ayan, rejens- rejex-rejensted ka tuloy!" dagdag ko pa na lalong ikinagulat niya. Tama ba sinabi ko?
"How dare you talk to me like that? Do you even know me?"
"Ha?"
"Kilala mo ba sabi ako?!"
Napaatras ako nang lumapit siya at hindi pa rin inaalis ang espada sa akin. Kaso puno na ang nasa likuran ko. Napalunok ako nang makitang nasa leeg ko na ang espada.
Hindi ako mahinga ng maayos. Hindi na yata ako makakalabas ng buhay rito.
"Uulitin ko, kilala mo ba ako?" Madiin na ngayon ang kanyang mga salita. Tinitigan ko siyang mabuti. Iniisip ko kung kilala ko ba siya o hindi.
"Uh... H-Hindi kita kilala. N-Ngayon lang kita nakita."
Inalis niya bigla ang espada sa leeg ko kaya nakahinga ako nang maluwag. Pakiramdam ko malalagutan ako ng hininga kanina.
Dahan-dahan siyang umatras at walang anu-ano'y umalis. Naiwan naman akong gulantang sa mga nangyari.
Sino nga ba ang lalaki na 'yon?
***
Umuwi akong lutang sa mga nangyari. Pakiramdam ko talaga kanina mamamatay na ako. Unang beses kong tutukan ng espada sa buong buhay ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/226502403-288-k911121.jpg)
BINABASA MO ANG
JOURNEY TO THE VISEL KINGDOM
Fantasía[JHP WRITER WINNER.] [Star Awards 2020 Winner] **** Simple lang ang buhay na gusto ni Brianna. Ngunit dahil sa pagkakautang ng kanyang ama ay napilitan siyang tanggapin ang alok na kasal sa prinsipe ng buong Visel. Kakayanin niya bang mabuhay sa loo...