Huling Pahina

26 4 13
                                    

"I'm home!" sigaw ko pagkapasok ko sa loob ng aming bahay.

Hinubad ko muna ang aking sapatos bago ako tumuloy sa loob. Mahirap na, baka mapagalitan pa ako ni mommy.

I went straight to the kitchen. Tinignan ko kung nandoon si mom pero wala siya. Usually kapag uuwi ako galing school sasalubungin niya ako mula sa pinto pa lang o kaya nama'y nasa kusina siya at nagluluto.

"Mom?" i yelled, pero walang sumasagot.

Siguro ay may binili lang. Umakyat ako para sana pumunta na sa kuwarto ko pero may narinig akong tunog ng piano sa 'di kalayuan.

Pumunta ako sa pinakadulong kuwarto kung saan nagmumula ang tunog. It was Tita Sol who's playing the piano. Lumakad ako papunta sa kaniya at saglit na nakinig sa tinutugtog niya.

Walang kinakausap si Tita Sol kahit sino man  sa amin, pero madalas nahuhuli namin siya na nagsasalita mag-isa. Para siyang may kausap na ibang tao na siya lang ang nakakakita.

Lagi siyang tulala at tila may sariling mundo. Hindi ko naman na ito binigyan ng masyadong pansin kasi merong history 'yung pamilya namin pagdating sa mental illness. Walang araw na hindi siya tumutugtog ng piano. At araw-araw iisa lang ang kaniyang tinutugtog.

"Oh Isabelle, nakauwi ka na pala. Pasensiya na at naabala ka pa ata nitong si Soledad. May binili lang ako sa tindahan," hindi ko namalayan na nakapasok na pala si mom dito sa kuwarto. Masyado akong nadala sa pakikinig. Lumapit ako rito at saka ako nagmano at humalik sa kaniyang pisngi.

"Okay lang po. Napadaan lang din po ako dito sa room ni Tita Sol. Pupunta lang po ako ng room ko para makapagbihis na." iniwan ko sila at dumiretso sa kuwarto ko.

Nang makapagpalit ako ay agad akong bumaba upang makapaghapunan na. Nandoon na sina mom at tita. Ako na lang ang hinihintay nila.

"Saglit lang ah? Mauna na kayong kumain. Naiwan ko ata sa kuwarto ng tita mo 'yung gamot niya. Kukuhanin ko lang." tatayo na sana si mommy pero pinigilan ko siya.

"Ako na lang po ang kukuha."

Dali-dali akong umakyat. Dumiretso ako sa side table ni tita upang doon maghanap, pero wala naman doon. Tinignan ko rin ang mga drawer doon pero wala.

"Nasaan na kaya 'yon?" bulong ko sa aking sarili.

Luminga linga ako at nakita ko ito na nakapatong sa study table. Kinuha ko iyon at paalis na sana ako pero naagaw ang atensyon ko ng isang sketch pad.

Wala akong matandaan na may sinabi sa akin si mommy na nagdodrawing si tita. Hindi ko rin naman nakikita si tita na nagdodrawing. Kanino kaya ito?

Walang nakalagay na pangalan sa cover nito.  Maski na sa unang pahina nito. Tinignan ko ang lahat ng nakaguhit dito. Kalahati na ang nadodrawingan dito at ang kalahati naman ay blangko pa. Iisa lang ang napansin ko sa bawat drawing.

Isang lalaki.

Hindi ko ito kilala, hindi rin ito pamilyar sa akin. Ngayon ko lang ito nakita at sa guhit pa.

Iisang lalaki lang ang mga nasa drawing, magkakaiba lang ng anggulo at ng mga ginagawa pero sigurado ako na iisa lang ito dahil mayroon itong dalawang guhit sa pisngi nito. Hindi ko alam kung pilat ba ito o kung ano man.

Mayroong larawan na namamangka 'yung lalaki, naggigitara, kumakain, at nakasandal sa isang piano.

Binitbit ko ito at saka isinama sa pagbaba ko.

Matapos naming kumain ay tinapos ko muna ang mga gawain sa kusina bago nagtungo kay mommy.

Kumatok muna ako bago binuksan ang pintuan. Nakita ko siyang nakaupo sa kaniyang kama, naupo rin ako roon.

Huling PahinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon