Ako ay napadpad dito sa mundo
Dala-dala ang isang mahalagang libro
Na kung saan nakalimbag ang isang kwento
Kwento ng pagkakaibigang totoo
Isa itong simpleng tula para sayo
Pasensya na at ito lang ang nairegalo
Nais ko sanang ito ay iyong basahin
Sapagkat ito ay galing sa aking damdamin
Salamat kaibigan at ako ay di mo iniwan
Sabawat oras na ikaw ay aking kailangan
Ikaw ay laging nandyan para ako ay iyong suportahan
Sa mga problemang pilit kong kinakalaban
Salamat sa mga oras na ako ay iyong pinapatawa
Ang dami-dami mo ng nagagawa
Sa bawat pagngisi ng iyong mga labi
Ako ay napapasabay sa iyong mga pagngiti
Sa bawat tulo ng aking mga luha
Sa balikat mo ako ay nakasandal at panyo ang nakuha
Nagkaroon man ng isang tampuhan
Hindi mo parin tinalikuran ang ating pagkakaibigan
Nananatili ka paring isang matatag na sandigan
Binibigyan mo ang puso at isip ko ng kasiglahan.
SALAMAT KAIBIGAN AT IKAW AY DUMATING!!!
BINABASA MO ANG
Fated to Love
PoetryHello Chingus !! Please Read my compilation of one-shots , poems, and so many many more! Read and read and read and read lang... Kindly do Leave comments and Vote if you like my updates! -Thank You ~Mensahe Ni Tangang Makulit