Prolouge

24 0 0
                                    

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead or actual events are purely coincidental.

Prolouge

"Thank you Doc!"

Ngumiti ako at kumaway sa pasyente kong palabas ng clinic ko. Sumandal ako sa swivel chair ko at napahawak sa bridge ng ilong ko to relax myself a bit.

I sighed and folded the folder with my patients name ng biglang bumukas ang pinto ng clinic ko at pumasok si Ela.

"Hey I think I saw Cyrus."

Tiningnan ko sya at agad kumunot and noo ko ng makita syang nakangisi. Lumapit sya sa lamesa ko at kumportableng umupo sa visitors chair. Nilapag nya ang paper bag na dala sa katabi nyang upuan.

"Yeah. He went to visit me and he wants me to personally check his injured ankle." Tiningnan ko ang paperbag na hawak nya. "Ano 'yan?"

"Lunch. Inorder ko lang, wala akong time magluto." Nginitian nya ako at nilabas ang
laman ng paper bag.

Inirapan ko sya at pinanuod habang nilalabas ang 2 bento box. Nilagay nya ang isa sa harapan ko. Nilabas nya din ang tumbler nyang dala at tumayo. Naglakad sya palapit sa water dispenser at nilagyan ng laman?

"Ang layo layo ng office mo sakin Angela, dito ka pa talaga dumayo maglunch." Sambit ko habang abala syang naglalagay ng tubig.

"I don't usually eat lunch on time but you do, so sinulit ko na ng malamang wala pa akong nakaschedule na operation today." She casually said as if it's a normal thing to happen.

"Sige bahala ka." I surrendered saka binuksan ko ang bento box. Hindi naman magpapatalo sa argumento si Ela so I'd rather shut up.

May laman syang kanin, beef steak at sliced banana. I also opened hers' para kakain nalang kami pagupo nya.

Nang makaupo sya nagsimula na kaming kumain.

"Sasama ka ba mamaya?"Tanong ko pagkatapos uminom ng tubig.

"Ewan ko, pagiisipan ko pa. Achi's here." Nagaalangan nyang sagot.

"So sinasabi mong hindi ka sasama?" Tiningnan ko sya. She stopped eating then looked at me. "Nagdadahilan kalang para hindi mo makita si—"

"I said pagiisipan ko. Wag kang malisyosa." Sabay irap nya.

Natawa nalang ako at pinagpatuloy ang pagkain. Nang natapos na kami, tumayo sya at inayos nya ulit yung mga bento boxes sa paper bag.

Binilin nyang dadaanan nya ako ng 5 mamaya. I just nodded para makaalis na sya.

Pagaalis nya, pinagpatuloy ko na ang pagaarrange ng mga folders ng mga petients ko nung araw na yon. Wala naman ng dumating pang pasyente nung hapon kaya nang mag alas singko, inayos ko na ang mga gamit ko para maghandang umuwi.

Saktong tumayo ako ay bumukas ang pinto at inuluwa si Ela na lukot ang mukha.

"Oh anong mukha yan?" Natatawa kong tanong.

"Tss." Sabay irap nya. "Tara na, sabay ako sayo wala namang susundo sakin."

"Wow that's new." Natatawa ko pading banggit. Lalo namang nalukot ang mukha nya na nakapagpatawa lalo sakin.

Naglakad na kami palabas ng clinic at nakangisi ako sa pagpipigil na asarin sya. Nakasimangot padin kasi sya. Nagawa nya pang hindi pansinin ang mga nakakasalubong namin  staff.

Pleasurable NighmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon