Maaga akong nagising para maghanda sa pag pasok ko nasa apat na baitang na ako kung kaya't kaya ko na ang aking sarili kasi yun ang turo ni inay na matoto na akong gumalaw na magisa,
,naka abang na si itay sa labas at ang kareton na sasakyan ko lumabas na ako at sumakay.
Kung nariyan lang sana si inay eh ,di sana siya ang maghahatid sundo sakin at magbabantay
Pero hindi yun mangyayari pa,Naka abang lang ako sa gilid ng gate at tinatanaw ang daanan kung nariyan na ba si itay.
Sabi niya siya na lang daw ang maghahatid ng baon ko dahil
Wala pa daw siyang pera ,Naguguton na talaga ako wala talaga siyang mabuting trabaho .
Si itay ay taga ayos lamang ng sapatos at binabayaran siya pag ayos na ito,naka pwesto lang siya sa gilid ng kalye
Kumakalam na talaga ang aking tiyan kung kaya't ako'y naiinis na talaga ako,
Sumilip ako ulit kung andito na siya pero wala parin ,siguro wala
na talaga naglakad na ako pabalik sa loob ng may tumawag sakinlumingon ako at nakita ko roon ang aking ama na walang kwenta na naglalakad palapit sakin
Lumapit na rin ako
"Yenyen"
Ano po ama bakit ang tagal mo?"Ngayon pa lang kasi nagbayad ang customer ko anak", at sabay ngiti sakin
"Ito pala ang baon mo kainin mo huh"
Hinablot ko ito at naglakad na pabalik sa loob
Hindi parin nawawala ang galit ko kay itay buong buhay ko ito dadalhin wala siyang kwenta ni hindi niya ako mapakain ng maayos dahil sa wala siyang magandang trabaho
Kung nadala lang sana si inay sa hospital nong araw na yun edi sana masaya ako ngayon at hindi kami naghihirap
Patuloy parin ako sa pagkain ng tinapay na bigay niya
Napapaisip ako kung mahal ba niya ako
"Yenyen"
May tumawag sakin kaya lumingon ako
'Ano po yun ma'am?
May kailangan tayong puntahan
"Saan po?
Basta tara na
Sumakay kami ng aking guro sa isang magandang sasakyan
Na alala ko noon si itay
Pag-uwian na kasi kami sinusundo ko na siya sa may gilid ng kalye, at sasabihin niya na mauna kana yenyen na sumakay sa magarang sasakyan natin at ituturo niya ang naka paradang kareton sa may gilid , alam kung gusto lang niya ako pangitiin pero hindi ako natawa sa sinabi niya lalo lang ako naiinis sabi niya sakin pangarap daw niya magkaroon ng magarang sasakyan gaya nito pero hindi niya kaya kasi wala siyang perang pangbili,
Gusto pala niya ng kotse bakit hindi siya nagsikap
Sabay kaming uuwi at pasasakayin niya ako sa kareton namin at siya ang tutulak
Napa ngiti na lamang ako sa alaala namin ni itay
Huminto na kami at lumabas ng sasakyan,
Napaka ganda naman ng bahay mo ma'am ,wika ko
Paglaki ko po bibili rin po ako ng malaking bahay na kasing ganda ng bahay mo po ,at kasama ko si inay at itay,
Wika ko na may ngiti sa labi
Humarap ang aking guro
"Hindi ko ito bahay yenyen isa itong hospital,
Po?bakit po tayo nandito?
Wika ko na may pagtataka dahil lumuluha siyaHindi na niya ako sinagot
Pumasok kami sa hospital at napaka raming tao dito may umiiyak at naka higaPumasok kami sa isang malaking kwarto na kulay puti at puno ng tao na umiiyak
Ma'am bakit po sila umiiyak?
Lumuhod muna si ma'am at tinitigan ako
" yen yen"isa ang iyong itay sa mga nasawi dahil sa pagbangga ng truck malapit sa iyong ama,
Wika niya na may luha na bumababa sa pingiPo?hindi ko siya maintindihan baka nagkamali lang ako ng dinig
"Patay na ang iyong itay"
Hindi ako makapaniwala sa aking narinig ,
Dahil dun pumatak na ang aking mga luha
Dahil wala na ang aking itayAng aking itay na bumuhay sa akin at nag-alaga ng mabuti
Nagpakain ,nagpaligo,at nagbihisAt nagpamulat ng magandang asal
Ay wala na ngayon,
Naka upo na ako sa gilid at tulala
"Yenyen tawag sakin
Lumapit sakin ang aking guro at niyakap ako ng mahigpit
" yenyen bago mawala ang iyong itay ay may binilin ito
Sa ilalim ng iyong kama ay may kahon dun at buksan mo ,
Tumango na lamang ako
Nasa bahay na ako at kasama ko pa ang aking guro
Umupo ako sa aking kama na gawa lamang sa mga pinulot naming kahoy
At tinignan ang nasa ilalim nito
At may kahon nga na may pag kaluma na at alikabokKinuha ko ito at binuksan nakita ko roon ang pera at tiklop na papel na medyo madilaw dilaw kinuha ko ito at binigay kay sa aking guro
Binuksan niya ito
"Yenyen sulat ito ng iyong itay babasahin ko para sayo
" Yenyen anak ko,
Maging malakas ka ,sa kahit ano mang manyari sa iyong buhay palagi lang ako nandito sa tabi mo at naka subay-bay
Palagi kitang babantayan at mamahalin dahil anak kita ikaw lang ang nagparanas ng saya simula ng mapulot ka namin ng iyung inay sa tabi ng basurahan na umiiyak at basang basa sa ulan kinuha kita at dinala at ngayon malaki kana ,magtapos ka ng pagaaral mo at maging mahusay gaya ng mga payo ko sayo,at ng iyong ina mabuhay ka ng tahimik gamitin mo ang kunting iniwan ko para sayo tanggapin ang lahat ,mahal na mahal kita,yenyenBumuhos ang aking mga luha na hindi ko mapigilan
Ang itay ko ,hindi pala niya ako tunay na anak pero minahal niya ako ng tunayNiyakap ako ni ma'am na gaya ko ay umiiyak na rin
At humarap sakin
"Yenyen" sumama ka sakin "Ma'am pwede po ba dito muna ako ngayong gabi lang
Wika ko habang bumubuhos ang aking mga luha
"Kung gayon magingat ka "
Tumango siya at lumabas na
Naiwan akong lumuluha pa dahil hindi ko tanggap na wala na ang aking itay ibababa ko na sana ang kahon ng may bagay na nakabalot ng tila kinuha ko ito at binuksan nakita ko rito ang isang doll shoes na kumikintab na kulay asul sa mga desinyo nito na napakaganda sinukat ko ito at sakto nga sakin ,, kaya pala sinusukat ni ama ang aking paa dahil bibilihan niya ako.. humiga ako na may ngiti sa labi kasabay ng pagpatak ng aking mga luha"
Yenyen..
*****