Tila isang kabanatang nawawala sa librong binabasa ang istorya nating dalawa.
Punit ang pirasong papel, na ang disenyo ay kulay kahel.
Pilit na hinahanap ang dulo't umpisa ng istorya.
Nais malaman bawat laman ng kabanata.
Nang masilayan ko ang aking kaibigan.
Hawak niya ang libro.
Ang talarawan mo...
Lungkot ang dumaloy sa aking puso.
Nang mapagtanto ko
Na istorya niyo pala ito at sabit lang ako sa isang kabanata ng buhay mo.-August 13, 2018