Sa Isang Sulyap.... (on GoING...)

99 3 3
                                    

Sa Isang Sulyap…

-by maiLOH-

PROLOGUE:

            Bagong Araw

            Walang Pagbabago

            Simpleng Buhay

            Kuntento lang

Yan ang buhay ko… gulat kayo noh??

(joke lang! marami-rami rin naman akong kapareho)

Ako si Jaliah Marie Gonzales, lia for short.  Isang simpleng high school student, 15 yrs. Old, mahiyain at of course SINGLE (ako ata an glider ng mga NBSB o mga No Boyfriend Since Birth.. pero kahit ganoon proud at masaya naman ako, dahil wala sa bokabularyo ko ang ganyang bagay. Matino ata to?!)

Ngunit isang araw……

Nagbago ang lahat……

Dahil sa Isang Sulyap……

…..

..

Her  Simple Life..

Become a Complicated one..

Ang dati’y inakala na wala nang pag-asa..

Ay napuno ng kulay at saya..

CHAPTER 1

FIRST DAY OF SCHOOL ;( 

(Jaliah’s POV)

“Haaayy”

“Panibagong araw na nama, wala rin namang pagbabago”

“Oohh Buhay!!”

Grabe naman kagigising palang yan agad ang bungad ko. Kainis kasi goodbye bakasyon na, hello school na naman. Hmmmn…..

Pero andyan naman si Bestie Sheena ko kaya happy parin ako. Since elementary kasi siya na kasama ko mula pagpasok ko hanggang pag-uwi , pagkain ng snacks, upuan sa classroom at kung anu ano pa, Siya na ang kasangga ko. Nagmumukha na nga kaming kambal tuko (kahit ang layo ng pagmumukha ko sa kanya) nah indi mapaghiwalay pero love na love ko siya at siya lang ang friend ko.

“oh my Guullaayy!!!”

“Late na koo…”

Anu ba yan.. first day of school late! Sana makaabot ako sa flag ceremony.. Naku po!!

            (At School)

            “Haaayy salamat naman nakaabot rin.. akala ko late na talaga akoo.. Thank u Lord!!”

            Patakbo akong pumunta sa may Quadrangle naming ng may anu- anong bigla na lang sumangga este bumangga sa likod ko.

            *booogshH*

            “Aray! Ang sakit ah!” napasigaw ako

             Ang manhid naman ng mokong nay un bigla na lang nawala di man lang napansin na may nabangga na siya dito oh! ang sakit kaya nung pagkakabagsak ko, para akong tinulak sa ere, di manlang mag sorry.

            “Anak ng fishy naman oh! First day palang aksidente agad bumangga sakin” galit kong sabi

            “Anu ba namang kamalasan ito!”

            Agad akong tumayo at pinulot ang mga gamit ko at pumila na sa line para sa flag ceremony at pagkatapos ay papasok na sana ako sa classroom nang may biglang tumawag sa kin..

Sa Isang Sulyap.... (on GoING...)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon