CHAPTER 5:

125 18 6
                                    

HAY....ang bilis ng araw, parang kahapon lang pumunta kami ng sementeryo tas ngayon mag sisimba naman kami. Nakakatamad bumangon ughhh...

Pipikit kona sana ulit ang mga mata ko ng bigla may pumasok sa kwarto ko.....kaya napa upo ako bigla sa kama ko

"Ate!!.....gising na! Mag sisimbah pa tayo. Kaylangan natin maaga sa simbahan para maka kuha tayo ng upuan sa harapan sabi ni Lola" sigaw ni kikay sa akin

Hay ganito ang ginagawa sa akin ni kikay tuwing linggo,para daw maka gising ako. Pag si Lola kasi ang gumigising sa akin walang talab naka tulo padin laway ko. Pag si kikay naman ang gigising sa akin, gising kaagad ang espirito ko pati panis na laway ko naka balik sa loob ng bunganga ko.

Maka bangon kanalang bigla sa boses ni kikay,dahil sa matinis ito at bigla ka rin mataranta akala mo may sunog

"Kanina pa ako gising kikay, pero nung pumasok ka at sumigaw bigla pati espirito ko naka bangon nadin. Ginugulat mo ako tuwing linggo kikay ehh akala ko may sunog" inaantok ko pag kasabi at sabay kamot sa ulo ko

"Hihihihi sorry ate,boses kolang naman ang makakagising sayo eh sabi ni Lola" sabay hagikhik niya...ang cute naman hahahaha

Napansin ko naka bihis na siya kaya nataranata ako napabangon sa kama ko

"Kikay naka bihis na kayo lahat?" Sabi ko habang dali dali ko inaayos ang hinigaan ko

"Opo ate kumakain pa po sila Lola...ikaw nalang po ang wala naka bihis" magalang na pag kasabi niya

Oww shit! Ako nanaman ang hinihintay nila best in late talaga ako eh

"Hala sige kikay baba kana maliligo na ako" dali dali ako pumasok sa cr. Ganun padin ang ginawa ko sinabay ko ang pag ligo ko at pag totoothbrush ko

Pag katapos ko maligo deresto deresto ako punta ng cabinet ko. Hinahanap ko yung mga dress ko na pangsimbah

Kinuha ko ang dress ko na offshoulder na kulay pink, pinaresan ko na itim ko ng takong na 3 inches na kahaba at sling bag na white

Ganun padin nilagay ko sa labi ko simpleng lip gloss at at hinayaan ko nakalugay ang mahaba kong buhok,na mapapansin mo ang wave sa ibaba, natural ang pag ka wave ng buhok ko akala nga ng iba rebonded ang buhok ko

Dali dali ako bumaba sa hagdanan at dumederesto papunta sa kusina...

Pag pasok ko sa kusina nakita ko sila na kumakain pa. Hay salamat naman hindi ako na huli, magugutom talaga ako sa simbahan pag hindi ako nag umagahan

Napansin ata ni Lola na naka tayo ako sa gilid ng kusina, kaya napalingon siya sa dereksyon ko

"Oh apo bakit naman gan kapa?, dali na dito kumain kana" pag yaya ni Lola sa akin sa hapagkainan

Dali dali ako umupo sa tabi ni Lola at kumaha ng ulam at kanin

Nan dito na kami sa tapat ng simbahan at nag hanap na ng mauupuan sa harapan. Wala pa masyadong tao sa simbahan,kaya madali kami maka kuha ng upuan sa harapan

Gusto gusto ni Lola umupo sa harapan para marinig niya ng maayos ang sinasabi ng pari

Nag umpisa na ang misa, habang nag sasalita ang pari ako naman pina pantasiya ang pari. Kaya ginaganahan ako mag simbah tuwing linggo,dahil palagi ko makita ang mala gwapong mukha ng pari dito.

Matapos ang misa ay pumunta kami sa harap ng simbahan, pabentahan ng mga school supplies. Malapit na kasi ang klase ng kambal kong kapatid, exicted na exicted silang bumili ng kanilang mga gagamitin para sa pasokan nila....

Matapos namin bumili ng school supplies para sa gagamitin ng kambal para sa pasokan. Pumunta naman kami sa Jollibee, gusto gusto ng mag kambal pumunta sa Jollibee tuwing linggo. Kasi daw kompleto kami at nasasarapan daw sila sa chiken joy ng jollibee

"Hmmmm...ang sarap ng chicken sa jobee" sabi ni bokbok habang hinihimas niya ang  kaniyang chan

"Oo nga bokbok ang sarap ng chicken sa jobee kasi ang lalaki" sabi naman ni kikay sakaniyang kambal, at iniimagine na may chicken sa harapan niya
 

Ang tawag nila kay jollibee ay jobee,kaya nung binanggit nila yung jobee tawa lang ako ng tawa kasi. Hindi nila mabanggit ng maayos ang pangalan ni jollibee

Papunta na kami sa parking lot ng,may nararamdaman ako na may sumusunod sa amin kaya hinanaphanap ko kung saan galing.....

Hinanap hanap ko kahit saan at bigla nalang tumigil ang tingin ko,isang lalaki na naka sombrero at itim na jacket

Bigla nalang bumilis ang pagtibok ng puso ko, at pinapawisan ako. Bakit ganito nararamdaman ko pagtingin ko sa lalaking to

Naka titig padin ako sa lalaki na naka sombrero, pinag masadan ko ang katawan niya. Matangkad, malaki ang kaniyang katawan, at ang buhok niya na mahaba na kulay blonde. Nag babagay sakaniya

Parang na ubosan ako ng dugo sa katawan ko,ng nakatitig nadin sa akin yung lalaki. Kulay asul ang kaniyang mata at walang emosyon ang kaniyang awra.....

Hindi maaari.....nag kakamali lang ako  siguro ako

Bigla tinangal nung lalaki ang kaniyang sombrero, na naka tabon sakniyang buhok...

Parang na ubosan ako ng hininga nung makita ko ng mabuti ang mukha ng lalaki....

Hi-hindi maari.....paano niya nalaman na nan dito ako

Paano nalaman ni Ashton na dito ako tumatago....

Itutuloy......

(Hidden Child Series#1)  He Is BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon