Chapter 11

12 2 0
                                    


***

"Tita lola si Adi po. Adi si tita lola." Pagpapakilala ko.

Agad din namang nagmano si Adi sa kanya, habang binibigyan ako ng nagtatakang mukha ni mama.

Iniwan ko sila don sa sala, at hinayaang sila sila ang mag usap. Dumiretso ako kay mama,dahil alam kong kanina pa nya ko gustong paulanan ng tanong.

Kahit ako ma, di ko alam kung ano bang ginagawa nya dito. Nandito ba uli sya para iparinig ng iparinig sakin ang ringtone nya?

Nandito ba uli sya, para masabi nya uli yung 'Lexus, si Mavy.' at kung ano ano pa? Kung 'yun lang din ang pakay nya, umalis na lang sana sya. Halata sa kanyang wala syang balak magbago.

O baka ako na ang mali? Baka ako yung kailangan magbago? Ako na ba yung may mali?

"Hoy, Mavs!" Naagaw bigla ni mama ang atensyon ko. Hawak nya ang magkabilang balikat at tinitingnan akong nagtataka.

Nagpakawala ako ng buntong hininga at saka dumiretso sa kwarto nya. Ramdam ko namang sinundan nya ko.

Hinarap ako ni mama ng nakapamewang pagtapos ilock ang pinto.

"Yan ang gusto nya ma." I shrugged. Agad namang umamo ang mukha ni mama at lumapit saken.

"Nandyan na sya, ma. Nandyan lang sya pero pakiramdam ko ang layo nya padin. Gustong gusto ko ng tumigil sa pag sasalita sa kanya, at yakapin nalang sya. Pero ma, ang bigat padin. Hindi ko kaya." I looked down and played with my nails.

Agad sinandal ni mama ang ulo ko sa balikat nya at marahan akong tinatapik.

"Bakit di mo muna pakinggan ang sasabihin nya?" She said in a soft voice.

"I'll try, ma. I'll try." She nod at my answer and hugged me tighter.

"Baka nalilimutan mong kasama mo din dito si Alex." Nilingon ko si mama at tipid lang na ngumiti.

"Sige na, tutulungan ko lang ang mama maghain." Tinanguan ko sya at pinanood umalis.

Tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin at piniling mag ayos. Wala namang mawawala kung makikinig ako. Kaysa sa ganitong puro ako konklusyon. Puro baka ganito ang reason nya, baka eto, baka ganyan.

Siguro nga tama si mama. Sinilip ko ang phone ko at nakitang hanggang ngayon tinatadtad padin ako ng pagsosorry ni Arra.

Hindi naman ako galit sa kanya. I cant stay mad at her for too long. Hindi nya din naman ginustong ibigay yung location ko, napilitan lang sya dahil sa awa.

Naiintindihan ko naman, at siguro nga tama din yung ginawa nya dahil mabibigyan kami ng tamang pagkakataong mag usap.

"Hello?" She greeted in a husky voice. Di siguro 'to pumasok, hanggang ngayon tulog padin.

"Musta na?" I asked her. Tumahimik sandali ang kabilang linya, siguro tiningnan nya kung sino yung natawag. Aish, sleepy head. Well--uh ako den.

"Mygod, Mavs." Kumunot ang noo ko ng makarinig ng ingay sa kabila. Nasa condo ba sya?

"Nasaan ka?"

Alex's PlaylistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon