"Hi love, I miss you" andito ako ngayon sa puntod ng pinakamamahal kong babae. Habang naka upo ako sa tabi ng puntod nya ay inaalala ko ang huli naming sandali at ang pinakasisisihan kong tagpo namin.
--
"Archixia, can we talk?" Tanong ko kay Archixia. Andito kami ngayon sa isang parke para pag-usapan namin ang mahalaga kong gustong sabihin. Alam kong masasaktan sya, but I need to do this.
"About what, love?" Tanong ni Archixia sakin pag kaharap nya.
"Let's end this Archixia" Sabi ko sakanya. Tiningnan ko sa mata si Archixia at alam kong anytime ay iiyak na sya. No. No. Don't cry. Hindi ko makakaya.
"But why, love? Ok tayo d-diba?" Tanong sakin ni Archixia. Nagbabadya na ring bumagsak ang mga luha nya.
Nasasaktan akong nakikita syang umiiyak pero kailangan kong gawin 'to para 'di na sya masaktan ng husto. Nakikipag break ako kay Archixia kasi alam kong kahit di nya sabihin ay napapagod na sya. I love her, but I know she deserve someone better. Kaya kailangan ko din magsinungaling sakanya.
Go, Giuseppe. This is for her.
"Hindi na kita mahal" Pinilit kong ideretso ang mukha ko upang hindi nya mapansin na nagsisinungaling ako.
"I'm sorry" Huling sabi ko sakanya. Dahil hindi ko na sya kayang makitang nasasaktan at umiiyak ng dahil sakin ay tumalikod na 'ko sakanya at dun na inilabas ang pinipigilan kong emosyon habang kaharap sya.
***
Simula nang nakipag break ako kay Archixia ay sinusundan ko parin sya sa malayo. Masaya na'ko sa pasunod sunod na lang sakanya kahit na sa malayo ko lang sya nakikita.
Hanggang sa isang araw, hindi ko na makita si Archixia at bigla na lang nawala sa paningin ko. Hinanap ko sya sa buong school pero hindi ko talaga sya makita. She's really nowhere to be found!
Lumabas ako ng school, nagbabaka sakaling nandoon sya. Nakuha ang atensyon ko nang makita kong may nagkukumpulan na mga tao sa may gitna ng daan. Habang papalapit ako sa kumpol ng mga tao ay sya ring pagbilis ng tibok ng puso ko. Nakipagsiksikan ako sa kumpulan ng mga tao hanggang sa makarating ako sa gitna. Kasabay ng pagdating ko sa gitna ay syang pagdurog ng puso...
"A-Achixia" Sigaw ko sabay takbo sa tabi nya habang umiiyak.
"Achixia gumising k-ka, please." sabi ko habang umiiyak na yakap sya. Nang tignan ko sya ay nakatingin sya sakin gamit ang mga mata nyang pagod na.
"G-Giuseppe makinig k-ka sa s-sasabihin ko. I k-know that I'll d-die to-today, b-but before I d-die, I w-want t-to s-say t-that--" Nanginig ang buo kong katawan nang makita ko syang sumuka ng dugo.
"Shh, hindi ka mamamatay. Not now." Patuloy ko syang pinapatahimik para hindi na lumubha pa ang nararamdaman nya pero ang kulit!
"Giuseppe, I, I w-will love you t-till my la-la-last breath" Hirap na hirap na sabi nya. Humagolgol ako ng iyak ng ipikit ni Archixia ang kanyang mga mata.
Ilang oras na ang nakalipas simula nang mawala ang pinakamamahal kong babae. Andito kami sa hospital ng parents nya at ng mga pulis. Nang may biglang dumating na isa pang pulis.
"Sir, nakita ko po itong sulat sa gamit ng namatay." Inabot ng pulis ang sulat sa magulang ni Archixia.
Tinignan ng magulang ni Archixia ang sulat pero kalaunan ay iniabot sa akin.
"Sayo ang sulat na yan iho" Abot sakin ng mommy ni Archixia. I gulped.
"Tita, alis po muna ako" Sabay yakap sa magulang ni Archixia bago umalis. Hindi ko kayang basahin 'to sa harap nila.
Umuwi ako sa condo ko at naligo saglit. Pagkahiga ko sa kama ay nakita ko ang sulat na iniwan ni Archixia sakin. Binuksan ko yun at binasa.
Dear Giuseppe,
Hi love! Kahit sa sulat hindi ko alam sasabihin ko HAHAHA. Siguro sa thank you muna ko.
Love, thank you kasi dumating ka sa buhay ko. I'm very thankful that you came to my life, it's really something that I don't know how to descibe that feeling of mine basta I'm so thankful, and thank you because you make me happy evertime I'm sad.
Thank you for being there always for me. Thank you for choosing me everytime. Thank you to all you've done to me.
Akala ko dati iba yung relationship natin sa ibang relasyon kasi palagi tayong masaya, laging nag iintindihan but ofcourse we love each other.
But I was wrong, because you left me.
Gusto kitang sisihin sa lahat ng sakit na ibinigay mo sakin nang iniwan mo ko pero hindi ko kaya kasi mahal kita. Gusto kong isumbat sayo lahat ng pangako mong hindi mo pinanindigan pero hindi ko magawa kasi mahal kita.
Mahal kita kahit nasasaktan mo ko ng sobra. Mahal pa din kita kahit ang sakit sakit na. Pero alam kong hindi lang ikaw ang may kasalanan kasi may kasalanan din ako dun.
Sorry for being immature. Sorry kasi napakaprotective ko sayo. Sorry kasi akala ko ayos lang sayong maging protective ako. Sorry kasi napagod ka sa ugali ko. Sorry kasi palagi akong nagseselos sa mga nakakasama mo. Sorry kasi ganoon kita kamahal kaya ayaw ko na mawala ka sakin. Sorry kasi hindi kita napag stay pa sa tabi ko.
Sorry for everything Giuseppe.
Giuseppe, kahit sa susunod kong buhay ikaw at ikaw pa din ang pipiliin ko.
Kahit na saktan mo pako ng paulit ulit ikaw at ikaw pa din ang pipiliin ko.
Pero siguro ngayon, Giuseppe, I will let you go first. Siguro kasi sa panahon na ito hindi tayo ang nakatadhana sa isa't isa.
Giuseppe gusto ko sa buhay mo na ito ay maging masaya ka, 'wag mo nakong isipin. Sana makilala mo yung babaeng nilaan sayo sa ngayon at mahalin mo sya ng higit pa sa pagmamahal mo sakin.
I want you to be happy Giuseppe. Please be happy. And Giuseppe, if ever I 'll die always remember that I'm always here for you. Guarding your life secretly. Guiding you.
Giuseppe for the last time, I love you.
***
"I will love you too Achixia till my last breathe, I really want to let you go. Please guide me and I promise that I'll never forget you. For the last time, Archixia, I love you. So much. " Umiiyak na sabi ni Giuseppe habang nakatingala sa langit.
Pagkatapos umiyak ni Giuseppe ay tuluyan na nyang nilisan ang puntod ni Archixia kasama ang magaganda nilang alaala.-END-