Chapter 1 - ROOFTOP

0 0 0
                                    

Chapter 1 - Rooftop

"AJ, bilis-bilisan mo! Napaka-bagal mo talaga kahit kailan!" Naiinis na sigaw ni Kuya Andrew. "Oo na, Oo na." Binilisan ko ang pagkain. Nang matapos ako ay agad-agad kong kinuha ang bag ko at pumunta sa kotse.

Pinagalitan ako ni Unggoy este ni kuya habang nasa byahe papuntang school. My poor eardrums. Bumaba ako kaagad ng kotse pag dating namin ng campus, dumiretso ako sa locker ko at kinuha ang mga gamit ko.

Sinara ko ito, maglalakad na sana ako pero may malaking crowd and nakaharang sila sa daanan ko,nagtitilian at nakalabas ang mga cellphone, para bang dumating sina Enrique Gil, Daniel Padilla, at Mccoy De Leon pero alam kong ang tatlong bad boys lang yun.

Sumilip ako para makita si Future ang gwapo talaga ni Ace, sinubukan kong hindi magpakita kay Zack dahil alam kong pagti-tripan na naman niya ako but I was too late, because he already saw me. The next thing I knew is nasa harapan ko na siya.

"Ang ganda ganda ng umaga tapos nakakita ako ng pangit na pato." Pang-iinsulto niya sakin. Akala mo hindi ako gaganti a. Ha! ASA PA YOU! "Haayst, ang ganda ganda ng umaga kaso may lumapit na malanding palaka." Sabi ko with a sarcastic tone. Medyo ikinainis niya nag sinabi ko,pati yung fan girls niya tinignan ako ng masama. Da fvq? Di ako nanguna noh. Tumalikod ako at pumunta na sa homeroom ko. Saktong pag-upo ko ay nag-ring na ang bell.

💙💙💙

Lunch time na I was on my way to the cafeteria when I saw Mr. Torres, binati niya ako at ganun din ako sa kanya. Mapapatuloy na sana ako sa paglalakad nang tinawag ako ni Sir.

"Miss Traves." "Yes Sir?" Muli akong humarap sa kanya. "One of my student on Science is failing, since you're the most intelligent student here. I would appreciate if you could tutor him?" Mr. Torres said. Hmmm.... Sino kaya? Without thinking ay umoo ako. "Thank you very much Miss Traves! I'll tell Mr. Enriquez that you agreed." Sabi ni Sir at dali-daling umalis. Wait--- Enriquez? --- Shet. Si Zack?! Yung malanding palakang yun?! I should've ask first!

Nawalan na ako ng ganang kumain kaya pumunta na lang ako sa rooftop. Umupo ako sa gilid nang may napansin akong nakahiga sa dulo ng rooftop, merong lilim kaya hindi ko makilala ang nakahiga, out of curiosity tumayo ako at nilapitan ito. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ito. OMFG!! Si Future! Umupo ako sa gilid niya hindi yung literal na upo, yung upong hindi nakadikit sa sahig yung pwet.

Pinagmasdan ko ang kanyang mala-anghel niyang mukha. Grabe. Ang swerte siguro ng magiging jowa nito, which is me :'>. Bakit? Libre lang namang mangarap a. Huhuhuhu. "Grabe makatitig, baka matunaw ako niyan a." Nagulat ako nang biglang nagsalita si Future. Nakapikit pa din ito pero tama ba tong nakikita ko? Naka-smirk siya? Naramdaman ko na medyo umiinit yung mukha ko. Dapaking tape.

"B-bat ka naman matutunaw? E, di ka naman ice cream at lalong hindi ako araw." Umupo siya at tinitigan ako with his 'no emotion' look. "Isa kang araw..." Sabi niya sabay hawak sa kanang pisngi ko at tumingin ng diretso sa mga mata ko. "Because everytime I see you, you'd always light up my dark world." Banat niya. FVQ!!!

Ang perfect na sana nung moment kaso may biglang pumasok sa rooftop, biglang inalis ni Ace ang kamay niya mula sa pisngi ko. Lumingon ako at nakita ko ang malanding palaka este si Zack. GRRRR!!! Nakakainis! Panira lang? Lumapit siya sa amin. Tinitigan ko siya ng sobrang sana habang papalapit siya.

"Bangin bayang mga mata mo?" Tanong niya nang makalapit saamin habang nakatitig sa mata ko. I looked at hin curiously. He bended down close to my face. Fvq. "Because everytime I stare at it, I always fell." Sabi niya. Alam kong namumula ako. Shet nu!

Pinitik niya yung noo ko. Bigla siyang tumawa ng malakas ng mapansin niyang nakatulala ako. "BWAHAHAHAHA!! You should've seen your ugly face." Sabi niya habang nagpapagulong-gulong sa sahig dahil sa sobrang tawa. Napaka panira talaga! Argh.

"Alam mo manhole ka..." Babawi ako! Tumingin siya sakin na medyo kamalma na. "Bakit?" Tanong niya. "Kasi TANGA lang mahuhulog sayong buset ka!" Inirapan ko siya at tumayo. Tumingin muna ako kay Future bago tuluyang umalis ng rooftop.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 28, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Complicated Where stories live. Discover now