MATH 9

1 0 0
                                    

MADULIMAY'S POV

Saan na kaya nagpunta ang Sitti na yun?

Bigla niya nalang kasi niya akong iniwan pagkatapos niyang malaman kung sino ang nag utos sa akin para bilhin ang mga art materials na ito.

Buti naman sana kung tinulungan man lang ako diba?!

Hays..ano pa bang aasahan ko sa mga Montavier?

Buti na lang at narating ko rin itong temporary SSC room na ito.

Nawalan pala ako ng malay kanina marahil sa tindi ng pagod at gutom ko.

Pagkapasok ko sa SSC room ay nadatnan ko ang mga estudyanteng busy sa pag cut ng mga letterings,pag pinta at kung ano ano pa.

Bakit kaya ang sama ng tingin nila sa akin?

Hindi na kaya nila ako nahintay at nakabili na sila kaya sila galit?

Saan ba kasi ang Aliwan na yon?

"Aliwan...kamahalan..andito na po----"
nagulat ako ng lumabas siya mula sa isang maliit na room at nakita ko ang pasa sa kanyang mukha.

may hawak itong cold compress bag at maingat niya itong itinatampal sa kanyang kanang pisngi.

Anong nangyari sa kanya??

Inilagay ko kaagad ang mga pinamili ko sa table at lumapit ako sa kanya.

"Anong nangyari sa iyo?"

nang tangkain kong tanggalin ang cold compress bag para tingnan ang pasa nito ay itinapon niya ang aking kamay..

"Don't you ever appear infront of my face again!"
Galit ang expression ng mukha nito.

May nagawa ba akong mali para tratuhin na naman ako ng ganito ng halimaw na to?!

Maya maya pa'y tinawag niya ang isang babae.
"Joana, escort this woman out of this room.NOW!"

Aba.Kelangang pasigaw?

Ako po na ang kusang aalis.

Nagmamalasakit lang naman ako at kabawasan ba yung pagpapakita man lang ng gesture of gratitude dahil hindi biro ang pinagdaanan ko dahil sa pagbili ng mga materials na yan?!

Agad namang tumalima ang tinawag niyang Joana pero pinigilan ko.

"Wag na.Aalis na ako ngayon din."

--------------------------------------------------------------------

"Sige kain ka lang."
malumanay na sabi ni Sitti habang kasalukuyan akong kumakain ngayon dito sa canteen.

Ano bang nakain ng taong ito at nagmagandang loob na ilibre ako ngayon dito sa canteen?Nagulat na lang ako kanina pagkalabas ko sa SSC room dahil hinila niya ako papunta dito para pakainin.

Aba...mukhang bumabait na ang walang modong ito a.

"Anong kapalit?"
tanong ko pagkatapos kong kumain.Alam kong may kapalit na naman ang kabaitang ito eh!

Sa halip na sumagot ay nagpatiuna na itong naglakad palabas ng canteen.
---------------------------------------------------------------------

"Anong gagawin natin dito?" tanong ko kay Sitti habang papasok kami sa University clinic.

"Naninigurado lang kaya hwag ka nalang maingay."
aniya pagkatapos niyang tinawag ang nurse na mag a attend sakin.

"Sabi ko naman saiyo okay lang ak-"
naputol ang sasabihin ko dahil nasa harapan na namin ang nurse.

Madulimay and The Three HunksWhere stories live. Discover now